11

385 Words
Breydon Kapag nga naman nasimulan ka ng malas, nagtutuloy-tuloy na.  Una, pinauna ako ni Blessie at may biglang pinatatapos sa kaniyang report sa opisina. Mauna na raw ako sa pag-uwi sa probinsiya nila na pumayag naman ako kesa maghintay mag-isa sa bahay. Sunod, pagkatapos kong makausap si Blessie at hinihintay ang susundo sa akin, naisipan kong pumasok muna sa malapit na convenience store. Sinundan ko sa pagpasok sa loob ng tindahan ang mag-ina. Nilalaro ng batang pasan ng kaniyang ina iyong hawak nitong drinks at nang pisilin ng bata, lumabas sa straw ang laman at sumirit sa suot kong sky blue na polo shirt. Wala tuloy akong nagawa kundi ang bumalik ng kotse at maghubad ng tshirt. Pumasok ako ulit ng convenience store ng naka-puting sando na lang. Bumili ako ng softdrinks saka muling lumabas nang mangyari ang pangatlong malas. Binangga ako ng isang lalaking teenager na hindi ko namalayang parating at kapwa kami nabuhusan ng drinks na hawak ko. Paapat na malas, hinahabol pala ang teenager ng limang kasing-edad niya at tuluyang naabutan dahil sa banggaan namin. Sa mismong harapan ko sinimulang pagtulungan gulpihin ng lima. Palima, hindi ko kayaning manood na lang kaya tinulungan ko ang teenager at napatumba namin ang mga kalaban niya pero may parating pa palang mas madami kaya kahit may hinihintay akong susundo sa akin para mag-guide papunta sa bahay nina Blessie, napilitan akong isama ang teenager palayo ng terminal at nadamay na rin ako sa gulong nasangkutan niya. Pang-anim. Iba ang dating sa akin ng teenager na napag-alaman kong eighteen pa lang samantalang thirty years old na ako. Iba in a way na, hindi ko magawang baklasin ang mga mata ko sa kaniya. Sa tuwing titingnan ko siya, nabubuhay ang isang kakatwang pakiramdam sa loob ko. Pakiramdam na sa huling pagkakatanda ko, minsan ko lang naramdaman at noong high school days ko pa iyon. Doon sa lalaking teenager din na gold medalist na panlaban ng Taekwondo Team namin. Malakas na attraksiyon na nagpapatigas ng kalamnan sa tuwing titingnan ko siya lalo na sa loob ng locker room sa tuwing magbibihis pagkatapos ng taekwondo sessions namin. Pakiramdam na ipinagpalagay kong paghanga lang ng mga panahong iyon at mabilis ko ring nadedma dahil lumipat ng ibang school ang lalaking iyon at hindi ko na ulit naramdaman ng matagal na panahon. Kaya nakakatakot na maramdaman ko ulit ang ganoon ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD