““Uy, kumain ka na.”” Ayaw niyang kumain. Kahit na paborito pa niya ang spaghetti at sinusubuan pa siya ni ate Prie. Isa pa, hindi na siya bata para subuan, no! Nakakahiya sa mga groupmates nito yung pambe-baby ni ate Prie sa kanya. ““Dave, ayaw mo ba ng spag? Niluto ni mama at ate yan. Kumain ka na dali. Mauubusan ka, malakas kumain ‘yang mga iyan,”” bulong ni Prie kay Dave habang kumakain na sila. Sino ba naman ang gaganahan kumain kung kasabay at katabi mo ang taong may crush sa girlfriend mo? Baka hindi nalalaman ni Mael, may boyfriend na si ate Prie, at siya iyon! ““David.”” ““Kakain na po,”” wika niya. Hindi niya pwedeng ipahalata na narinig niya ang pag-uusap ng ate Prie niya at ni Mael kanina. Baka pag-isipan pa siya na walang galang ni ate Prie. Ayaw pa naman niyang nadidisapo

