ALAS-DIYES na ng umaga ng makarating ako sa mansion nila Clark. Medyo marami ang sasakyan ngayon. Ano kayang meron? Ang sabi lang naman ni Riabelle ay may traitor. Bakit ganito kadami ang tao ngayon?
Naglakad na ako papasok. May pangilan-ngilang tumingin sakin na papasok din ng mansion. Huminto sila at binigyan ako ng daan. Napakunot ang noo ko. Kilala ko ang mga taong ito. They used to be my client before. What are they doing here? When I enter the hall, there are so many people in there. Some are politicians, celebrities, lawyers, and businessman. Iyon ang nagpadagdag ng maraming katanungan sakin. Anong meron?
Sa hindi kalayuan, natana ko sina Riabelle and Clark na nag-uusap sa taas. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Mabilis akong lumapit sa kanila upang itanong kung anong nangyayare. Nang makita ako si Riabelle at agad niyang pinutol ang pag-uusap nila ni Clark at tumingin sakin. Lumingon na rin si Clark sakin at ngumiti.
"Where have you been?" She asks.
"I'm visiting my fam..." ito lang ang tanging nasagot ko. Tumango siya sakin. Inilipat ko ang tingin ko kay Clark na masayang-masaya ngayon. Napakunot ang noo ko dahil duon. Bakit masaya sya? Akala ko ba nahuli na ang mga traitor?
"Hello Ms. Assasin." wika niya saka inabot ang aking kamay at hinalikan ito. Nagulat ako sa ginawa niya kaya tumingin ako kay Riabelle. Umiwas lang ito ng tingin. Alam kong may something silang dalawa kaya nakakailang sakin ito. Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya. Binigyan lang niya ako ng nakakalokong ngiti. What the heck!
"Anyways, mabuti at nandito kana..." wika niya ng makabawi siya. Duon lang tumingin samin si Riabelle.
"Tell her." Sambit ni Clark kay Riabelle. Nilipat ko ang tingin ko kay Riabelle. Maaliwalas na ang mukha nito at halatang masaya din.
"Today is the great day for The Coetus. After a decade, natapos na din ang proyektong matagal nang ginagawa ng organization..." wika niya. mas lalo akong naguluhan. That drugs, don't tell me it's already done?
"I thought you captured the traitors?" I ask. Tumango-tango siya saka sumilip sa baba kung saan matatanaw ang hall na punong-puno ng mga tao.
"Yes." sagot niya saka tumingin sakin. Hindi na ako nakapagsalita. Kinakabahan ako para sa mga susunod na mangyayare. Alam kong yung gamot ang tinutukoy nila. Paanong tapos na iyon? As I remember, nasa testing palang iyon. Tapos ngayon tapos na? How?
Gulong-gulo ang utak ko ngayon. Pinagmamasdan ko ang mga taong nasa baba. They all drinking expensive wines from different country. They are laughing as if nothing bad happen later. Sa kakamasid ko sa kanila. Napansin ko ang mga guards na nakatayo sa bawat sulok ng kwarto. Nakatayo lang sila duon at nagmamasid. Minsan ang iba ay parang may kinakausap mula sa earpiece na nakasuksok sa kanilang tenga. Pinagmasdan ko isa-isa ang mga guards na iyon. Muli kong naalala ang araw na nakaharap ko ang hindi kilalang tao na pumatay nuon kay Soriano. Isa sa kanila ang kasama non. Pero sa pagkakatanda ko, ang mga dating guards ay pinapatay na ni Clark. Ibig sabihin, bago na ang mga ito.
Katabi ko ngayon ang dalawa na sina Clark at Riabelle. Naglalandian sila sa tabi ko na akala mo walang nakakakita sa kanila. Napailing nalang ako at ibinalik ang tingin sa mga guards ng mapatigil ako sa isang pamilyar na tao. Kasama niya ang ilang guards at mataimtim ding nagmamasid sa mga taong nanduon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng makita ko si kuya Steve. Until now, hindi ko parin alam kung bakit siya nandito. Hindi ko ine-expect na nanito mismo siya. Kinakabahan ako para sa kanya. Mabilis akong tumalikod ng maramdaman kong titingin siya sa pwesto namin. Ayokong makita niya ako dito. Ayokong malaman niya na parte ako ng maduming organization na ito. At mas lalong ayokong makarating ito kay Lexin. I made so many lies from him. Ayoko nang madagdagan pa.
