“Sino ang mga ‘yon at bakit gusto ka nilang bugbugin?”
Napatingin ako sa mga mata niyang kulay grey sa ilalim ng medyo makapal na kilay. Mukhang may lahing foreigner ang lalaking ito unless nakasuot siya ng contact lens kaya light grey ang kulay ng mata at darker shade ang pinakagitna. “Mga kalabang grupo.”
Tumango siya at tumingin sa manibela. Nagkaroon tuloy ako ng tsansang tingnan ang matangos niyang ilong at ang mga labing manipis ang taas na bahagi at makapal ang ilalim. Parang ang sarap halikan at kagat-kagatin.
Kung kamukha lang sana ng lalaking ito si Kuya Jose, hindi ako magdadalawang isip na pagbigyan siya sa request na halikan ako sa labi.
Biglang tumingin sa akin ang lalaki. Kita ko ang paglunok niya ng laway sa paggalaw ng kaniyang adams apple. “Ilang taon ka na?”
Nag-init ang mga pisngi ko sa tanong niya. Ganoon ang expresyon ng mukha ni Kuya Jose nang unang balik ko sa convenience store at ang tanong niya sa akin bago ako iginiya papasok ng stock room. Iyong tipong gusto akong sunggaban pero hindi magawa dahil sa naglalaban ang init ng katawan at tamang katinuan.
“Eight-eighteen.”
“Gangster ka na kaagad sa edad mong iyan?” hindi makapaniwalang tanong niya. Napatingin siya sa tshirt kong nabuhusan ng softdrinks na may ilang patak din ng dugo sa may bandang balikat na mula sa labi kong pumutok sa may kanang sulok.
Ewan ko. Gangster na ba ang tatlong miyembro lang? Sina Von, Alex at ako. Iyong magkaka-tropa pwede pang tawaging gang at ngayon ko lang din nalamang marami na pala silang na-recruit na kasamahan.
Hindi na ako nakasagot nang maalala kong muli ang utos ni Lola. Mamumuti na talaga ang mata noong susunduin ko sa kakahintay kung hindi pa ako babalik sa terminal ngayon. Nakakahiya namang makiusap sa lalaki na i-drive ako pabalik. Isa pa, ayokong madamay siya sa labanan ng mga grupo namin ng tuluyan.
Binuksan ko ang pinto ng kotse. “Salamat ulit sa tulong mo.”
“Wait. Saan ka pupunta?” Napahawak siya sa kaliwang kamay ko.
Parang mapapaso ang balat ko sa init ng palad niya. Kahit simpleng hawak lang, ramdam ko ang lakas ng mga daliri niya. Binitiwan niya ako nang tingnan ko ang kamay niya.
“Babalik na ako sa bus station.”
“Hindi ‘yan magandang ideya.” Napatingin ang lalaki sa daan. Malayong-malayo pa sa hinintuan ng kotse ang susunod na U-turn slot. “Sigurado akong naroon pa ang mga gang members na kalaban mo. Baka ma-ispotan ka. Malay mo, naghihintay lang silang bumalik ka.”
Natuwa ako sa pag-aalala niya sa akin kahit sa tingin ko, iyon ang nararapat lang niyang sabihin pagkatapos ng nangyari. Sa kabila noon, pinigilan ko pa ring kiligin pero nakatakas pa rin ang bahagyang ngiting nanulay sa aking mga labi.
Madali ng magtago kung ako lang mag-isa. “Okay lang, Kuya. Kailangan ko na talagang bumalik ng terminal at may kailangan pa akong gawin. Importante lang talaga.” Lumabas na ako ng kotse saka lumakad ng matulin pabalik nang hindi nalingon sa likod.
“Ano nga palang pangalan mo?” narinig kong pahabol niyang sigaw.
Hindi ko nga rin pala naitanong ang pangalan niya pero okay na rin ang ganoon. Iba ang dating niya sa akin. Iba ang epekto ng presensiya niya.
Iba pa si Kuya Jose na ako ang nagdidikta kung kelan ko siya pupuntahan o pagbibigyan ang gusto niya. Pero sa lalaking iyon, mukhang kabaligtaran ang mangyayari, assuming na kagaya rin siya ni Kuya Jose at hindi ako nagkamali ng assumption sa reaksiyon ng mukha niya kaninang itanong ang edad ko.
Nang marinig kong umandar ang sasakyan at binagtas ang daan palayo sa direksiyon ko, saka lang ako lumingon. Sa naiiwang lumilipad na alikabok ng mabilis na pagtakbo ng sasakyan, napansing kong kulay maroon pala ang kotse ng lalaki.