Page 18 Takot ***** Marahan akong tumayo at medyo umatras naman siya ng pwesto para bigyan daan ako. Pero nadama ko pa rin iyong magaan na pagdikit ng balikat ko sa malapad niyang dibdib. Lihim akong suminghap ng mabilis sa kuryenteng kumiliti sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin at nagkunwaring walang anumang nadama. "Saan tayo?" "Follow me." Sagot niya at naunang maglakad. Hindi papasok ng restaurant kundi papasok sa office niya kami nagpunta. Nagtaka ako pero hindi nagreact. Sa loob niyon ay nakita ko agad si Ms. Kylle na nag-aayos ng gamit sa may lamesitang naroon. Dalawang mataas baso, mga platito at kubyertos. May mataas na pitsel na may timplang juice. Sa gitna ay iyong madalas kong katakaman na meryenda. Yema cake. "Okay na po Sir

