Page 12 Wag lalayo ***** Nang bumalik si Bianca ay tumayo siya sa tabi ko hawak ang isang maliit na palanggana at bimpo. "Punasan mo na siya para mahimasmasan kahit konti." Aniya at akmang iaabot iyong gamit sa akin. Mabilis akong umiwas at umiling. "No. Bakit ako?" Bakit ko gagawin iyan? Hindi ko siya kaanuano. Saka..... basta! Ayoko! Pakiramdam ko ay may gumapang na kuryente sa buong katawan ko. Its not that i dislike it pero.... Bakit kelangan ako kung kaya niya naman?! "Dahil ikaw dapat. Ikaw ang ipinunta niya rito." Nakasimangot na wika ni Bianca. "Hindi ah. Baka ikaw." Mariing iling ko. Hindi ko sure pero parang nag-init ang mga pisngi ko. "Wag ka ngang in-denial dyan." "Huwag na ako. Ikaw na lang ang gumawa niyan." Umatras a

