Page 24 Can't explain ***** "You've done good job Rein." Mahinang tinapik ako sa balikat ni Bianca. "Wala naman akong nagawa." Nilingon ko siya. "Anong wala? Meron. Nadala mo agad dito si Althea. Mabuti at natuto kang mag-drive." Ngumiti siya sa akin. "Kinabahan nga ako sa ginawa ko." Napabuga ako ng hangin. "Tama si Bianca." Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Andrew sa kanang balikat ko. Mabilis akong napatingin sa kanya. "Good job." Alanganin akong ngumiti. I don't think i can be proud of it. Buntung hininga. Ilang sandali pa ay dumating na sina Milca at Paul. Agad na lumapit si Milca sa anak niya at hinalikan ito sa buong mukha. I was touched. Ang sweet niyang Mom. Ang swerte ni Althea. "Allergy." Wika ni Paul sa

