Chapter-6

1157 Words
Cassian's POV Nang makalabas kami ng ospital at pauwi na sa penthouse niya, habang naglalakad kami papunta sa kotse ay bigla siyang nagsalita nang malumanay. “Are you driving, or do we have a driver?” tanong niya, may halong kuryosidad at bahagyang pag-aalinlangan sa tinig. "I will drive," sagot ko, may ngiti sa labi. Sandali siyang nag-atubili. Tumingin siya sa makintab na kotse sa harapan namin, saka muling ibinalik ang tingin sa akin. “Sigurado ka ba?” mahina niyang tanong, halos pabulong. Para bang hindi siya makapaniwalang ako ang magmamaneho para sa kanya. “Sigurado,” sagot ko, sabay lapit para buksan ang pinto para sa kanya. Katahimikan lang ang bumalot sa amin habang binabagtas namin ang daan patungong Zodiac Tower. Maya-maya, lumingon ako sa kanya. “Malapit na tayo,” sabi ko. Tumango siya, may banayad na ngiti sa labi. Ang mga ilaw ng lungsod ay dahan-dahang sumasalamin sa kanyang mukha habang papalapit kami sa tower. Sa likod ng katahimikan at banayad na ugong ng sasakyan, narating namin ang Zodiac Tower—ang marangyang gusaling pag-aari ni Gemini. Bagamat mayaman na rin ang pamilya namin, hindi ko maikakailang ibang antas ang naabot ni Gemini sa murang edad. Pagpasok namin sa parking lot, napahinto ako. Sa harap namin ay nakaparada ang iba’t ibang klase ng mga mamahaling sasakyan—parang koleksyon. Napatingin ako kay Gemini, halatang nagtatanong ang aking mga mata. “Oh, that?” sabi niya, sabay turo sa isa sa mga kotse. Tumango lang ako. “That one came straight from the US. It was delivered about a month ago,” paliwanag niya. “I brought them all here because I was planning to come back home next month para sana maitayo na ang cyber headquarters ko dito sa Pilipinas. Pero… inunahan ako ng nangyari kay Daddy,” dagdag niya, sabay yuko habang dumaloy ang luha sa kanyang mata. Hinawakan ko ang kanyang pisngi upang pahirin ang luhang dumaloy doon. "Everything will be okay soon. Let’s keep praying that Tito wakes up soon." “Thank you, Cassian,” malumanay niyang tugon. Gemini's POV Pagkalabas namin ni Cassian mula sa garahe ng penthouse, dumiretso kami papunta sa Zodiac Lobby. Malalaki ang hakbang niya pero halatang abala ang mga mata niya, tila sinusuyod ang bawat sulok ng lugar. Kita sa mukha niya ang pagkamangha—mula sa makintab na marmol na sahig hanggang sa mga kristal na chandelier na nakasabit sa kisame. Para siyang batang unang beses lang makakita ng ganitong klase ng paligid. Alam kong marami siyang gustong itanong, kaya inunahan ko na siya. "You can ask me anything. May gusto ka bang itanong?" sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. Napatawa siya, parang nahulaan ko ang iniisip niya. "Yeah, actually marami," sagot niya, bahagyang umiling, parang hindi alam kung saan magsisimula. "Go on," tugon ko. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik. "First of all, how many years did it take to build this Zodiac Tower?" tanong niya, habang palinga-linga sa paligid, tila gustong alamin ang bawat detalye. "Five years, including the interiors," sagot ko. Pero hindi ako tumigil doon. Gusto kong ipaliwanag ang pinagmulan nito. "I started planning this tower when I was 18. Back then, pangarap ko lang talaga na magkaroon ng sarili kong building dito sa Pilipinas. Pagkatapos kong makapagtapos bilang Cyber Engineer, pinursige ko si Dad na payagan akong magpatayo ng headquarters dito. Doon nagsimula ang lahat." Bigla kong naalala ang panahong nagtapos ako bilang Aerospace at Automotive Engineer. I was only sixteen when Elon Murk approached me to work at Space R—a surreal moment that felt like a dream too big for someone my age. Pagdating ko ng 18, naglakas-loob akong hingin ang trust fund ko kay Dad para makapag-invest sa Space R. That decision changed everything—nag-umpisa doon ang pagiging business partner ko ni Elon Murk. He mentored me, guided me, and opened doors I never thought I'd reach. Unti-unti, I became a recognized billionaire. Simpleng pangarap ko lang noon ang magkaroon ng sarili kong gusali. Kaya isang araw, tinanong ko si Dad kung puwede akong magpatayo ng sarili kong tower. Without hesitation, pumayag siya. At doon ko naramdaman na unti-unti, natutupad na ang mga pangarap ko. This tower was designed by one of my friends from the US, kaya napakataas ng level ng teknolohiya na ginamit dito. This building cost around 1 billion dollars—making it the most expensive tower in the Philippines. I personally asked my friend Zenith to design it, and just as I expected, it was fully completed three months ago. Tinapik ako ni Cassian. Hindi ko namalayan, huminto na pala kami sa paglalakad. "Earth to you, Gemini," sabi niya. Napapikit ako saglit at napangiti. "Ahh, sorry," tugon ko. Hinawakan niya ang kamay ko papuntang elevator. "Tara na, sa elevator." Ramdam ko ang init ng kanyang palad. Habang magkahawak pa rin ang kamay namin, papasok sa elevator, hindi ko mapigilang sulyapan siya. Gusto kong bawiin ang kamay ko, pero hinigpitan ni Cassian ang pagkahawak—parang sinasabi niyang, “Hindi kita bibitawan.” Pumasok kami sa elevator, magkahawak pa rin ang mga kamay. Ramdam ko ang init mula sa kanya na unti-unting kumakalat sa katawan ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko kay Cassian. May kaibigan naman akong lalaki, si Finlo—kapag hinahawakan niya ang kamay ko, wala akong nararamdaman. Kahit yakapin pa niya ako, walang kilig, walang kaba. Pero kay Cassian, iba. Kapag tinitingnan niya ako, para bang may mga paru-parong lumilipad sa tiyan ko. Ang presensya niya, ay may nadalang kakaibang aura sa aking kaibuturan. Pagdating sa palapag ng aking penthouse, marahan kong binawi ang aking kamay. Hindi dahil sa ayaw kundi dahil andoon ang mga bodyguard ko. Ayokong magkaroon sila ng ibang idea about Cassian, gusto ko kung makilala nila si Cassian as family friend walang halong malesya. Pagbukas ng elevator, sinalubong kami ni Talon, ang head ng aking security team. "Hi, Miss Gemini. It's nice to see you here," bati niya. "Hi, Talon. How was everything here? Did you guys transfer to a unit here in the tower?" tanong ko. "Yes, Miss. Some of us are staying near your penthouse, and the rest are stationed at the security headquarters of the tower," sagot niya. "Good, by the way, this is Cassian—a family friend," pakilala ko sa kanya, habang nakaunat ang kamay ko sa direksyon ni Cassian. "Nice to meet you, Cassian," sabi ni Talon habang inilahad ang kanyang kamay, at nakita kong kinamayan siya ni Cassian. Tapos tiningnan ko si Talon. "Some of our team will be arriving tomorrow. Let Finlo arrange their unit as well." Ipinaliwanag ko sa kanya ang mga detalye para maiparating niya ang utos kay Finlo. Sa totoo lang, marami pa akong kailangang ayusin. Gusto ko na sanang magpahinga, pero alam kong naghihintay na si Maxwell sa loob. Kaya pumasok na kami ni Cassian—oras na para simulan ang usapan… at para makapagpahinga na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD