CHAPTER NINETEEN

2278 Words
ILANG araw na ang lumipas. Wala muna kaming trabaho ni Riabelle. Malapit na ang pasko. Wala naman kaming planong dalawa. Hindi rin naman ako madalas nagse-celebrate ng christmas because I live alone. Sina Aling Cyntia o kaya sina Mrs. Espana lang madalas ang kasama ko. Pero ngayon ay iba na. Nandito nanaman ako sa kwarto ko habang hawak ang syringe na may gamot galing organization. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong idea kung para saan iyon. Ang alam ko lang ay nakamamatay siya.   Napatayo ako!   Teka! Liquid ito. Ang nakamamatay na gamot na alam ko ay yung laging hawak ni Riabelle na tableta. Meron pa kayang ibang gamot? Hindi ko maintindihan. Para saan itong liquid na ito kung ang gamot na nakamamatay na alam ko ay yung tabletang binibigay sakin ni Riabelle.   Mabilis akong nagbihis. Pagkatapos, lumabas ako dala ang isang bag na naglalaman ng dalawa kong cellphone at ang syringe. Hind ko parin nakukuha ang kotse ko kay Kuya. Nahihiya akong kontakin siya maski si Lexin. Pagbaba ko, naabutan ko si Riabelle na naglilinis nanaman ng baril. Tumingin siya sakin saka ngumiti. Tinanguan ko siya.   "Alis lang ako." Sambit ko. Tumango siya saka ngumiti ulit.   "Ingat." sambit niya. Napahinto ako. Tumingin ako sa kanya ngunit hindi na siya tumingin sakin. Napakunot ang noo ko. Bakit hindi siya nagtatanong kung saan ako pupunta? Ang weird.   Tumalikod na ako at naglakad. Huminga ako ng malalim. I get my phone and dial kuya Steve. I really need to get my car back. After three rings, sinagot na siya ito.   "Yes?"   "Kuya, its me, Zerrie. I need my car." Sambit ko.   "Where are you?"   "Iwan mo nalang sa lugar na sasabihin ko." Medyo tumahimik ang kabilang linya. Naglalakad na ako ngayon palabas sa subdivision kung saan kami nakatira ngayon. Walang gaanong tao sa labas. Medyo makulimlim din.   "Okay."  Rinig kong sagot ni kuya. Ibinaba ko na ang cellphone ko at itinuon ang atensyon sa daan. Wala ako ngayon ibang iniisip kung hindi ang tungkol lang sa organization. Ngayong kumpleto na nila ang gamot, ano nang mangyayare? Kailangan ko iyon agad malaman. Ngunit paano? I was doing this alone.   Sa hindi malamang dahilan, naalala ko ang sinabi ni Syncro. He said that they are not the enemy. What does it mean? Paanong hindi sila kalaban? Ibig sabihin may isa pang organization? Kung totoo, tama ako na ang babaeng ilang beses ko nang nakakaharap ay nagtatrabaho sa organization na iyon. Tauhan ni Syncro.   Pagkarating ko sa gate ng subdivision, agad akong tumawag ng taxi para makasakay. Mabuti nalang at merong taxi na kadadaan lang. I told him the place kung saan kami pupunta. Tinext ko na rin kay kuya yung lugar. Habang nasa loob ng kotse, hindi ko nanaman mapigilang mag-isip. This time, it's about Daddy. The picture 10 years ago is similar to those doctors they mention. Ayokong isiping isa si Daddy sa kanila. It's unbelievable. Hindi gagawa ng ganon si Daddy. Sobrang imposible naman na ang organization na ito ay may kaugnayan kay Daddy. Hindi ko alam kung tungkol saan ang gamot ngunit I know na hindi gagawa si Daddy ng ganitong bagay.   I close my eyes and remember the days I was with them. Hindi naman ganon kasasaya ang memories ko but still, hindi iyon basta mabubura. Naalala ko ang mga araw na umuuwi si Daddy with a pasalubong. Ang saya ko non. Minsan, sinasama niya ako sa work niya ngunit wala akong matandaang sa lugar na iyon. Sa lugar kung saan ako nagtatrabaho ngayon.   "Nandito na po tayo Ma'am." Rinig kong sabi ni manong taximan. Tumango ako at inabot ang bayad. Pagbaba ko, nakita ko na agad ang kotse ko. Ang bilis naman ni kuya. Naglakad na ako papasok sa loob ng cafe. I look around to see if I spotted kuya in case. Maya-maya, I felt a hands grabbing my arms. Napalingon ako sa kanya. Bumungad sakin si Kuya with a serious smile.   "We need to talk." Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang sulok dito parin sa loob ng cafe. Mabuti nalang at walang gaanong tao sa pwesto namin. I feel like, its too confidential to talk. I busy myself drinking iced coffee. Habang siya ay nakatulala lang sa cake niya. Akala ko ba mag-uusap kami? Ano to telephatic? Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya. Napatingin naman siya sakin. I raise my eyebrows.   "Zerrie, sabihin mo nga sakin. Paano ka nakapasok sa organization?" diretso niyang tanong. Natigilan ako. Hindi ko alam na ganito kaagad kabilis ang tanong niya. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Naghahanap ng maisasagot.   "Paano mo nakilala sina Clark? Paanong ganon nalang ang tiwala at atensyon nila sayo? May hindi ba ako alam, Zerrie?" Sunod-sunod niyang tanong. Dapat handa na ako dito. Dapat handan na ako sa ano mang itatanong niya kanina pa. Hindi ko inaakala na itatanong niya ito.   "Kailangan ko bang sagutin iyan?" Tanong ko. Walang bahid ng ano mang emosyon ang ipinakita ko sa kanya. Nanatili namang nakatingin sakin si kuya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Sa tingin ko, hinuhusgahan na niya ako. Hindi ko siya masisisi.   "I have to go." Sambit ko. Tumayo na ako. Kinuha ko na rin sa gilid niya ang susi ng kotse. Hindi pa ako nakakalimang hakbang ng magsalita.   "Gusto kong makipagtulungan ka samin, Zerrie." Sambit niya. Dahan-dahan akong lumingon. Anong sabi niya? Makipagtulungan? Saan?   "What do you mean?" Dahil sa sinabi niya, para bang nabuhayan nanaman ang curiosity ko. Lumapit ako sa kanya at muling umupo sa harap niya.   "We have no choice. Ikaw lang ang makakatulong samin." Sagot niya. Napakunot ang noo ko. Hinayaan ko siyang magsalita. Inantay ko ang mga susunod nya pang sasabihin.   "I think, its time to say this. I was working as American agent. Nandito ako dahil sa banta ng panganib na dulot ng isang organization dito. I hope you understand." Nanatili ang mata ko kay kuya. The way na magsalita siya, its too different. Ibang kuya Steve ang kaharap ko. Mula sa mga salitang initiwan niya, alam ko na ang pinupunto niya. Ngayon ay nasa akin na ang desisyon. Ngunit naguguluhan ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Anong sasabihin ko?   "Okay." sagot ko. Kita ko sa mukha ni kuya ang gulat. Kailangan ko itong pag-isipan. Kahit hindi niya sabihin ng buo, alam ko ang ibig niyang sabihin. He want me to work with him, with them. Kung papayag ako, that means I betray the organization. Nasa pagitan ako ng papayag dahil alam kong wala akong kasama para sa mga katanungan ko at hindi dahil I don't want anyone to know who am I. Ayokong malaman ng organization that I have connection with an American agent and a policeman. Ayoko ring malaman nila na ako ang serial killer at assassin na ilang araw nang laman ng balita.   "Zerrie..."   "Kuya, let me think about it first." Sambit ko. Tuluyan na akong tumayo at naglakad palabas ng cafe. I was about to enter my car ng maalala ko ang syringe. Natigilan ako. Kung iisipin, may benefit akong makukuha sa alok niya. I close the door of my car at mabilis na lumapit kay kuya. Nakita kong may tinatype siya sa cellphone niya. Mabilis akong umupo sa harap niya at inilabas ang syringe. Gulat siyang napatingin sa biglaan kong pagdating.   "I want to know what is that." Sambit ko. Mula sa mga salitang binanggit ko, alam na niya ang pinupunto ko. Kinuha niya iyon saka laking gulat na tumingin sakin. Hindi na siya nagsalita. Agad niyang inilagay sa coat niya ang syringe. Tumayo na ako at iniwan siya duon. Tuluyan na akong pumasok sa kotse ko. Sana tama ang desisyon ko. Hindi naman sa nakikipagtulungan ako, kailangan ko lang ng kasagutan tungkol sa gamot na iyon. PAGKAKARATING ko sa bahay, naabutan ko si Riabelle na nagluluto ng hapunan. Hindi niya ako napansin dahil sa nakatalikod siya sakin. Tahimik akong umakyat sa taas. Pagpasok ko sa kwarto, mabilis akong humiga. I made a desicion this day. Hindi ko alam kung tama ba o hindi. Wala akong pinagsisihan. We the help of this, makakahanap ako ng sagot. Nagtungo ako sa CR para mag-shower. After an hour, lumabas na rin ako. Hindi pa ako nakakapagbihis ng tuminog ang cellphone ko. I was expecting that it was kuya kaya hinayaan ko na. Ipinagpatuloy ko na ang pagbibihis. Pero muli ring tumunog ang cellphone ko. It turns out that it came from my second phone. A registered numer flash on my screen.   "What do you want?" I  ask. Narinig kong huminga siya ng malalim.   "I didn't expect na natapos na ang gamot." sambit niya. Napakunot ako ng noo. Hindi ko akalain na nakarating na pala sa kanya ang balita. Hindi ako sumagot. Inantay ko ang mga susunod niyang sasabihin. Ngunit hindi na siya nagsalita.   "What now?" I ask. Hindi na siya sumagot. Tahimik lang ang boses niya. Tanging paghinga nya lang ang naririnig ko. I sigh. Ano bang pinupunto niya? I didn't get it. Sa sobra kong inis, I hang up the call. Muli kong inalala ang mga salitang binanggit niya. Hindi nya inaakala na natapos na ang gamot? What does is mena? He knows about it?   "SYNC! KAKAIN NA." Mula naman sa pinto ay narinig ko si Riabelle. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago siya pagbuksan. Bumungad sakin ang nakangiting Riabelle.   Sabay kaming naglakad pababa. Masaya siya. Ramdam ko. Ngunit hindi na ako nagtanong. Wala ako sa mood. Kahit wala akong ginawa, para bang napagod ang utak ko sa dami ng iniisip. Pagdating sa dining area. Sabay na kaming umupo. Walang isang salita ang lumabas sa mga bibig namin. Walang nagtangkang magsalita. I look at her. Ano kayang tumatakbo sa utak niya? Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasandok siya ng mapatingin siya sakin.   "What?" sambit niya. Umiling ako. I want to ask a question. Ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan. I started to eat. Ang masasabi ko lang ay masarap siya magluto. Mabuti nalang talaga at may kasama akong magluluto.   "Nga pala Sync, we have a job tonight." Napatingin ako sa kanya.   "About what?" Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakapagsalita mula kanina. May kinuha si Riabelle sa bulsa niya at may inabot.  Pagbukas ko sa nakatuping papel, bumungad sakin ang pangalan ng tatlong lalaki. Hindi ko sila kilala ngunit nakikita ko na sila sa internet at TV. They seems to be so famous.   "Mamaya na ito?" sagot ko. Tumango siya. Kahit hindi namin sabihin ang salitang 'kill them', mula lang sa mga salitang iyon alam na namin kung anong gagawin. Tumango siya saka ipinagpatuloy na ang pagkain. Time checked: 10 PM   Hindi ko alam kung nasaan kami. Ang sabi lang ni Riabelle ang dito matatagpuan ang tatlo naming biktima. Kasalukuyang nagtitipa sa kanyang laptop si Riabelle. Nasa loob lang kami ng kotse habang pinagmamasdan ang pagpasok ng mga bisita sa isang handaan. Base sa lead ni Riabelle, ang may-ari ng bahay na ito ay ang tatlo naming biktima. May party daw dito kaya ngayong araw sila ipinatrabaho samin. Napag-alaman kong anak sila ng ilang sikat na politiko.   "Let's go." Sabi ni Riabelle. Bumaba na kami. Hindi ko alam kung paano kami makakapasok ngunit trabaho na ni Riabelle iyon. Hindi nga nagtagal at nakapasok kami. Nakatingin lang ako kay Riabelle ngayon. Nakakabilib!   "Ikaw na ang bahala." Wika niya. Tumango ako. Marami ang bisita ng tatlo naming biktima. Halos lahat ay teenagers. Mukhang party ito ng mga kabataang walang alam sa buhay kung hindi ang mag-enjoy. Pagpasok ko sa loob, may nakita akong mga magkasintahan na naghahalikan sa sofa. Minsan pa nga ay may malalaswa pang bagay ang ginagawa. Agad hinanap ng mata ko ang tatlo. Nang mamataan mabilis akong lumapit. Ngunit hindi pa ako nakakailang hakbang ng mabangga ako sa sa isang tao. Pareho kaming natumba.   "Aray!" Sambit ng nabangga ko. Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako ng makita si Jasmin.   "Jasmin?" wika ko. Napatingin din siya sakin. Nanlaki ang mata niya. Mabilis siyang tumayo pang tulungan ako. Nilagpasan lang kami ng ilang mga tao dito.   "I'm sorry." sabi niya saka inabot ang kamay ko. Tinanggap ko iyon at saka ngumiti sa kanya. Kahit dim light, tanaw ko parin ang maamo niyang mukha. Ngumiti siya sakin na para bang nakita niya ang mahal niya sa buhay.   "Anong gawa mo dito, Llana?" Tanong niya. Natigilan ako, muli akong tumingin sa pwesto ng tatlo naming target. Wala na sila sa pwesto nila. I bite my lower lip. Napatingin din si Jasmin sa tiningnan ko.   "What's wrong?" Napailing ako sa kanya.   "Ikaw? Anong gawa mo dito?" Tanong ko. Natigilan din siya. Tumingin siya sakin na akala mo nag-iisip. Pagkatapos ay umiling rin siya. Nakakapanibago siya. Siguro ay dahil sa tagal nanaming di nagkita muli.   "Asan pala si Riabelle?" Tanong niya.   "Nasa labas." Sagot ko. Para bang lumiwanag ang mukha niya.   "Nandito sya?" Sagot niya. Tumango ako.   Lumabas kaming dalawa ng bahay. Nagtungo kami sa pool side kung saan may iba pang kabataan na nagpaparty. Naabutan namin si Riabelle na may mga kausap na lalaki. Napailing ako. Paano sya nakipagclose agad gayong di naman namin kilala lahat ng nandito?   "Riabelle." Sambit ni Jasmin. Napalingon samin si Riabelle. Nagulat siya ng makitang magkasama kami. Ngunit ang tingin niya sakin ay alam kong may laman. May sinabi siya saglit sa dalawang lalaking kausap bago lumapit samin. Ngumiti siya kay Jasmin.   "Hi. It's nice to see you again." Wika niya. Ngumiti din si Jasmin sa kanya. Pinagmasdan ko sila pareho. Mukhang hindi muna namin gagawin ang trabaho. Kahit papaano ay kailangan din namin ng ibang kausap. Kita ko rin sa mukha ni Riabelle ang ngiti dahil kahit papaano ay may kausap siya na ka-edad niya. Ngunit ng mangtama ang mata namin, kita ko ang makahulugan niyang tingin. Unti-unting nawala ang ngiti ko. Para bang may sinasabi ang tingin niya ngunit hindi ko alam kung ano. Ngumiti siya kay Jasmin. Sa pagkakataong iyon, nakaramdam ako ng kakaiba. May ibang sinasabi ang ngiti niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD