Page 26 Assure ***** "AKO SI REIN MONTES. NICE TO MEET YOU ALL. SALAMAT." Biglang napuno ng palakpakan ang ang office namin. Napatakip na lang ako ng face sa sobrang kahihiyan. Potek naman talaga! Tinapik ako sa balikat ni Sir Mike kaya napalingon ako dito. Nakita ko ang maganda nitong ngiti. "At dahil bagong balik ka dito. Kailangan mong magpaparty. Sagot mo ang lunch namin." "HAH?!" Laglag panga ko. Tumawa nang malakas si Sir Mike at bumaling sa marami. "Antayin niyo ang palibreng lunch ni Miss Montes mamaya ah!" "HALA SIR?! Hindi po ako na-orient." 'DI AKO PREPARED! Natuwa naman yung mga katrabaho ko. Nagpalakpakan sila at nagpasalamat na agad. Mga ungas! "Okay! Back to work." Dismiss ni Sir Mike sa lahat samantalang sumuly

