Page 20 Explore ***** Magkatulong kami nina Milca at Paul na nag-ihaw ng mga barbeque at tapos na naming gawin iyon. Pinili kong manatili sa kubo, maupo roon at gayun din ang ginawa ni Paul. Si Milca naman ay sandaling nagpaalam para lapitan sina Althea at Bianca. "Wala kayong driving session ngayon ni Andrew?" Pag-open ni Paul ng topic. Kanina pa rin kasi kami tahimik. Matipid akong ngumiti. "Wala eh. Sabi nga ni Milca. Busy." "Yah. Ang alam ko nga busy talaga si Andrew kaya medyo nagulat ako na nagka-time siya para turuan ka na magdrive." Nakangiting aniya. Parang may ibang ibig sabihin siya roon. Natawa ako ng hilaw. "Malakas ako dun eh. Joke lang." Binawi ko din agad baka kung ano pang isipin nito. "Hindi ko din alam kung bakit siya pumayag

