Page 10 Not inlove *** Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi niya ako pinansin. Basta deretso siyang pumasok sa loob ng bakuran at papunta sa main door. Parang bahay niya lang. Tinanong ko siya kung hindi pa siya uuwi. Mukhang wala pa nga talaga siyang balak umuwi. Ano bang --- "Huy!!" Lakad takbo akong sumunod. "Open the door." Malamig niyang utas. Bahadya akong nagulat. "What's with you?" "Just open the damn door!" Biglang tumalim ang tingin niya sa akin. Napaatras at kinabahan naman ako. "O-okay. Kalma lang." Nanginginig pang binuksan ko yung pinto gamit yung keys na binigay ni Bianca. Nauna akong pumasok sa loob at sumunod agad si Andrew, siya pa ang nagsara ng pinto. Nang marating namin ang maluwang na salas ay sak

