“Teka, anong ginagawa mo dito? Paanong---“Hindi na naituloy ni Jasmin ang sasabihin dahil sa matinding pagkabigla. Para bang naubusan na siya ng salita. Hindi niya alam kung anong susunod na salita ang babanggitin. Sa isip-isip ni Jasmin, madali lang sa organisasyong ito ang kunin pabalik sa kanila si Lexin. Paniguradong sa mga oras na ito, patay na ang mga pangkat na naatasan kay Lexin. “Surprise?” natatawang tanong ni Clark. Hindi na nakasagot sa kanya si Jasmin. Natahimik nalang si Jasmin. Hindi niya alam kung anong sasabihin dito. May mga sumunod kay Clark na grupong sundalo. Sinenyasan ni Clark ang mga ito na kunin si Riabelle. Mabilis na kumilos si Jasmin at lumayo sa kanila. Wala siyang ginawa kung hindi pagmasdan lamang ang mga nangyayare. Pagkatapos kunin ng mga sundal

