““Tita, si ate Prie po?”” tanong ni Dave kay tita Mel, mama nina Prie, nang makasalubong niya ito sa gate ng bahay ng mga ito. ““Si ate mo? Hayun nasa loob, may mga bisita siya,”” sagot nito habang may hinahanap sa dala nitong shoulder bag. ““May bisita po? Bakit?”” ““Gumagawa kasi sila ng project para yata sa Science nila,”” sagot nito habang abala pa rin sa paghahanap ng kung ano sa bag nito. ““Makikipaglaro ka ba dapat?”” ““Ah, eh sana po. Kaya lang may mga bisita.”” ““Okay lang ‘yan. Malapit na rin naman silang mananghalian. Ah—eto,”” sabi nito nang makita ang kung ano mang hinahanap nito. Iniabot nito ang isang accessory bracelet sa kanya. ““Ipinabibigay ‘yan ng ate Ash mo. ‘Yan daw yung ipinabili ni ate Prie mo para late gift daw niya dahil nanalo ka sa quiz bee last last week.”

