CHAPTER FIFTY-TWO

2041 Words

Tahimik na nakaupo sa waiting area sina Syncro. Walang nagbalak ni-isa sa kanila ang magsalita. Pareho silang walang masabi sa nangyayare. Maya-maya ay lumapit na sa kanina ang isang nurse. Alam na ni Syncro ang gagawin. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo. Napalingon sa kanya ang tatlo at sinundan lang siya ng tingin. Walang imik si Syncro na sumunod sa nurse hanggang sa maglaho na siya sa paningin nila Steve. "Bibili lang ako." Wika ni Fernando. Pag-alis nito ay napalingon si Lexin kay Steve. "Anong nangyayare? Paanong nabuhay si Tito Leondres?" Sunod-sunod na tanong ni Lexin. Inaasahan na ni Steve na magtatanong magtatanong ang kaibigan. Nuong una ay ganon din ang naramdaman niya. "Mahabang kwento e. Basta nakaligtas siya sa aksidenteng iyon." Napakamot si Steve sa sagot niya kay Lexin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD