Page 19 Busy ***** Mabagal na nag-umpisang lumakad iyong kabayo. Si Justice. Nasa unahan namin sina Bianca at Emman. At kung anong init ng katawan ni Andrew ay siya namang lamig ng pakitungo niya ngayon. Hindi siya nagsasalita. Eh, yun naman din ang gusto ko. Ang hindi niya ako kausapin para wala na siyang masabi na ikare-react ng puso ko. Malalim akong bumuntung hininga. "Natatakot ka pa ba?" Biglang nagsalita sa likod ko si Andrew. Kinilabutan ako sa pagdampi ng mainit niyang hininga sa buhok ko pero nag-act na lang akong wala iyon. "Hindi na." "Good. We're going fast now." Lumingon sina Emman sa amin at sumenyas na nga. Lumunok ako at naramdaman ang paunti unting pabilis na takbo ni Justice. Mahigpit akong napakapit at ma

