Page 25 Newbie ***** Patihaya akong nahiga sa kama ko pero kahit kanina pa ako nakahiga ay hindi naman ako madalaw ni antok. Nakakairita naman. Bumuntung hininga ako ng malalim at kumurap kurap. Andrew. Oh, my God what did you do that? Histerial akong umiling iling. Sabi ko na nga hindi magandang ideya na hayaan ko na lang siya eh. Dapat umiwas na ako. Dapat umiwas na ako sa umpisa pa lang. Dinama ko ang labi ko at napapikit. Naalala ko na naman yung halik ni Andrew. Naalala ko kung paano niyang inangkin ang labi ko. How he claim like it his. Gosh! Hindi ito ang first kiss ko. Si Renz ba? Pero sabi ni Andrew he was my first? At bakit pakiramdam ko totoo iyon? Bakit ganun? Ibang iba yung pakiramdam sa halik ni Renz.

