Page 9 LQ nila ***** Hawak niya pa rin ang kamay ko. Nakaalis kami sa kumpulan ng mga tao at napunta sa gilid na bahagi ng simbahan kung saan mangilan ngilan lang ang dumadaan. Tagaktak ang pawis namin. Sa noo at likod. Pareho pa kaming humihingal sa pagod. "You okay?" Tumingin ako sa kanya at mahinang tumango. Tumayo ako ng deretso at huminga ng malalim at mahaba para mahabol ang natural kong paghinga. Mariin akong napapikit. "Salamat." Wika ko at nagmulat ng mata para makita siya. Napapitlag ako nang maramdaman ang pagpatong ng palad niya sa noo ko. Nanlaki ang mga mata ko pero hindi ako nakakilos. Nakamata lang ako sa kanya habang pinunasan niya ng sariling palad ang pawis ko. Masuyong humaplos ang palad niya sa noo ko at sa pisngi pati sa pang