Maya-maya ay medyo dumilim na ang paligid. Napansin ko ding wala na sina Clark sa tabi ko. Ilang segundo, nagpalakpakan ang lahat ng itutok ang ilaw sa stage kung saan nanduon sina Clark. He's holding a wine with a big smile. He waves his hand to stop the noise created by the people below.
"Thank you! Gracias! sambit niya. Natahimik na ang lahat. Nanatili lang ako sa pusisyon ko habang pinagmamasdan ang mga mangyayare. Minsan ay sinusulyapan ko si kuya Steve.
"Today, we celebrate the success of our project. After a decade of searching, testing, and studying, we finally create a solution to our problems. But before I reveal to you the outcome of our project, let me introduce to you the final test subjects of the drug." tumango si Clark sa gilid niya. Kasabay nun ang pag-akyat ng ilang mga tauhan sa entablado. May takip ang kanilang mukha. Mga nakagapos din sila. Napatakip nalang ako sa aking bibig ng makita ang kanilang kalagayan. Hindi ko maiwasang maawa sa mga itsura nila ngayon.
"Please welcome, the traitors of this organization." Masayang wika ni Clark saka pumalakpak. May ibang masaya pa habang pumapalakpak. May iba naman nag nagdadalawang-isip pa. Nakita kong nagpupumiglas ang mga taong iyon sa stage. Rinig sa loob ang sigawan nila habang ang iba ay binabato sila ng kung anu-ano. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Hindi naman ako ganito. Mas malala pa nga ang kasalanan ng isang murderer kesa sa isang traydor. I used to kill hundred of people every night. At sa lahat ng gabing iyon, I didn't feel sorry for them. That is why I hate myself right now. Naawa ako sa mga taong ito. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Am I starting to be a human now?
"At gaya nga ng sabi ko, they will be the final test subject for the drugs." Muling tumango si Clark sa gilid niya. Umakyat sa stage si Riabelle dala ang isang rectangle na stainless kung saan nakalagay duon ang mga syringes na sa tingin ko ay mga mga lamang na gamot. Lumapit ito sa limang taong pinaghihinalaang traydor. Pinagmasdan ko ang mga tao sa baba. Tutok na tutok sila sa mangyayare. At the first place naman, matagal na nilang inaantay ang resulta ng drugs.
"Please everyone, the most awaited moment after a decade." Sambit ni Clark. Lahat na ng atensyon ay nasa kay Riabelle. Inayos niya ang mga syringes. Pinitik-pitik pa niya ito bago itusok sa isa sa kanila. May apat na tumulong kay Riabelle. Pagkatapos nun ay bumaba na silang lahat at ang tanging natira ay ang limang experimento. Nakatitig lang kaming lahat sa mga susunod na mangyayare. Pagkatapos ng isang minuto, unti-unting nangingisay ang kanilang mga katawan. Napa-atras pa sila dahil sa bigla. Nagsisisigaw ang limang tao sa stage habang pilit nilalabanan ang gamot. Kasabay non ang unti-unti nilang pagbagsak.
Napatakip nalang ako sa aking bibig. Ang gamot na iyon, ganun din ang epekto nun kina Maricar dati. Ngunit ang kaibahan lang ay mga tableta iyon. Hindi ko maintindihan. Ano ang mga gamot na nakikita kong hawak ni Riabelle? Hindi kaya mag-kaiba iyon? Naguguluhan na ako.
Napatingin ako sa gawi ni kuya Steve upang tingnan ang reaksyon niya ngunit wala na siya duon sa pwesto niya. Ginapangan ako ng kaba. Nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar upang hanapin siya ngunit wala. Hindi ko siya makita.
Mabilis akong umalis sa pwesto ko at bumaba upang hanapin siya. Hindi ko dapat ito ginagawa. Alam kong mapapahamak ako ngunit kinakabahan ako para kay kuya. Isa pa, hindi ko alam ang rason bakit siya nandito. Agad akong naglakad palibot sa mga taong nandito ngayon. Sobrang ingay na ng loob at wala na akong ideya kung ano nang nangyayare sa limang taong iyon. I just need to find kuya Steve.
Nang maikot ko na ang buong hall, naisipan kong magpunta sa kitchen, dining hall at sa iba pang places dito sa mansion. Ngunit wala, hindi ko siya mahanap. Kinabahan ako bigla. Hindi ko na rin makita sina Clark at Riabelle. s**t!
Naglakad ako palabas ng mansion. May pangilan-ngilang tao duon na may kausap sa telepono. Nang makita nila ako ay mabilis din silang umiwas at pumasok sa loob. Hindi ko na iyon pinansin. The way they treated me, it feels like I am a superior.
