““O, iiyak ka na naman niyan, hinatid na nga kita, eh,”” nakangiting biro ni Prie sa naiiyak na Dave. ““Dali na, ‘di ba usapan natin wala ng iyakan?”” Tumango ito. Pero tumulo rin ang mga nagbabadyang luha mula pa ng dumating sila sa airport. ““Ate Prie—hindi mo ‘ko kakalimutan, ah? Promise me.”” ““Oo naman, I promise,””seryosong sagot niya rito. Itinaas pa niya ang kanang kamay niya bilang tanda ng pangako niya rito. ““Ako lang love mo?”” Dahil sa mga luha nito, pinigilan ni Prie ang pagtawa. Hanggang sa huli kasi napakachildish pa rin ng kinakapatid niya. Kung hindi lang niya ito mahal, pagsasabihan niya ito ng sobra tungkol sa pagiging selfish. ““Oo, ikaw lang din ang love ko,”” bilang kapatid, tahimik na dagdag niya. ““Hindi rin kita ipagpapalit kahit kanino. Wala na yata akong m

