MAAGA akong nagising dahil sa katok na nagmumula sa pintuan ng kwarto ko. Kinusot-kusot ko ang mata ko dahil parang kulang pa ako sa tulog. Hindi ko pa gaanong nabubuksan ng tuluyan ang aking mata ng tumayo ako papunta sa pinto upang pagbuksan iyon. Hindi naman ako natatakot sa posibleng tao na kumatok duon dahil I make sure na nabuksan ko ang security ng bahay. Kung may ibang tao mang kakatok sakin, that must be Riabelle.
"Breakfast is ready." and I was right. She's so refreshing today. She's wearing her innocent smile. I don't know what happens but I am sure that it is good news. I nodded to her before I close the door. Napapapikit-pikit pa ako sa labis na antok. Masyado ko kaseng nilunod ang sarili ko sa kaka-isip ng mga bagay-bagay. Ang daming nangyare.
Pagkatapos kong maghilamos at nagbihis ng maayos ay bumaba na rin ako. Naabutan ko si Riabelle na nagsasandok ng sinangag. Nakangiti parin siya na parang ewan. Napapailing nalang ako. Ano bang nangyayare dito? Nang makalapit ako, sinutsutan ko agad siya. Napatingin siya sakin. Sobrang inosente ng itsura niya. Hindi na nakakagulat sa isang 18 years old.
"What?" Masaya niyang tanong.
"Is there something good happen into your life? Baka naman gusto mong i-share." Sambit ko. Naupo na ako sa upuan sa harap niya. Nakangiti parin sya. Hindi ko na rin maiwasang mapangiti dahil sa nakakahawa niyang kasiyahan ngayon. Parang normal samin ang araw na ito. As in parang ordinaryong tao lang kami na mag-ateng nakatira sa isang bahay habang ang mga magulang ay nasa abroad.
"Actually yes, but it's kinda weird to discuss to you e." Napataas ang kilay ko.
"What? Mukha ba akong iba sayo?" Umiling sya. Huminga muna siya ng malalim saka tumingin sakin na may abot hanggang tengang ngiti.
"May nangyare samin ni Clark." Mula sa mga salitang binitiwan niya, halos mabilaukan ako. Dahil sa gulat niya, mabilis niya akong inabutan ng baso. Halos matawa pa ako dahil walang lamang tubig ang basong inabot niya. Literal na baso lang. Pareho kaming tumawa dahil sa pagkataranta niya. Nang makabawi, agad ko siyang hinarap.
"What did you just say? You make love with him?" Hindi ako makapaniwala habang tinitingnan siya. Tumango siya. Napasandal nalang ako sa upuan. Masyado pa siyang bata tapos maggaganun na agad sya? Ako nga inabot ng ilang years bago ko maranasan yun. s**t! I bite my tongue because of what I've thinking.
"I think, its normal for a couple." Nakangiting wika ni Riabelle. Couple? As in yung mag-jowa na? Natigilan ako. Hindi naman kami magkasintahan ni Lexin. Normal ba yon? Napailing ako sa sarili ko. Hindi ko na dapat pa iniisip itong mga bagay na ito. Hindi naman na iyon importante. Pumikit ako saka huminga ng malalim. Napansin ko ang pagtingin ni Riabelle sakin.
"By the way, may binigay si Clark. A new job I think." Sambit ko. Nawala ang ngiti ni Riabelle dahil sa sinabi ko. Inabot niya mula sa kamay ko ang papel na ito. Pagkabukas niya sa nakatuping papel ay tumingin siya sakin.
"It's just an ordinary job. What do you think about later?" Sambit niya. Tiningnan ko siya. Mukha siyang seryoso pero may halong biro. Later? Alam kong madali nalang iyon saming dalawa. Hindi naman namin kilala ang limang target namin, pero alam kong kaya namin iyon. Muli kong tiningnan si Riabelle. Nakangiti nanaman siya habang inaalala ang masaya nilang gabi ni Clark. Ngayon ko lang napansin na ang lalim na ng pinagsamahan namin ni Riabelle. Although I have doubts about her because of her loyalty to the organization, di ko napansin na nakakagawa na pala kami ng memories sa mga gabing trabaho namin. Hindi ko na mabilang kung gaano kami katagal magkasama. I think it's time for me to trust her. Wala namang mawawala.
"What?" naputol ang pag-iisip ko ng mapatingin siya sakin. Nakakunot ang noo niya. Nginitian ko lang siya.
"Nothing."
Time Check: 7 PM
KASALUKUYANG nakaupo kami ngayon sa loob ng isang casino. Hindi gaanong kilala ito dahil illegal. Naalala ko yung huling punta ko sa isang casino na ni-raid dati ng pulisya. Ganito din iyon pero ewan ko lang kung may sabit ito. Panay ang linga ko upang hanapin ang una naming biktima. Samantalang si Riabelle ay panay chill lang sa tabi ko. Sumasabay pa ang ulo niya sa beats ng musika.
Ilang oras kaming nanduon sa pwestong iyon. Minsan ay may pangilan-ngilang umuupo sa table namin para i-entertain kami. Madalas ay si Riabelle ang sumasalo lahat duon. She's too wild for an 18 years old. Hindi ko nalang sila pinapansin. Hindi rin naman ako mahilig. Kapag nararamdaman kong may kamay saking hita o balikat, naaalala ko lang si Lexin.
Hays!
Umiling ako ng maalala ko ang nangyare samin ni Lexin. Bakit ba bigla-bigla nalang papasok sa utak ko iyon? Hindi ko magawang mag-concentrate. Na di-distract ako kapag naaalala ang mga bagay na iyon na pinagsaluhan namin ni Lexin.
"Hey! Ayos ka lang?"Rinig kong tanong ni Riabelle. Nakaalis na pala ang mga lalaki na kasama niya kanina.
"Yeah! Don't worry. I'm fine." sambit ko. Tumango siya saka muling tumingin sa mga negosyante at sugarol na naglalaro sa harap.
"Our first victim is Ben Asuncion. He is a freelance writer. Minsan ay nagsusulat siya sa mga pahayagan, sa mga news articles sites, at ang latest ay sa isang documentary about sa gobyerno." Sambit niya. Hindi siya nakatingin sakin. Diretso ang tingin niya. Hindi ko na rin siya tiningnan. Ngayon ay alam ko na kung ano ang kasalanan ng taong ito.
"Mag-iikot lang ako." wika ko. Tumango siya. Alam kong alam na niya ang gagawin ko.
Naglakad ako sa paikot kung saan makikita mo ang ilang mga naglalaro. May mga babae ding halos kita na ang buong balat dahil sa suot. Hindi naman na normal sakin ito. Sa mundong ginagalawan ko, lahat ay normal nalang. Sa di kalayuan, may natanaw akong lalaking nagwawala. May mga guards na ring pumipigil sa kanya. Napangiti ako ng makita kung sino ang lalaking iyon. Lumapit ako sa kanila.
"What's happening here?" tanong ko. Natigil silang lahat sa pagdating ko. I look at them with chin up and with full confidence. Nakita ko ang mga mata ni Ben na pinasadahan ang buo kong katawan. I was wearing a black backless cocktail dress.
"Bitawan nyo nga ako. Mga siraulo!" wika niya. Binitiwan na siya ng mga guards.
"Ma'am, ang lalaki po kaseng ito ay inirereklamo ng isa sa staff namin..." sabi ng isang guard sabay turo sa babaeng halos kita na ang kaluluwa. Tumango ako saka tumingin sa babaeng iyon.
"Are you okay? What's the matter?" I ask. Medyo nakayuko pa siya. I know na hindi niya ginusto ang trabahong ito. I know it.
"Y-Yang lalaki po kase na i-iyan. W-Wala na po siyang pera pambayad tapos inaano nya pa po ako..." wika ng babae. Tumingin ako kay Ben na ngayon ay lulong na sa alak.
"Tsk. Hayaan nyo akong mag-laro pa, mananalo rin ako. Kapag nangyare yon, who you kayo." sabi niya. Muli nanaman siyang nagpumiglas para makapasok pa sa ilang mga tables ngunit pinigilan ulit siya ng mga ito. Sa kabilang banda, natanaw ko si Riabelle na may kausap sa phone. Nang magtama ang mata namin, tinanguan niya ako. Medyo naguluha ako dahil sa ginawa nya ngunit iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at itinuon iyon kay Ben.
"Don't worry. I can handle this." Sambit ko. Lumapit ako kay Ben Asuncion at hinawakan siya sa braso. Nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin sakin. Hindi na siya nagwala pa. Sumunod lang siya sakin. Ramdam ko ang tingin ng mga taong nanduon habang palabas kami ng casino. Bago tuluyang tumapak ang paa ko sa labas ng pinto, I draw a big devilish smile.
Third Person's point of view
"Miss, saan mo ba ako dadalhin?" sambit ni Ben sa dalagang tinatangay siya ngayon sa kung saan. Hindi nagsasalita ang dalaga. Ramdam niya ag maitim na aura na bumabalot sa babaeng humahatak sa kanya ngayon.
"Miss ano ba?" sambit niya. Kahit lango na ito sa alak, malakas parin siya at nagawang hatakin ang braso sa dalaga. Pagbitiw niya, mabilis siyang bumagsak sa lupa. Walang katao-tao ngayon sa parking lot. Medyo madilim din ang pwesto nila kaya imposibleng makita sila ng mga taong mapapadaan. Mula sa pwesto niya, kita niya ang babae na nanatili paring nakatayo sa harap niya. Nakatalikod ito pero ramdam niya ang isang pamilyar na pagkatao.
"Sino ka?" Malamig niyang tanong. Alam niya kung ano o sino ang tinutukoy ngunit gusto niya ng patunay. Alam na rin niyang darating ang araw na ito, na ipapapatay siya ng The Coetus.
"Ben Asuncion..." Sambit ng babae. Nagtayuan ang balahibo niya ng marinig ang pangalan mula sa babaeng nasa harap niya. Kinakabahan siya ngunit nilalabanan niya iyon. Tatayo na sana siya ng humarap ang babae habang may hawak-hawak na baril sa kanan.
"That's your name, right?" tanong nito. Halos wala ng kurap ang kanyang mga mata ng itutok sa kanya ang baril. Alam niyang katapusan na niya. Alam niyang mamamatay na siya dahil sa pagiging traydor sa organisasyon. Wala siyang laban kung para sa mga taong nakaupo dito. Narinig niya ang pagkasa ng baril mula sa tapat niya. Ipinikit niya ang mata. Naghihintay siya ng bala na tatama sa bungo niya ngunit ibang lugar ang natamaan non. Napadilat siya dahil sa gulat. Nakita niyang napayuko ang babae sa harap niya.
"s**t!" bulalas ng babae. Halos hindi makagalaw si Ben dahil hindi niya akalain na may isa pang tao ang nagpapaputok sa kanila. Lumingon siya sa likod upang tingnan kung saan iyon nagmumula. wala siyang maaninag dahil sa dilim ng paligid. Mabilis siyang hinatak ng babae papunta sa isang sulok. Hindi niya alam ang gagawin. Tatayo na sana siya ngunit isang putok ng baril ang tumama sa gilid nila. Napayuko nanaman ang babae.
"Bullshit!" Muli nitong sambit. Sa pagkakataong iyon, gumanti na ng putok ng baril ang babae habang hawak-hawak ang kanyang kwelyo. Hindi nagpa-process sa utak niya ang mga nangyayare. Palitang ng putok ng baril ang nakikita niya. Hindi naman ganon kalakas ang tunog dahil sa silencer ng mga ito.
