Page 17 Jealous ***** Magkasabay kaming naglakad papalabas ng clubhouse. Iginiya niya ako papunta sa kanang parte ng lugar kung nasaan ang maluwang na parking area. "Hi-hindi ba ako nakakaabala?" Panay ang lingon ko sa paligid. I feel awkward about this. Bakit ba ngayon ko lang iyon narealize? Kahit wala namang masyadong tao sa paligid ang pakiramdam ko ay may nakamasid sa amin ni Andrew. Or baka napa-praning na naman ako? Seriously?! Kanina pa nga yata ako nababaliw. "Hindi naman. I always find time for you." "Mukhang may mahalaga kayong pina-uusapan nung kasama mo kanina eh." Baka naman gusto mong magbago ng isip. Baka lang. "Tinapos ko na iyon kanina pa." Tinignan niya ako ng deretso. "Minadali mo? Bakit?" "Priorities."

