Page 11 I miss you ***** "You're not inlove with him." Nanlaki ng husto ang mga mata ko at napaawang ang labi. What?! Ako? Hindi inlove? Anong..... ibig niyang sabihin? Marahan niyang inilapag sa gilid at malayo yung gitara. Humarap at agad niya akong hinawakan sa isang kamay, sa aking palapulsuhan then hinila papalapit. Napasinghap ako nang magkonek ang mga mata namin. Nadama ko yung init ginawa niyang paghinga ng malalim. Magkatapatan na lamang kami ng mukha at konting pagitan na lang ang layo namin sa isa't isa. Napalunok ako at ilang ulit na napakurap ng mga mata. Nakatitig ang mga mata niya sa mga mata ko then bumaba iyon sa aking labi. Nakita kong nagtaas-baba ang kanyang adams apple, nanginig ako. Hindi ko alam kung anong espiri