"Tayo!" sambit ng babae sa kanya habang gumaganti ng putok ng baril sa kalabang di nakikita. Hindi na siya nagsayang ng oras at tumayo na. Ngunit mabilis siyang hinatak ng babae upang gawing human shield. Habang umaatras sila, panay ang pag-baril ng babae sa kalaban. Ganun din ang kalaban ngunit hindi sila pinatatamaan. Madalas ay sa gilid nila o paanan ang tama.
Maya-maya, medyo nakalayo na sila. Tumigil na rin ang pagputok ng baril. Kasabay nun ang pagdating ng isang sasakyan sa likuran nila. Tumingin ang babae duon saka sa kanya. Kasabay nun ang ngiti na hindi niya makakalimutan sa buhay niya.
"Goodbye." sambit nito at isang putok ng baril ang ipinatama sa noo ni Ben Asuncion.
Zerrie's POV
"Thanks!" Sambit ko habang pinupunas ang towel na binigay ni Riabelle sakin. Halos madaming dugo ang nasa mukha ko ngayon dahil sa nangyare.
"Bakit mo naman binaril ng malapitan?" tanong niya. Nagkibit balikat lang ako sa kanya. Hindi na rin siya nagtanong. Nagpatuloy na siya sa pagmamaneho. Mabutin nalang at ipinahiram ito ni Clark. Hindi ko pa kase nakukuha kay kuya ang kotse ko.
Tahimik lang kami habang binabaybay ang kalsada pauwi. Laman ng utak ko ang nangyareng engkwentro kanina. Who is that? Sino nanaman ang taong iyon? Pakiramdam ko ay nangyare na ang ganito. Ang nakapagtataka lang, bakit niya kami binabaril? Bakit niya ako binabaril? Para bang kilala niya ako at alam niya ang pakay ko. Medyo naano lang ako dahil hindi manlang niya ako matamaan. Siguro ay dahil madilim sa lugar na iyon. Ganon din naman ako.
"Four victims to go." Sambit niya. Tiningnan ko siya habang nagmamaneho siya. Seryoso ang mukha niya. Huminga ako ng malalim. Ipinikit ko na ang mata ko ng makaramdam ako ng antok. Ito nanaman ang simula ng bawat gabi namin sa lansangan.
DUMAAN ANG MGA ARAW at halos patapos na kami sa aming trabaho. Wala namang gaanong nangyare. Parang normal na samin ang bawat gabi naming pagpunta sa kinaroroonan ng aming biktima at saka sila papatayin. Ngayon ay katatapos lang namin patayin ang huli naming biktima. Inantay pa namin ang mga pulis, iyon ay suggestion ko. Ewan ko ba, siguro ay nasanay na ako dati o kaya gusto ko lang makita si Lexin. At hindi nga ako nagkamali. Nanduon sya para mag-investigate.
Napag-isipan naming magtungo sa The Coetus ngunit tumanggi ako. Naalala ko nanaman si kuya. Baka makita ko nanaman siya duon. Ayokong mgkrus nanaman ang landas namin. Medyo nagi-guilty na ako sa mga kasinungalingan ko.
Pagkakarating sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto. Napagod ako sa gabi-gabi naming pagtatrabaho. Gusto ko munang magpahinga. Ngunit nagkamali ako. Kahit anong gawin ko hindi ako makatulog. Paikot-ikot na ako sa kama ngunit hindi ko alam kung paano matutulog. Pagod na ako ngunit sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, tanging mga mukha lang ng mga pinatay ko ang nakikita ko.
Minumulto na ba ako sa mga kasalanan ko?
Bumangon ako para uminom ng tubig. Baka sakaling mahimasmasan ako. Pagbaba ko, nakita kong may ilaw sa kusina. Naging mabagal ang bawat hakbang ko. Alam ko naman ng si Riabelle iyon. Pagsilip ko sa kusina, nakita kong may kausap siya sa cellphone niya. Hindi ko iyon gaanong marinig ngunit mukhang seryosong usapan iyon. Hindi ko rin makita sa mukha niya ang Riabelle na kanina lang ay kasama ko pa. Ibang-iba iyon sa ngayon because all I can see is her black aura.
