Page 51 Magtatapos ***** Pormal na tumingin si Andrew sa akin. Nagsalubong ang mga mata namin pero agad akong nag-iwas. There's something off about his looks. He look so pale and haggard. But i have to deal with Trisha first. Nakakabahala na baka bigla niyang sunggaban si Andrew at kidnapin. Baka ilagay sa maleta at iuwi sa bahay nila. Mahirap na, mababawasan ng gwapo sa earth. Ayy! Gawain ko lang 'ata yun. Lihim na lang akong umismid. "Ahm," huminga ako ng malalim. "Sir Andrew, college batchmate ko po. Si Trisha." Mabilis na naglahad ng kamay si Trisha. Nag-smile siya ng kakaibang smile. "Hi. I'm Trisha." Well, hindi naman kakaiba ang smile niya. Usual na kaya yun. Tss. "Hi." Matipid na bati ni Andrew pagkatanggap ng kamay ni Trisha. "Andrew." Napalunok ako. Nap

