Page 50 Us back ***** You are cordially invited. Yun talaga ang nakabungad sa may invitation card. Napalunok ako ng isang beses. Binigyan ko ng mabilis na sulyap si Bianca then doon uli ako napatingin. Sa puting card na hawak ko. Kinakabahan ako. The hell! Sana mali ang iniisip ko. God. Sana.. sana... "Sus! Pa-suspense pa dear." Biglang hinablot ni Bianca yung card sa akin at binuklat iyon. Nalaglag ang panga ko sa gulat dahil sa ginawa niya. Napaka --- Iniladlad niya sa tapat ng tingin ko iyong bukas na na card. "It's Monica's Wedding okay. Masyado kang praning." Humalakhak si Bianca after. What... what?! Nanlalake ang mga matang tinitigan ko siya. Nakaawang lang ang labi ko. "I was joking, okay. You won't see Andrew in this event. You remember Monica?" Hi