"Titingnan ko." Sambit niya saka ibinaba ang cellphone. Muli siya humarap sa kanyang laptop at seryosong nagtype duon. Imbis na dumiretso ako para uminom, umurong iyon at bumalik na sa aking kwarto. Naguguluhan ako. Kinakabahan ako ngunit may parte sakin na iniiwasan iyon. I already trust her as my ally. Ayokong masira iyon kahit pa ang totoo ay nagtatrabaho siya para sa organization, para kay Clark.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at tumingala sa kisame. Alam ko naman na malapit na ako sa kalahati ng aking nalalaman. Malapit ko nang masagot ang ilan sa aking katanungan.
Hayss.
I tried to close my eyes. I want to sleep. Makalimutan ko manlang ang mga iniisip ko when I suddenly feel a soft and warm hand touching my cheeks. Napangiti ako dahil duon. Nakakamiss, ang sarap sa pakiramdam. Ilang taon ko ring gustong madama ulit ito.
"Wake up, Zerrie." hindi ko maintindihan kung bakit parang antok na antok ako ng imulat ko ang mata ko. Bumungad sakin si Mommy. She's smiling at me. Dahil duon ay napangiti ako. Tumingin ako sa likod niya. I see Daddy busy picking out things. Napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa niya. I look at mommy with confusion. What's going on?
"Don't worry. Pupunta tayo sa malayong lugar. Sa isang peaceful place." Malambing na wika niya. I want to reply but my voice didn't allow me to do it. Para bang na-pipe ako. The next thing I knew was we are in a car. Tahimik akong naka-upo while they are talking about something. I look around. Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon? Nasan si Riabelle? Why I'm with them? Anong nangyayare?
Maya-maya ay medyo bumilis ang takbo ng aming sasakyan. Para bang biglang na-blur ang paligid at tanging sigawan nilang dalawa ang naririnig ko. Gusto kong marinig ang iyak ko ngunit walang tunog ang lumalabas. Hindi ko man alam kung anong nangyayare, isa lang ang pumapasok sa utak ko, ayoko sa lugar na ito.
"SYNC!!!" napapikit ako sa liwanag na nagmumula sa kung saan. Ramdam ko rin ang masakit kong pisngi. Hinimas-himas ko ang aking pisngi dahil sa sobrang sakit. Nakita kong nakapamewang si Riabelle sa harap ko.
"I'm really sorry kung nasampal kita. Ayaw mo kaseng gumising." Sambit niya. Huminga ako ng malalim. Tinanguan ko siya saka ngumiti.
"By the way, are you okay? Kanina kase, sigaw ka ng sigaw about your Mommy." Sambit niya. Tiningnan ko nanaman siya. This is the second time I encounter this. Nung una ay nung nasa hotel kami. Hindi ko maintindihan. Para kaseng totoo. Parang totoo yung naramdaman ko. I know that they are here.
"I'm fine. What time is it?"
"5 in the morning." Tinanguan ko siya. Ngumiti siya sakin saka tumayo. Hindi ko na siya tiningnan ngunit bago siya lumabas sa aking kwarto, agad akong nagsalita.
"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko. Huminto siya ngunit hindi siya humarap sakin. Nanatili lang siya sa pwesto nya. Sa pagkakataong iyon, tumayo na ako. Hindi naman sa nagdududa ako. Iniiwasan ko iyon. She is my apprentice. I should trust her no mather what.
"N-Nothing. Narinig lang kita kaya ginising kita." Sabit niya. Tumango na siya saka lumabas. Walang emosyon ang mukha kong nakatingin sa kanya. Dahil sa sagot niya, para bang nabawasan ang nararamdaman ko. Paano niya maririnig? As I remember, soundproof to?