Maya-maya, nang makalayo ako sa entrance ay nakaramdam ako ng kamay na humawak sa aking braso. Mabilis ako nitong hinatak sa kakahuyan. Tanghaling tapat na kaya medyo mainit ngayon dito. Mabuti nalang at medyo hindi kami direkta sa araw dahil sa mga punong nagsisilbi naming payong.
"Zerrie?" Sambit ng lalaki. Paglingon ko sa kanya, si kuya Steve. Gulat na gulat itong nakatingin sakin at inoobserba kung ako nga iyon. Napalunok ako sa kaba. Ito na nga ba ang inaalala ko.
"K-Kuya Steve?" Wika ko. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit ka nandito? Delikado sa lugar na ito. Hindi ka dapat nandito." Sambit niya. Tiningnan ko siya habang nagsasalita. Si Kuya Steve nga siya. Saglit lang kaming nagkasama. Pagkadating niya dito sa Pilipinas, saglit lang kaming nagkasama. Lumipat din siya kay Lexin without any reason. Ngayon lang ulit kami nagkasama, nagkita.
"I'm fine kuya. Ikaw? Why are you here?" Natigilan si kuya Steve saka tumingin sakin. Para bang may sinasabi siya ngunit hindi niya masabi. Nakipagtitigan lang din ako sa kanya. Mabuti nalang at walang gaanong tao sa pwesto namin ngayon.
"Hindi na importante kung bakit ako nandito. Ikaw ang inaalala ko. Tama nga ako, nung nakita kita kanina sa taas, akala ko ibang tao. Ikaw nga talaga." Sambit ni kuya saka umiling-iling. Napayuko ako. So nakita na niya ako kanina. Muli kong ibinalik kay kuya ang tingin. Huminga siya ng malalim saka hinawakan ako sa kamay.
"Let's go. You have to go before someone notices you." wika niya saka ako hinatak. Mabilis akong nagpumiglas at sa isang hila lang, nabawi ko agad ang kamay ko. Kumunot ang noo niya sabay tingin sakin.
"Kuya, don't worry about me. I am totally fine. Excuse me." Sambit ko. ilagpasan ko siya at naglakad na. Sa ngayon, kampante na ako dahil ayos si kuya. Hindi ko man alam ang rason kung bakit siya nandito, isa lang ang kutob ko, hindi ito maganda. Bago ako pumasok sa loob ng mansion, lumingon muna ako sa pinanggalingan ko. Kuya, alam mo naman sigurong magaling ako makiramdam kung may pulis sa paligid.
TAHIMIK lang ako habang naka-upo sa loob ng malaking dinning room dito sa mansion. Kasama namin ang ilan sa mga kilalang opisyal. Lalo na ang isang partido na nanalo sa nakaraang leksyon. Masaya at nagtatawanan ang mga ito habang pinag-uusapan ang mangyayare sa kanila sa hinaharap. Masaya ang lahat dahil sa wakas, tapos na nila ang gamot. Hindi ko lang alam kung para saan ba ang gamot. Ano ba iyon?
"Hey Sync, bakit ang tahimik mo? Oh right! Hindi ka nga pala nakikihalubilo." Sambit ni Riabelle habang iniinom ang alak. Pinagmasdan ko siya habang nilalagok iyon. Ibang-iba siya ngayon. Siguro ay dahil kasama namin sina Clark. Nilingon ko naman si Clark. Nakangiti siya na para bang na-achieve na niya ang greatest dream niya. Napailing ako. Hindi naman siguro ako ganito kung hindi ko pina-iral ang curiosity ko upang hanapin si kuya. Ngayon ay iniisip ko na siya. Paano na ako kikilos? Ang tanga mo talaga Zerrie.
Hindi ko na pinansin si Riabelle. Para na siyang lasing dahil sa pinag-gagawa niya. Nakatuon lang ang atensyon ko ngayon sa mga kumpol ng sikat na tao na nag-uusap tungkol sa drugs. Dahil duon, iniwan ko si Riabelle na ngayon ay nakikipag-usap na sa isang amerikano. Lumapit ako sa kanila upang marinig ang pinag-uusapan.
"Magiging malaki ang ambag sa ekonomiya ang drugs na ito. Once na na-export na ito sa ibang bansa, magiging maganda ang kalalabasan ng lahat. Matutuwa lalo ang dekadang pagtatrabaho ng mga doktor para dito."
