Ilang saglit ay natigil ang kakasalita nito. Natigilan din ako sa biglaang katahimikan na namayani sa pagitan namin. Inabangan ko ang susunod nitong gagawin. Ngunit nanatili lang siyang nakatayo habang nakatingin sa akin. Napakunot ako ng noo. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang isang ito. Maya-maya ay nagulat ako ng bigla siyang sumugod. Mabilis akong nakaiwas duon. Tumama ang pag-atake niya sa lababo kung saan nakalagay ang iba pang kasangkapan. Isang nakabibinging ingay ang nilikha ng mga kasangkapan na nahulog sa sahig. Muli nanamang sumugod ang taong iyon. Sa pagkakataong ito ay hinawakan ko ang kamay niya na may hawak na matalim na bagay. Pilit niyang isinasaksak sa akin iyon. Sobrang lakas niya. Hindi kapani-paniwala sa isang ordinaryong tao na kagaya niya. Wala na akon

