"Mommy!" Napangiti si Shey nang makita niya ang anak niya na naghihintay sa kanya sa tapat ng gate ng school nito. Pagkatapos kasi nang eksena nila ni Steven kanina lang ay agad siyang dumiretso sa school ni Lumi. Kasama nito si Apollo na laging nakabuntot kay Lumi. Halata na binabantayan nito ang anak niya dahil nasa tabi lang naman ni Apollo ang bodyguard at sundo nito. Hinalikan niya sa tuktok ng buhok si Lumi habang malambing na yumakap sa beywang niya. "How's my princess?" tanong ni Shey sa anak. "Hindi po nakasagot si Lumi kay teacher kanina sa Math subject namin, Lieutenant. Hindi nakapag-review." sagot ni Apollo na sumunod pala kay Lumi nang sinabulong siya nito. Simula nang magkakilala sila ni Apollo ay Lieutenant na ang tawag nito. Mukhang gustong mag-pulis ng batang ito, kay