"Tama ka dyan Mr. Ang, alay natin sa mga namatay na doktor ang tagumpay na ito. Hindi ba Clark?" Napatingin kaming lahat kay Clark. Walang reaksyon ang mukha niya. Nang makitang nakatingin sa kanya ang lahat, binigyan nya lang kami ng pekeng ngiti. Nagtinginan pa ang mga businessman dahil alam nilang hindi totoo ang ngiting iyon. Ngunit dahil sa takot kay Clark, ngumiti nalang din sila at pilit na tumatawa.
Para sa mga namatay na doktor?
Muli kong ina-lala ang larawang kinunan ko sa kwarto ni Riabelle noon. Grupo iyon ng doktor. Ang larawan kung saan ko nakita si Daddy. Napayuko ako. Anong ibig sabihin nito?
Naglakad ako palayo sa kanila. Lumabas ako ng dining room. Naguguluhan ako. I have to leave. Lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa mga naririnig ko. Ayokong isipin na posibleng ang tinutukoy nilang mga namatay na doktor ay ang mga doktor na nasa larawang iyon kung saan kabilang si Daddy. Ayokong isipin na isa si Daddy sa may gawa ng drugs na iyon. Ayokong isipin na may kinalaman siya sa paggawa non gayon hindi maganda ang epekto nun sa tao. Wala akong balita kung anong nangyare sa limang taong iyon kanina, kung anong epekto, pero malakas kutob ko na patay na sila ngayon gaya ng nangyare kina Maricar.
Paglabas ko, agad hinanap ng mata ko ang kotse ko. Ngunit nakalimutan kong wala nga pala. Pinakuha iyon ni Lexin kay kuya Steve. Napakagat ako ng labi ng maalala si Lexin. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bag. I text him na nakauwi na ako at safe. Pagkatapos ay ibinalik ko din agad sa bag ang phone. Kailangan ko ulit hanapin si kuya. Nakakainis. Bakit kase hindi ko natanong sa kanya yung kotse ko?
"Aalis kana?" Nanlaki ang mata ko sa gulat ng marinig si Clark sa likod ko. He was holding a two glass of wine. Nagkatinginan pa kami bago ako tumango sa kanya. He sigh.
"Here." wika niya saka inabot sakin ang isang baso ng wine. Tinanggap ko iyon kahit nag-aalangan ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Pagkainom ko ng glass of wine ay ibinalik ko rin iyon sa kanya. tingnan ko pa siya. Ngumiti siya sakin na parang ewan.
"Hanga na talaga ako sayo. I thought na mag-aalangan kang inumin ito dahil posibleng lagyan ko ito ng drug.." sambit niya. Duon lang ako natigilan. Kaya pala parang nag-aalangan ako. Pumikit ako ng mariin dahilan para marinig ko ang tawa niya.
"Don't worry. Walang drug yan. I'm just testing your trust in me." Muli akong tumingin sa kanya. Seryoso na ang mukha niya ngayon. Maya-maya ay may inaot siya saking papel. Nakatupi iyon ngunit alam ko na kung ano iyon. Pag-abot ko sa papel ay tumalikod na ako. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ulit siya.
"Ipapahatid na kita sa driver ko." Sambit niya. Muli ko siyang tiningnan. Walang bahid ng anong emosyon iyon. Saglit siyang tumitig at tumalikod na rin. Teka! Paano nya nalaman na wala akong dalang sasakyan?
MAG-ISA akong kumakain sa kitchen ng in-order kong pizza. For sure ay hindi uuwi si Riabelle. Nakatungo ako habang nginunguyan ang pizza. This will be my inner for tonight. Wala na rin akong ganang magluto para sa sarili ko. Nasa tabi ko ang syringe na may lamang gamot na nakuha ko sa organization ng utusan ako nuon. Hindi ko pa napag-aaralan iyon. Pero at least, meron na akong kopya ng gamot na sinasabing big project ng organization. Tinitigan ko iyon. Nakapatong ang syringe sa papel na binigay ni Clark. May limang taong nakalista duon gayun din ang background information nila. They must a traitor too.
Huminga ako ng malalim. Sa ngayon, wala akong ibang magagawa kung hindi ang gawin ang trabaho ko at the same time, alamin din ang sagot sa mga tanong ko. Alam kong malapit na. Malapit na ako sa kalagitnaan. Malapit ko nang makuha ang mga sagot na kailangan ko. Pagkatapos nun, saka ko haharapin ang parusa ko.