KASALUKUYANG nag-uusap ang dalawa sa tabi ko. Hindi ko na rin sila pinakikinggan dahil wala naman akong interest sa pinag-uusapan nila. Malalim ang iniisip ko. Maski nga ngayon ay hindi ko pa napapatay ang tatlo naming biktima. Nakaupo lang ako habang pinag-mamasdan ang mga kabataan sa pool. May mga nagsasaya, may mga naghaharutan, at ang iba naman ay naghahalikan. Napapailing nalang ako habang pinapanuod ko ang paghahalikan ng mga iyon. Akala mo ay sanay na sanay.
"Hey Llana, ang tahimik mo naman." Rinig kong sabi ni Jasmin. Napatingin ako sa kanila. Nilapit ni Riabelle ang kanyang mukha samin.
"Llana?" Tanong ni Riabelle.
"Llana. Yun ang name nya diba?" Tanong ni Jasmin. Nagtinginan kaming dalawa ni Riabelle. Muling sumagi sa isip ko ang tingin niya kanina. Ang mga makahulugan niyang tingin. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa utak niya ngayon. Inilipat niya ang tingin kay Jasmin na ngayon ay nagsasalit ang tingin sa aming dalaa.
"Yeah, Llana nga name niya." Sambit ni Riabelle. Hindi ako naka-imik. Sa totoo, pangalan ko talaga iyon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Ngumiti si Jasmin samin at saka ininom ang isang bote ng Rum. Pagkatapos ay tumingin siya samin ng may ngiti.
"Tara, ipapakilala ko kayo sa mga kaibigan ko. Kaklase ko sila nung elementary." Sambit ni Jasmin. Nagkatinginan kami ni Riabelle.
Inaya na nga kami ni Jasmin sa loob. Pagpasok namin ay medyo ma-usok. May mga iba kase na nagve-vape. Usong-uso yun ngayon kaya medyo hindi mawawala iyon lalo na sa mga mayayamang binata at dalaga.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking sofa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng makita ang tatlo naming biktima. Duon namin napagtanto na sila ang tinutukoy na kaibigan ni Jasmin. Nang matanaw kami, tumayo ang isa sa kanila at lumapit samin, kay Jasmin.
"Hey! It's been a while." Sambit nito at humalik sa pisngi ni Jasmin.
"Kanina pa ako nandito." Sambit ni Riabelle. Sinulyapan ko si Riabelle. Walang bahid ng kahit anong emosyon ang nakita ko sa mukha niya. Seryoso ang mata niya habang nakatingin kay Jasmin. May laman nanaman ang kanyang mga tingin. Napakunot ako ng noo. Hindi ko siya maintindihan. Ramdam ko ang ibig sabihin ng tingin niya ngunit hindi ko matukoy kung ano iyon. Naguguluhan ako. Nanatili ang mata ko sa kanya ng lumingon siya sakin. Nagulat ako dahil duon. Kitang-kita ko sa mata niya ang punong-puno ng sikreto. Litaw na litaw iyon ngunit hindi ko maintindihan kung bakit di ko alam iyon.
"By the way, this is my new friend. This is Llana and Riabelle." Sambit ni Jasmin sabay tingin samin. Muling nag-iba ang aura ni Riabelle at para bang naging isang angel ito. Ngumiti siya sa lalaking kausap ni Jasmin. Nanatili ang tingin ko. I can't believe it.
"Llana?" sambit ni Jasmin. Tumingin ako sa kanila saka ngumiti.
"Hi." Sambit ko at inilahad ko ang kamay ko sa lalaking kausap namin.
"Jerrimie." Sambit niya. Tumango ako sa kanya. Ngumiti siya sakin saka pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan. I raised my eyebrows because of it. I know what does it mean. Hindi na ito bago sakin. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Hindi ko na ito pinansin. Hinayaan ko nalang na mabusog ang mata niya. Itinuon ko nalang muli kay Riabelle ang atensyon ko. Nakaupo na siya ngayon sa mahabang sofa kasama ang dalawa pang kaibigan ni Jasmin. Nilagpasan ko nalang si Jerrimie at sumunod na sa kanila. Naramdaman ko din ang pagsunod niya.
"By the way, gusto nyo ba?" tanong ng isa sa kaibigan ni Jasmin. Nagtinginan kaming tatlo habang nakamasid sa kumpol ng candy. Wala namang emosyon ng pagkabigla sa mukha ni Jasmin. I was about to get some of his candies when Jasmin's hand stop me. I look at her with confusion. She just sighs and looks at the guy who offers me those candies.
"Please, not them." Sambit ni Jasmin. Napakunot ako ng noo at tumingin kay Riabelle. Walang emosyon ang mukha niya. Hindi siya nabibigla sa nangyayare. muli kong ibinalik kina Jasmin ang atensyon ko.
"I thought they know." sagot ng lalaki. Tahimik na umiling si Jasmin. Napatingin siya sakin saka ngumiti. Bakit mukhang alam ni Riabelle ang tinutukoy nila?
"Sayang naman. Pero malay natin magustuhan nila." sambit ng lalaki. Sumang-ayon ang isa pa at si Jerrimie. Tumingin samin si Jasmin. What's wrong with giving us candies? It is just a normal candy. I don't get why Jasmin is so protective of us.
"I pass. Hindi ako gumagamit ng drugs." Bulalas ni Riabelle. Gulat na napatingin ako kay Riabelle. Anong pinagsasasabi niya? Muli kong ibinaling ang tingin ko kina Jasmin. Gulat din siyang napatingin kay Riabelle. Pinagmasdan ko mabuti ang candies na inaalok ng lalaki. Duon pumasok sa utak ko ang idea na malamang ay naglalaman nga ito ng ipinagbabawal na gamot.
"Woah!" wika ng dalawang lalaki. Busy si Jerrimie sa pag-inom ng isang bote ng Rum. Minsan ay tumitingin siya samin, lalo na sakin. Iniiwas ko lang ang tingin ko. Hindi ko alam kung bakit ganun siya tumingin sakin. Naiirita ako.
"Mukhang ma-alam iyang kaibigan mo Jasmin." Sambit ng isang lalaki. Ngumiti lang si Riabelle. Hindi umimik si Jasmin. Para bang ang lalalim ng iniisip niya. Nakita kong tumingin naman sa pwesto ko ang lalaking nag-alok samin ng candies.
"How about you, Miss?" sambit nito. Saakin naman tumingin si Jasmin.
"Pass." sambit ko. Narinig kong nagreact sila ngunit wala namang ibang emosyon ang itsura ni Jasmin. Nakatingin siya sakin na para bang may sinasabi. Ngumiti nalang ako sa kanya at inabot ang isa pang bote ng Rum.
Masasayang tugtugan ang namayani sa buong paligid. Paiba-iba din ang ilaw na sumasakop sa buong lugar. May mga nagsasayawan sa gitna na akala mo ay nasa isang party club. Hindi naman mawawala ang mga taong sobrang mapupusok. Hindi na rin naman iyon maiiwasan. Iba na ang mga kabataan ngayon. Dahil sa pagbabago ng panahon, nababago na din ang takbo ng isip ng mga kabataan. Masyado na silang nai-influence ng mga TV series and books they read.
I was sitting in my chair, minding my own business. I don't know where is Riabelle too. After the conversation earlier about the unexpected topic, she's nowhere to be found. She just excuses herself because she wants to go to the comfort room. Jasmin was minding her own business too. She has something to do to that's why I can't find her. Ngayon ay mag-isa ako habang kasama ko ang lalaking kanina ko pa kinaiinisan. Si Jerrimie. Kanina pa siya tingin ng tingin sakin. it irritates me. Pero hindi ko ipinahalata iyon.
Maya-maya ay nakita kong lumapit siya. Umupo siya sa tabi ko. Hindi ako kumibo. Hinayaan ko siya habang nakamasid sa paligid. Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya aking hita. Tumingin ako sa kanya. Ngumisi lang siya. As I remember, he is one of our victim. Should I kill him now and tell that it's self-defense?
"Yung mga kaibigan mo, hindi na makita. Sa palagay ko ay kasama na nila Ron at Miggy iyon." Wika niya sabay tingin sa aking dibdib. Tumango ako at humarap sa kanya.
"Ikaw, wala ka bang plano?" sambit ko. He looks at me as if he couldn't believe it. He just staring at me while I smile innocently.
"Ano bang gusto mo?" wika niya sabay himas sa hita ko. Ngumiti ako saka itinuro ang taas. Ngumiti siya sakin. Tumayo na siya at naunang maglakad. I need to find Riabelle. Ngunit hindi ko siya makita. I already have a chance to executed this man.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nang makarating kami sa second floor ay agad niya akong inaya sa isa sa mga kwarto duon. Hindi ako kinakabahan. Hindi rin ako nakakaramdam ng kahit na ano. Ang tangi kolang iniisip ay matapos ang trabahong ito at umalis na sa lugar na ito.
Pagkatapos naming madaanan ang ilang mga kwarto ay nakarating kami sa dulo. Medyo malaki ang lugar na ito. Hindi halata sa labas. Pagpasok namin ay bumungad sakin ang malaking kwarto. Pagsara niya, rinig ko ang tunog ng lock. Hindi ako kumibo. Naglakad ako papunta sa kama niya at naupo. Lumapit siya sakin. Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti.
"So, ano na?" Sambit niya. Walang pumapasok sa utak ko. Paano ko siya papatayin? Walang malapit na bagay na maari kong gamitin para sa kanya.
"Ikaw bahala." sambit ko. isinuksok ko ang kamay ko sa bulsa ngunit napatigil ako ng may maramdaman akong maliit ngunit pahabang bagay sa bulsa ko. Hindi ko ipinahalata kay Jerrimie ang pagkabigla ko. Mula sa bulsa, pinakiramdaman ko kung ano ang bagay na iyon. Medyo magaspang siya. May nararamdaman di akong powder duon. Maliit lang talaga siya gaya ng gamo-- wait.
Pumasok sa isip ko ang gamot na madalas hawak ni Riabelle dati. Ang gamot na pumatay kina Maricar. Dahil duon, nakaisip ako ng paraan para mapatay ang lalaking ito. I sigh and look at him. He just look back as if he is waiting for something. I smile and stand up para maka-abante sa gagawin ko.
"Bakit hindi muna tayo um-order ng maiinom bilang panimula?" Sambit ko.
"Good idea." pagkatapos nun ay nagtungo siya palabas ng pinto. Saglit siyang lumabas duon at pagkatapos ay pumasok na rin siya. Hindi ko na talaga gusto ang mga tingin niya. Naiirita na ako.
Maya-maya ay dumating na rin ang in-order niyang tequila. May kasama pa itong ngiti habang papalapit sakin. Nakatingin lang ako sa kanya habang binubuksan iyon. Agad ko itong kinuha sa kanya para ako na ang magbukas.
"Okay. Excuse me!" sambit niya saka nagtungong sa CR. Mabilis kong inilabas ag gamot at inilagay iyon sa baso na may tequila. Pagkatapos ay sinalinan ko ang isa pang baso at ininom iyon. Sakto namang lumabas si Jerrimie. Naabutan niya akong umiinom na kaya agad na niyang kinuha ang isa pang basa na may lamang gamot. Sa pag-kakaalam ko ay minuto bago tumalab ang gamot.
Hinayaan kong magkwentuhan muna kami ng ilang minuto. Pagkatapos ay nararamdaman kong nagpapakita na siya ng motibo niya sa gusto niya. Minsan ay umiiwas ako. Bakit kase ang tagal tumalab ng gamot?
Hindi rin nagtagal ay agad siyang napahinto. He raise his hand to sign a stop because of something bothering him. Palihim akong napangiti. Panay ang hawak niya sa leeg. Dahil duon ay huminto din ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya. Inalo ko siya upang hindi niya ako mahalata.
"What's wrong?"
"Nanunuyo ang lalamunan ko." Sambit niya saka tumingin sakin. Natigilan ako. Nagkatinginan kami. Maya-maya ay nagulat ako dahil sa biglaan niyang pagtulak sakin. Paika-ika siyang tumayo habang itinuturo ako.
"I knew it. Sinasabi ko na nga bang isa ka sa organization na iyon." Sambit niya habang naghahanap ng maihahampas. Kumunot ang noo ko. Pinagmamasdan ko lang siya habang hindi siya mapakali. Alam kong alam niya na ilang oras nalang siya.
"Kitang-kita sa kaibigan mong isa. Halata sa kanya na alagad sya ni Clark." Wika niya habang umiiling. Maya-maya ay nakita kong bumagsak siya. Hindi ako kumikibo. Nakatingin lang ako sa kanya habang naghihingalo siya.
"K-Kasalanan ni P-Papa ito." sambit niya saka tuluyang bumagsak. Inantay kong magsalita siya. Ngunit hindi na siya nag-react pa. Naglakad ako papalapit sa kanya at siniyasat kung humihinga pa siya. Nang masiguro kong wala na siyang buhay ay nag-ayos ako ng sarili ko. Bago lumabas, inubos ko pa ang tequila at binasag iyon sa tabi niya.
Third person's point of view
Maraming pulis ngayon ang nasa tapat ng isang bahay kung saan may nangyareng pagpatay. Kasalukuyang inilalabas ang bangkay ng tatlong lalaki. Sa magkakaibang paraan sila pinatay kaya naman nagkaroon ng kaunting kaguluhan kanina. Nahirapan pa ang mga pulis dahil sa dami ng mga kabataang nandito. Napag-alaman pang may transaction ng droga sa lugar.
Iyon lahat ay napanood ni Jasmin. Kasalukuyan siyang nakatayo sa ilalim ng puno, hindi kalayuan sa bahay na iyon. Kitang-kita niya ang pula at puting ilaw na nagliliwanag sa buong paligid. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Wala siyang idea kung sino ang posibleng may gawa nito sa mga 'KAIBIGAN' niya.
Umalis na siya sa lugar na iyon at naglakad papunta sa kanyang motorcycle. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang cellphone at dinail ang numero ng ama. After a three rings, sinagot na rin ito ng kanyang ama.
"They are dead now." ito ang ibinungad niya saka ibinaba ang tawag. Hindi talaga ang mga kaibigan niya ang ipinunta niya dito. Napag-alaman kase nila na posibleng magpakita sa lugar na iyon ang assassin ng The Coetus. Ang ikinaiinis nya lang, hindi nya manlang nakita ito. Ilang beses na silang nagkaharap ngunit hindi nya pa ito nakita ng malapitan.
Sumakay na siya sa kanyang motorcycle at pina-andar ito. Mula sa hindi kalayuan, may natanaw siyang nakaparadang kotse. Dahil madilim ang lugar, hindi niya alam kung sino ang nasa loob. Kulay itim din ito kaya hindi halata. Tinapunan nya lang ng tingin ang kotse at mabilis na nilagpasan ito.
Zerrie's POV
Kasalukuyan na kaming naka-upo ni Riabelle sa loob ng kotse habang pinagmamasdan ang nangyayare sa bahay na iyon. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nalaman kong siya ang tumapos sa dalawa.
"Seriously?" Sambit ko. Hindi umimik si Riabelle. Diretso ang tingin niya sa kalsada habang nakamasid sa mga nagliliwanag na sasakyan ng mga pulis. Inilipat ko na ang tingin ko sa harapan ng namataan ang isang BMW motorcycle na mabilis ding lumagpas sa amin. Tinapunan ko lang ng tingin to bago muling humarap kay Riabelle.
“Ano pang gagawin natin?” Ranong ko. Tumingin siya sakin saka nagkibit balikat.I sigh. Pinaandar ko na rin ang sasakyan at umalis na sa lugar. Sa totoo lang, kanina ko pa napapansin si Riabelle na tahimik. Hindi ko alam kug bakit. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kakaiba sa kanya. Lalo na ang mga tingin niya.
“How do you trust a certain people?” Nagulat ako ng bigla siyang magsalita. Inihinto ko ang sasakyan at hinarap siya. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sakin.
“What do you mean?” I ask. Hindi niya ako binigyan ng kahit anong reaksyon sa mukha. Ngayon lang ako naguluhan sa kanya. Ano bang nangyayare sa kanya?
“Do you trust me?” She ask. Napakunot ako ng noo. Nilabanan ko ang titig niya sakin. Nanatili lang siyang nakatitig sakin ng putulin niya iyon. Pumikit siya ng mariin saka muling humarap sakin.
“I just want to make sure na buo ang loyalty at trust mo samin, yun lang.” Sambit niya saka tumingin na sa kalsada. Humarap na rin ako sa kalsada at ipinagpatulot ang pagmamaneho. Wala nang umimik samin hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi pa muna siya bumaba sa sasakyan. Kaya naman nauna na akong bumaba at pumasok na sa loob. Iniwan ko sa kanya ang susi para siya nalang ang magtabi.
Pabagsak akong himiga sa kama. Masyadong maraming nangyare ngayong araw. Itinanbay ko ang mata ko sa kisame. Kapag talaga ako nag-iisa sa mga ganitong oras, hindi ko maiwasang mag-isip.
Sa ngayon, pakiramdam ko ay may kakampi na ako. Ngunit tama ba? Tama ba na tinanggap ko ang alok ni kuya. Lalo na ng malaman kong isa syang American agent. Ibig sabihin ba nito ay napasok na nga ang organization. Nakaramdam tuloy ako ng kakaiba sa mga tanong ni Riabelle kanina. Ngunit hindi pa ito ang tamang oras. Hindi ko pa nalalaman ang lahat ng dapat malaman. Sa ngayon, tama na muna ang tungkol sa gamot.
Ipinikit ko ang mata ko upang matulog. Ilang araw na rin akong walang sapat na tulog.