“Ngayon mo ako angasan.” Wika ni Zerrie. Napatulala si Clark ng makita si Zerrie. Hindi niya maipaliwanag ang aura ng dalag na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. Para bang kaharap niya ngayon ang literal na murderer. “Zerrie…” Bulalas ni Clark. Nang marinig ng dalaga ang pangalan niya ay mas lalo niyang tinitigan ng masama si Clark. Ultimo tinatagilid-tagilid nya pa ang ulo niya na parang sinasapian. Unti-unti namang iminulat ni Riabelle ang kanyang mata. Una niyang nakita ang sahig. Saglit na dinamdam niya ito. Sumunod niyang iginalaw ang kanyang mga kamay. Napansin niyang nakatali ang mga ito sa kanyang likuran pati ang kanyang mga paa. Duon niya napagtanto kung ano ang nangyare. Babangon na sana siya ng mapahinto dahil sa matinding kirot na nararamdaman. Duon niya naala

