Gemini’s POV
Pagkapasok namin sa penthouse, agad kong napansin si Maxwell na nakaupo sa sofa, tahimik lang na naghihintay sa akin. Binati ko siya agad, sabay nilibot ng aking paningin ang paligid. Ito ang unang pagkakataon na makita ko ang kabuuan ng interior design ng aking penthouse—mula sa eleganteng muwebles hanggang sa malalawak na bintanang tanaw ang skyline ng lungsod. Kahit si
Cassian, na sanay sa mga marangyang tanawin, ay hindi maitago ang paghanga sa kanyang mukha.
"Maxwell," tawag ko habang papalapit sa kanya. "Can you show me around the penthouse? Is everything here set?" tanong ko, may halong excitement sa boses.
"Yes, Miss Gem. Everything here is fully functional, and all the maintenance has been thoroughly checked. The Zodiac is ready to be occupied, and the offices downstairs are ready to operate. Your father already planned this before you decided to come next month," sagot ni Maxwell.
Actually, lahat ng ito ay naayos na bago pa man nangyari ang insidente kay Daddy. I was originally set to return home next month to begin setting up my headquarters here in the Philippines. I planned to stay for a while after launching our new cyber car model, which my company, TESRA, is releasing this month. But the situation changed, and I arrived earlier than expected.
Pagkatapos naming malibot ang buong penthouse, nagpaalam si Cassian na papasok muna sa kanyang silid upang maligo. Ako naman ay bumaba para ipagpatuloy ang meeting namin ni Maxwell tungkol sa mga plano habang narito ako sa bansa.
“Kailangan nating pag-usapan lahat ng plano, pati ang coordination kay Finlo at Nola,” sabi ko. Tumango siya at agad kaming pumasok sa office.
Makalipas ang ilang minuto, dumating sina Finlo at Nola. Pumasok sila agad sa office, at nakilala na rin nila si Maxwell. Ilang beses na rin kasi itong nakasama ni Daddy tuwing bumibisita sila ni Mommy sa akin noon.
Sinimulan namin ang meeting—seryoso at detalyado—tungkol sa pananatili ko sa Pilipinas, seguridad ng Zodiac Tower, at ang matagal ko nang planong itayong Cyber Security System. Bawat hakbang, desisyon, at plano ay pinag-isipang mabuti. Maingat ang lahat—isang masusing paghahanda upang masigurong maayos ang daloy ng operasyon at seguridad sa Tower.
Habang nagpapatuloy ang meeting, biglang may kumatok sa pinto. Si Maxwell ang nagbukas, at pumasok si Cassian.
"It's already 11:00 PM and you guys haven’t eaten yet," sabi niya, may bahagyang inis sa mukha na hindi niya maitago.
"I already prepared a late dinner. Come out and eat first—especially you, Gemini. You haven’t even rested," dagdag niya habang tumitig sa akin, puno ng pag-aalala.
"Oh, it’s 11:00 PM already? My God, no wonder I’m starving," sagot ko, bahagyang natawa habang naramdaman ko na rin ang pangangalay at lagkit ng katawan ko.
Napansin kong nagkibit-balikat lang si Cassian. Tumayo na ako at niyaya ang tatlo.
"We’ll continue our discussion tomorrow," sabi ko. Ramdam ko na rin ang bigat ng katawan at gusto ko na ring maligo at makapagpahinga.
Habang naglalakad kami papunta sa dining area, ramdam ko ang mahinang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Cassian.
Pagdating namin, nakita kong maayos na nakahain ang hapunan. Naamoy ko agad ang bagong lutong pagkain, at lalo akong nagutom dahil sa aroma.
Naupo narin si Maxwell sa tapat ko, habang si Cassian ay umupo sa tabi ko. Habang nag-aayos sina Finlo at Nola, napansin kong panay ang sulyap nila sa amin ni Cassian, halatang curious—dahil ito ang unang beses na nakita nila siya simula nang dumating kami. Kaya di na ako nag atubili pinakilala ko sa kanila si Cassian.
“Finlo, Nola—this is Cassian, the eldest son of my Ninong Gino,” pakilala ko sa kanila. Hindi ko kasi siya naipakilala sa airport nung isang gabi dahil nagmamadali kami, at sila Nola at Finlo naman ay hindi na dumiretso sa mansion namin.
“Nice to meet you, Cassian,” sabay nilang bati, sabay na rin silang nakipagkamay bago naupo.
Nang nasa habag na kami, binulongan ako ni Cassian,
“You really don’t let yourself rest, do you?” bulong ni Cassian habang bahagyang yumuko palapit sa akin.
“I didn’t even realize how late it was,” sagot ko habang umaabot ng tinapay. “There were just so many plans and things to check... time passed without me noticing.”
Habang kumakain kami, naramdaman ko ang kakaibang presensya ni Cassian. Paminsan-minsan, tinitigan niya ako nang matagal. Sa bawat sulyap niya, para bang may apoy na dumadaloy sa katawan ko—isang sensasyong ngayon ko lang naramdaman.
Lumaki man ako sa US, ni minsan, wala pang lalaking nagparamdam sa akin ng ganito.
Kahit madalas akong lumabas kasama sina Finlo at Nola sa bar, at maraming lalaki ang lumalapit sa akin para makipag-flirt, hindi ko sila pinapansin. Kasi ang gusto ko lang minsan ay maka pag relax at mag enjoy.
Pero kay Cassian, iba. Sa bawat simpleng galaw niya—ang pag-abot ng pagkain, ang banayad na pagdampi ng kanyang kamay sa balat ko—lahat 'yon ay tila nagsisindi ng kakaibang kiliti sa dibdib ko. Isang init na hindi ko matukoy kung ano.
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na sina Finlo, Nola, at Maxwell. Kaya hinatid ko sila sa pintoan.
Habang paakyat ako sa kwarto ko, sakto na nasa harap na ako ng pintuan, tinawag ako ni Cassian.
“Gem, are you going to sleep?” tanong niya.
“No, not yet. I’ll take a shower, then maybe check my email before going to bed,” sagot ko.
“Okay. By the way, tomorrow morning, are you going back to the hospital?” tanong niya muli.
“No. Mommy called while we were in the meeting. Sabi niya, magpahinga muna raw ako. She’s will be coming here tomorrow. May pag-uusapan daw kami... kasama ang Daddy mo,” sagot ko habang nakatayo sa tapat ng pinto ng silid ko.
“Okay. Then let’s talk tomorrow. Get some rest, goodnight, sweetpie.” banayad niyang tugon.
Pagkatapos bigla siyang lumapit at marahang hinalikan ang aking mga labi. Hindi ako nakagalaw. Hindi ko agad naisip na tumutol—sobrang bilis ng mga pangyayari. Ilang saglit pa, iniwan niya ako at mabilis na pumasok sa kanyang silid na katapat lang ng sa akin.
Sasagutin ko pa sana siya ng, “Goodnight too, Cassian,” pero nawala na siya sa aking paningin.
Parang wala ako sa sarili nang pumasok ako sa kwarto ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya.
"Parang namimihasa na siya ah," bulong ko sa sarili ko, habang hawak pa rin ang labi kong hinalikan niya.