Naghuhubad na ng basa sa softdrinks niyang sando ang lalaki nang tingnan ko. Pagkuwa’y lumapit sa akin. “Okay ka lang ba?”
Hindi ako makasagot. Walang sinabi ang katawan ni Kuya Jose sa katawan ng lalaking ito. Mukhang ilang porsyento na lang ang natitirang taba sa katawan. Super tight and toned ang muscles nito at well defined ang pecs at abs sa lighter skin complexion nito.
“O-okay lang… k-kuya…”
Minura ko ang sarili sa nauutal kong sagot lalo’t hindi ito ang tamang oras para maglaway at sipatin ng maigi ang hitsura niya gayong nakita kong parating ang mga reresbak pang kasamahan ng lima. Mas madami sila. Armado ng tubo, pamalo at martilyo. Kung dadagdag pa ang limang unti-unti nang nakakabawi ng lakas, wala na kaming ilalaban pa.
Kinalimutan ko muna ang naramdaman kong paghanga sa gwapong mukha at matipunong pangangatawan ng lalaki na tantiya ko’y kasing-edaran ni Kuya Jose.
“Salamat sa pagligtas mo sa akin sa lima pero may parating pa,” nababahalang sabi ko.
Tumingin ang lalaki sa direksiyong tinutumbok ng mga mata ko. “s**t. Hindi na natin kaya ito.”
“Kaniya-kaniya na tayo ng takbo.”
“Tara sa kotse,” sabi niya at nang hindi pa rin ako nagalaw sa aking kinatatayuan, “Mas mabilis ang kotse kesa sa pagtakbo,” paliwanag pa niya saka naunang lumakad sa akin.
Patakbo namang lumapit ang grupo ng katropa nang makitang bagsak sa lupa ang mga kasamahan. Bago pa ako makuyog ng karamihan, sinundan ko na ang lalaki sa kotseng sinakyan nito. Nagmamadali akong sumakay sa may passenger seat at bago pa kami abutan ng grupo, napatakbo na ng lalaki ang kotse niya palayo.
Nakalayo na kami at a safe distance sa mga humahabol nang humupa ang kaba ng dibdib ko. “Saan tayo papunta?”
Iniwasan kong mapatingin sa katawan niyang walang saplot at hindi ko maiwasang ikumpara siya kay Kuya Jose lalo na doon sa harapan ng suot niyang manipis at malambot na faded blue jeans na napatakan din ng softdrinks. Hapit ang tela sa mga proportioned legs at calves ng mga paa niya at kita ko ang pag-flex ng musles niya sa hita tuwing aapakan niya ang mga pedal sa ilalim ng steering wheel.
Itinabi niya ang kotse sa may rampa ng highway pagkalipas ng ilang saglit. Tumingin siya sa akin. Tingin na ang hirap deadmahin at nakakapanlambot ng mga tuhod. Tingin na biglang nagpabilis ng tahip ng dibdib ko. “Hindi ko alam. Lumayo lang tayo sa mga humahabol sa ‘yo.”
Naalala kong bigla ang susunduin kong kakilala ni Mommy sa bus terminal. Kung si Mommy lang walang problema, pero madadagdagan na naman ang atraso ko kay Lola. Ayokong nadi-disaaponint siya sa akin hangga’t maaari.