Page 7 - Face it

2606 Words
Page 7             Face it   *****   I TRIED to act as casual as I can. Pero lalo yata akong naging weird sa paningin nina Bianca at Andrew. Hindi ko na kasi sila iniimik.   Napahinto ako sa tapat nang makita ang isang grupo ng mga tauhan na nasa ilalim ng isang malaking puno. Abala sila sa pagsasalansan ng mga bunga. Lumapit ako sa kanila at nanuod.   "Anong ginagawa nila?" Narinig ko iyong boses ni Bianca na nasa likod ko na pala. Hindi ako lumingon.   "Pinaghihiwalay nila yung mga bunga na pwede ng pambenta." Boses ni Andrew.   Napahalukipkip ako at kinagat ang ibaba kong labi.   Bakit ba may ganitong feeling? Ang weird. Kapag naririnig ko ang boses niya hindi ko mapigilang kiligin na kilabutan, lahat lahat na.   "Ah." Si Bianca. "Alam na alam mo na ang pamumuhay dito ah."   "Madalas ako dito kapag walang masyadong trabaho sa site."   "Wow! Talagang nakakahanap ka pa ng way para makapunta dito at makatulong. Kahit busy ang schedule. I'm sure may trabaho ka din sa Manila di ba? Hindi ba nakaka-stress iyong tagal ng biyahe." Masayang tono ni Bianca. Para bang enjoy na enjoy siyag kausap si Andrew.   Nakakairita.   Feeling ko nga sinasadya pa ni Bianca na iparinig sa akin iyon eh.   Lihim akong bumuntung hininga.   Sana hindi na lang nila ako isinama kung balak lang naman nilang mag-date.   "It's a matter of priority."   Napasinghap ako ng lihim. His voice echoed in my ear. Kinilabutan ako.   "I love what i'm doing now. Ganun dapat kapag priority mo ang mahal mong bagay di ba?"   OUCH!   Sandali? Parang may something sa mga sinasabi nila ah.   Pinariringgan ba nila ako? Parang sinasabi lang na kung walang oras para sa iyo ang mahal mo, hindi ka niya totoong love.   Masyado yata akong nag-iisip.   Pero tama naman kasi, Rein.   Kung mahal ka ng isang tao gagawa siya ng paraan para magkasama ka. Kahit maikling panahon. Kahit takas o hiram na oras. Ganun ang pagmamahal. Hahamakin ang lahat.... masunod ka lamang.   Pumasok sa isip ko si Renz. Siguro nami-miss ko na siya kaya ako ganito. Feeling ko kasi magde date lang 'tong dalawang kasama ko tapos ako yung third wheel.   Tsk. Sanay na naman ako na hindi center of attention ah. Bakit parang ngayon naghahanap na ako?   Buntung hininga.   Affected much? Stop thinking.   Naagaw ang tingin ko ng isang maliit na batang babae na tumatakbong palapit sa pwesto namin. May dala itong maliit na basket. Nakangiti ito at masaya habang tumatakbo pero ng malapit na ito sa min ay bigla naman itong nadapa. Napatayo ako ng deretso at akmang lalapitan na ito pero may nauna na sa akin.   "Bata okay ka lang?"   Natigilan na ako.   Si Bianca iyon. Tinulungan niya iyong bata na makatayo. Well, sila kasi iyong mas malapit.   Suminghap ako at bahadyang napaawang ang labi habang nakatingin sa gawi nila. Magkatulong silang tatlo na pinupulot iyong mga nahulog na laman nung basket ng bata. Sina Bianca, Andrew at yung bata.   "Thank you po." Masiglang pasalamat nang bata pagkaraan. Maganda ang ngiti nito kina Andrew at Bianca.   Mariin kong itinikom ang aking mga labi.   Ang ganda kaya nilang tignan na tatlo parang maliit na family na namamasyal sa theme park. Iyon nga lang, hindi naman ito theme park, manggahan ito. Inalalayan pa nga ni Andrew na makatayo ng matapos si Bianca.   Medyo namilog ang mga mata ko.   May nadama akong kung anong kirot sa puso. Isang pinong kirot na nakapagpakilabot sa akin.   Bigla akong umiwas ng tingin at mahigpit na pinagsiklop ang mga kamay. Bumuntung hininga ako ng malalim at mahaba.   Pero lalo lang akong nangilabot.   Oh my!!   Ano yung nadama ko?   Pain?! Bitterness?! Selos?!   SELOS???!!! WTH!   Um-inhale ako ng maraming hangin at dahan dahan iyong ibinuga. Naluha bigla ang mga mata ko pero agad ko iyong pinigilan.   Para saan iyon? Bakit ako magseselos? Hellooww!! I don't even know Andrew that well. Wala ako sa posisyon ah!   Hindi ko na sinubukang tumingin pa sa kanilang dalawa. Paulit ulit kasi akong inaatake ng kilabot sa tuwing napapatingin sa gawi nila. Hindi ko alam kung bakit.   Dahil dun, sumama na talaga ang pakiramdam ko. Nanlata na ako at nanahimik na lang. Sa buong oras na pag-iikot namin sa manggahan at sa paligid pa ng Hacienda, hindi ko na na-enjoy lahat iyon. Mas gusto ko na talagang umuwi. Kahit kausapin ako ni Bianca, matipid na Oo at Hindi lang ang sagot ko. O kaya'y, ahh.... ehh.... ihhh.... oh... uh.   Namalayan ko na lang na lumipas na ang oras. Hindi ko man lang na-enjoy ang inihandang pagkain ng mga taga-roon sa Hacienda. Doon kasi kami nagtanghalian at para ngang expected nilang darating kami eh. Ewan. Siguro imagination ko lang yun. Lagi namang sagana sa pagkain ang mga bahay dito eh. Parang laging piyesta. Pinag-uwi pa nga kami ng isang kilong mga hinog na mangga.   Nang huminto ang land rover sa tapat ng gate ng tinutuluyan namin ay agad bumaba si Andrew para umikot sa side ni Bianca at pagbuksan ito ng pinto.   Gentleman.   Pero hindi ko na nahintay iyon. Feeling ko babaliktad na ang sikmura ko sa sama ng pakiramdam.   Sabay tuloy kaming bumaba sa land rover ni Bianca. Siya, pinagbuksan ni Andrew habang ako, kusa na akong bumaba. Kaya ko naman yun. Maliit na bagay. Kunot noong tumingin sa kin si Bianca.   "Rein?!"   "Bakit?" Saglit akong sumulyap sa kanya habang lumalakad papalapit sa may gate.   "Hindi ka ba nag-enjoy?" Narinig kong tanong ni Bianca.   Huminto ako at humarap sa kanilang dalawa. Pareho silang nakatingin at halatang disappointed sa akin. Bahadya akong natigilan at sinalubong ang tingin nila. In an instance, ayun na naman iyong kirot pero hindi ko iyon pinakita.   Disappointed din ako. Hindi ko alam kung bakit.   "Okay lang." Tumango ako ng mahina. Pilit akong ngumiti at in-strecth ang mga braso ko't balikat. "Napagod nga ako oh! Maganda yung hacienda. Sobrang na enjoy ko. Salamat hah." Mabilis akong sumulyap kay Andrew then tumalikod at iniwan sila doon. Wag na nating uulitin. Gusto ko sanang idagdag pero sinarili ko na lang.   Ayy, oo nga pala!     Pumihit akong paharap uli sa kanila at lumapit kay Bianca. Kinuha ko sa kanya yung plastic na may lamang mangga. "I'll take this in. Ciao." Sabay talikod uli sa kanila.   Dumeretso muna ako sa may kusina pagkapasok ko sa bahay. Inilagay ko muna sa refrigerator iyong mga mangga. Nasalubong ko si Bianca nang paalis na ako ng kusina.   "Anong problema mo Rein?"   Umiling lang ako. "Napagod ako."   "Napagod saan? Wala ka nga halos ginawa kanina eh."   "Anong wala? Naglakad kaya tayo ng mahaba."   "E di ba nga gustong gusto mo yung mga ganung lakaran."   Lihim akong umismid. "Wala lang siguro ako sa mood." Napabuga ako ng hangin. "Wag na natin itong pag-usapan. Pagod na ako. Pagod ka na rin di ba?"   "Oo pero hindi sobra. Bakit ba? Anong nangyari sa yo?" Tinangka niya akong harangan sa daan. "Ano? Tinotopak ka na naman?"   "Please. Saka na lang tayo mag-session ng sermon. Okay." Nilagpasan ko na lang siya at dumeretso sa kwarto ko. Isinara ko iyon at naglock.   Okay. FINE. Ako na ang lokaloka ngayon. May topak nga siguro ako kaya ako ganito.   Pabagsak akong nahiga sa kama. Padapa.   Kinikilabutan pa rin ako. May kung anong kinig o kuryenteng dumadaloy sa mga ugat ko hindi ko mapigilang paulit ulit na suminghap.   Naalala ko uli ang kanina. Kung paanong napaka-komportable nina Bianca at Andrew sa isa't isa. Hindi ako naiingit sa ganung mga bagay. Sa dami ng couples na nakita namin sa ibang bansa nagsawa na ako. Pero.... ewan ko ba ngayon.   I feel so weird.   Ayoko ng nakikita ko pero hindi ko masabi at kinikimkim ko yun ng sobra sa diddib kaya siguro ako ganito.   Ayoko na ng pinipigil ang damdaming ito. Nakaka-baliw.   Saglit lang at namalayan ko na lang na umiiyak na ako. Mahinang iyak.   Bakit ganito ang feeling? Hindi ko maintindihan.   Hindi ko nga alam kung anong iniiyak ko.   Bakit ako nagkakaganito? Bakit?!   *****   Nakaupo ako sa sahig nang kwarto at nakasandal sa may kama. Kanina pa naka-open ang laptop sa kandungan ko. At kanina pa ako nakatitig sa screen nito. Pero wala akong maisip na gawin.   Hingang malalim uli.   Lumingon ako sa pinto ng marinig na may kumatok. Agad naman iyong bumukas at sumungaw ang mukha ni Bianca.   "Hi. Okay lang pumasok?" Aniya.   Tumango naman ako at pumasok na siya.   May dala siyang tray na may lamang dalawang mataas na baso. Naamoy ko agad iyong mangga.   "Mango shake?" Aniko at ngumiti.   "Anlakas talaga ng pang-amoy mo." Aniyang nakangiti. Naupo siya sa tapat ko at ibinaba sa gitna namin iyong tray. "Yung mga mangga na galing sa hacienda yan."   "Oh?!" Ngiti ko uli. "Salamat." Agad ko iyong inabot at ininom. "Wow! Sarap hah."   "Sarap na sarap ka talaga sa mga mangga ng hacienda ah."   "Sarap na sarap ako kasi libre." Ngising ani ko. "Naunahan kita dun."   "Tss." Mahinang piksi niya. "So? Okay ka na? Pwede mo ng sabihin kung anong problema mo?"   "May problema ba akong sasabihin?" Kuno'y tinitigan ko siya.   "Hindi. Baka may ise-share ka sa akin na problema?"   Natawa lang ako ng mahina. Sandali kaming natahimik at nagpakiramdaman sa isa't isa.   Bumuntung hininga ako. "Kayo ba?"   "Hah?! Ano?" Nanlake ang mga mata niya.   "May something ba sa inyong dalawa? Nung Escaner?" Mataman ko siyang tinitigan.   "Tsk. May something sa amin? Of course may something sa min." Natawa siya ng pagak.   Natigilan ako at napalis ang ngiti.   "May mukha. May katawan. May laman-loob."   "Tss." Pang-inis! Hindi naman yun ang ibig kong sabihin.   "Anong something ba ang sinasabi mo Rein? Linawin mo kasi nang magkaintindihan tayo. Nakaka-intindi ako ng mga patient ko pero hindi ako nakakaintindi ng Alien mind."   "Alien?! Ako ba yun, alien?" Kunot noo ko.   "Mukhang alien." Ngisi niya.   "Magandang alien?" Ngisi ko naman.   "Alien na nahulog sa lupa, una mukha. Wag ka ng ngang magpaligoy ligoy pa dyan. Sabihin mo na ang sasabihin mo."   Napalunok ako at bumuntung hininga.   Deretso akong tumingin sa kanya. Sasabihin ko na talaga. "Ayoko sa kanya."   Nagsalubong ang kilay ni Bianca. "Ayaw mo sa kanya? Ayaw mo kanino?"   "Kay Andrew." Seryosong seryoso ako. Seryoso talaga ako. "Ayoko sa Escaner na yun. Ayokong nakikita siya."   Nakita ko kung paanong unti unting nalaglag ang panga ni Bianca sa gulat.   Hindi ko alam kung nagulat ba siya dahil sa pagka-bold ko sa salita. O dahil nadisappoint siyang marinig iyon dahil gusto naman niya si Andrew.   Minsan ganun eh. Kahit sa pamimili ng kaibigan o ng kabarkada o ng mga taong gusto mong samahan.   Wala pa ngang ginagawang masama iyong tao. O kahit wala na talaga siyang ginagawa. May feeling agad na ayaw mo sa kanya o kinaiinisan mo agad.   Judgmental?   Pwede din.   Basta isa lang ang alam ko.   Ayokong mapalapit kay Andrew Escaner.   "That is ridiculous!" Bulalas ni Bianca matapos matulala ng may ilang minuto sa harap ko.   Kumurap lang ako ng mga mata pero hindi umimik.   "You are being irrational. Why?"   "Kailangan ko bang ipaliwanag kung bakit?" Hindi ako nag-alis nang tingin sa kanya.   "Oo. Pakipaliwanag Rein. Kasi ang nonsense. Ano bang nagawang mali ni Andrew? Bakit ayaw mo sa kanya?"   Napapout lips ako. "Wag kang mag-alala. Hindi ko naman siya dededmahin ng bonggang bongga. Sinabi ko lang na ayaw ko sa kanya. Ayaw kong mapalapit sa kanya. Not friends." Napabuga pa ko ng hangin. "Kung may special relationship kayo. Go on. Promise. Hindi ako kokontra."   Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Para kang tanga! Ang weird mo. Bakit ayaw mo sa kanya? Sagutin mo muna."   "Basta ayoko. Its a gut feeling."   "Hindi pwedeng basta ayaw mo Rein." Mariin siyang umiling. "First, hindi basta stranger lang si Andrew. He is an Escaner and President siya ng M.E. ngayon. Iyon yung company na pinapasukan mo. Boss mo siya, higher officer. You cannot just ignore his presence. Napaka-absurb nun."   "I know who he is. Hindi mo kailangang ipaalala. Pero yun ang nararamdaman ko. Ayokong magtago sa yo since malalaman mo rin naman. Gusto ko lang alam mo kung sakaling kumilos ako ng awkward kapag nasa paligid si ---" napa pause ako. "Andrew Escaner."   "Alam mo hindi nga kita maintindihan ngayon." Nagugulahang iling ni Bianca.   Bumuntung hininga ako. "Naguguluhan din ako sa feelings ko."   "Okay. Paki-elaborate ang feelings na yan." Mataman niya akong tinitigan.   Natigilan naman ako.   How can i elaborate it? Ang hirap yata ah.   "Rein Montesa?"   "I cannot." Buga ng hangin. "Hindi ko din maintindihan. Bakit ayaw ko sa kanya? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit kapag nakikita ko siya natutulala ako ng wala sa lugar tapos kapag naririnig ko yung boses niya kinikilabutan ako. Parang ume-echo yun sa pandinig ko. Hindi tama yun Bianca. He's just -- he is just --" napakagat labi ako sabay buga uli ng hangin.   Pathetic. I know i sound so pathetic now.   "Just a stranger to you Rein." Dugtong ni Bianca sa salita ko.   Muli akong natigilan.   "Siguro sa isip mo stranger lang siya. Pero iba ang sinasabi ng sub-conscious mind mo. I'm sure may something na nagbubulong sa iyo ng iba. Ibang iba sa gusto mong paniwalaan." Tumango siya at matipid na ngumiti.   I really don't know kung nakikipag-usap pa ba ako sa doctor. This sounds more like a personal life adviser.   Well, she is my personal life adviser. A friend. A best friend.   "He's shaking my feelings. Natatakot ako sa kanya." Muli akong bumuga ng hangin at sandaling pumikit. "Hindi ko maintindihan kung bakit. Basta may pakiramdam ako na dapat akong lumayo sa kanya. Na.... ewan." Umiling ako ng ilang ulit.   Pakiramdam ko masasaktan ako sa kanya. Nakakatakot.   "How can a mere stranger shake your feelings Rein?" Mariin bawat salita ni Bianca. Natigilan ako.   How?   "Hindi kayang gawin iyon ng sinuman kung basta natatakot ka lang sa kanya. Unless, you have known him before." Ani Bianca.   Nagbaba ako ng tingin. Bumuntung hininga.   "You are still like this Rein. Always in denial. Always takot harapin ang nakaraaan. Akala ko magaling ka na. Pero hindi pa pala. Sasabihin ko sa yo kung anong unang doctor's advice ko sa yo."   Pause.   "Face it."   Suminghap ako at mariing pumikit.   "Running is not the only answer Rein. You have to face this."   "Panu?" Atsaka ako nag-angat ng tingin deretso sa kanya. "Panu ko siya pakikisamahan ng hindi nararamdaman ito? I feel guilty over this. Feeling ko nagtataksil na ako kay Renz."   "Believe me Rein. It doesn't matter."   Natulala ako.   "Hindi ka ba nako-curious malaman kung bakit ganyan ang nararamdaman mo? Alam kong mabait kang tao. Pero hindi ka mapapalagay kahit kelan kung hindi mo malalaman ang dahilan. Kung bakit ganyan ang epekto sa yo ni Andrew. Anong dahilan nito Rein."   Kinagat ko ang aking ibabang labi.   "I'm not telling you to cheat on Renz. You are not cheating. Trust me Rein. You are not cheating."   "Feeling ko tinuturuan mo nga akong mag-cheat."   "Hindi. Ibalik mo lang yung dating ikaw. The curious Rein. Iyong laging may gustong malaman na lihim." Ngumiti siya. "And this feeling for Andrew."   Tumitig ako sa kanya at hinintay kung anong sasabihin niya.   "Alamin mo Rein."   Laglag panga ko. Mabilis akong umiling. "Oh, No!"   "Aren't you curious?"   "I am curious but i am afraid." Mariin kong iling.   "You don't have to."   Sandaling namagitan sa amin ang katahimikan.   Should i? Kaya ko ba? Kakayanin ko ba?   Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.   Mahinang humalakhak siya. "So, kaya pala wala ka sa mood kasi nagseselos ka na pala kanina?"   "I'm not jealous!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.   "You are Rein. Kung hindi mo pa alam, nagseselos ka na. Ngayon alam ko na kung paano kang magselos. Akalain mo yun? Nagseselos ka pala." Tapos lalo pang nilakasan ang tawa.   "Ay! Ewan ko sa yo Bianca!" Saka ako umirap. Akala ko pa naman kaibigan ko ito.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD