Page 6
Shaking
*****
PABALIBAG ko talagang isinara ang pinto at inilock iyon.
Tinapunan ko ng masamang tingin iyong pinto na parang iyon ang kaaway ko tapos ay marahas na napahinga ng malalim.
"AAAGGHHH!! As if may makikita?! Tang-Inis!" Inilapag ko sa kung saan iyong basong nabitbit ko mula kusina at pabagsak na naupo sa gilid nang kama.
Natulala ako. One. Two seconds.
What the ---
Napabaling ang tingin ko sa katapat kong aparador na may malaking salamin. Kitang kita ko ang sarili kong repleksyon.
Gosh! Pulang pula ang mukha ko hanggang ngayon. Dama ko pa rin iyong pangangapal sa init ng mga pisngi ko. Kainis!!
I am so embarrased. Hindi lang basta hiyang hiya kundi, hiyang hiyang hiya!
"Nasaan na? Nasaan na ang pagka-casual?" Tinitigan ko ang sarili ko ng galit. "Rein Montes, you are so dumb! Nakakainis ka!"
Naiiyak ako sa pagkapahiya. Napahilamos ako ng mukha sa mga palad ko at paulit ulit na umiling.
Oh, my gosh!!
Bakit ---?!
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit nga pala nandito ang Andrew na yun?"
Parang gusto kong magwala sa inis. Sobrang nanginginig ako sa inis at embarassment. Hindi ko talaga alam kung saan ko ito ibabaling.
Saglit lang at may kumatok sa pinto ng room na gamit ko. Agad akong tumayo at sinilip kung sino iyon.
"Rein?" Bungad ni Bianca pagkabukas ko ng pinto.
Lighten mood. Bigla ko siyang hinawakan sa braso at hinila papasok. Agad ko ding sinara iyong pinto. "Nakita mo ba yung tao sa salas?"
"Malamang. Ako ang nagpapasok sa kanya?"
Natigilan ako at napatitig sa mukha niya.
"Praning ka talaga." Pinagsalubungan niya ako ng kilay.
"Ba't mo siya pinapasok?"
"Kasi bisita siya." Humalukipkip siya at matiim akong tinitigan. "Wag mong sabihing nakalimutan mo na agad kung sino siya?"
"Hindi ah." Napatayo ako ng deretso. "Syempre hindi."
"O, ba't ganyan ka makareact?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Para kang nakakita ng ewan. Yung reaction mo parang bitter girl na nakita ang ex-boyfriend niya after break-up."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ex-boyfriend? Panung ganun ang reaksyon ko? Hindi ko naman siya naging boyfriend."
"Sabi ko parang lang." Tapos bumulong siya ng kung ano.
"O, ano yung binulong mo?" Sita ko kaagad.
"Hah? Kaya nga binulong para di mo marinig di ba?"
Gigil sa inis ko siyang tinitigan. "Ang salbahe mong kaibigan."
Sarcastic smile. "Feeling mabait ka. Halika na."
"Halika saan?" Naguluhan naman ako.
"Sa labas. Kakain na tayo ng breakfast."
"Kasama ---- kasama yung Andrew?" Hindi ako makapaniwala sa nangyayaring ito.
"Oo. Anong problema dun?"
Pinamulahan ako ng mukha.
No. Walang problema sa pagsabay na sa breakfast. Ang problema ko, ako.
Nakakahiya kaya yung kanina. Atsaka, naaalala ko pa yung sinabi niya na "wala namang makikita". Nakaka-insulto siya. Nainsulto ako! Yung ego ko nasaktan.
Hindi ako exceptional beauty pero -- shet -- nasaktan ang pride ko ah.
"A-ayoko. Dito lang ako."
Pinanlakihan niya ako nang mga mata. "Huy! REIN! Umayos ka nga!"
"Bisita mo yan. Hindi ko bisita. Bahala ka na."
"Tignan mo toh!" Piksi niya. "Parang hindi mo boss yun ah. Gusto mong mapagalitan sa office niyo? Big boss mo yung tinatanggihan mo na makasabay sa pagkain."
"Big boss. Pero hindi siya direct boss ko sa office. Wala siyang hold sa akin!"
"Ang dami mong sinasabi. Big boss, direct boss. Ano mang boss. Boss mo pa rin siya. Ayusin mo nga yang utak mo. Nasaan na ang professional etiquette mo? Lumabas na tayo at baka naiinip na siya sa paghihintay." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila palapit sa pinto.
Mabilis naman akong kumontra sa kanya. "Sandali!"
"Ano bang drama mo?!" Galit na tono niya. Tinignan na niya ako ng masama.
"Wait lang hah."
Huminga ako ng malalim. Alam ko wala na akong choice. Hindi naman ako tatantanan ni Bianca eh. For sure.
"Papalabasin mo ba ako ng gantong itsura?"
Natigilan siya at tinignan naman ako. "O, sige. Palit ka na muna ng damit. Ang sagwa pala."
"Tang-inis ka din Bianca ah." Piksi ko. Nagkibit balikat lang siya.
Wala na rin akong nagawa. Nagpalit na ako ng pambahay na damit matapos magtoothbrush at makapaghilamos.
Potek! Hindi pa nga pala ako nakapaghilamos man lang kanina bago niya ako nakita. Nakakahiya talaga.
Eventually, lumabas din ako ng room ko at sumalo sa hapag kainan. Sa kusina na kami kumain at hindi sa dining area. Nakakahiya naman talaga at hinintay pa nila ako bago nag-start.
"Akala ko magtatagal ka pa eh." Ani Bianca habang paupo na ako sa tabi niya. Nasa kabilang side naman ni Bianca si Andrew, pabilog iyong mesa. Halos magkaharapan lamang kami.
Ano kayang pinag-uusapan nang dalawang ito bago ako dumating?
Tsk. Baka mamaya sinisiraan na ako ng babaeng ito ah.
Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya. Inabot ko iyong baso na nasa pwesto ko at nagsalin ng tubig. Uminom ako ng konti.
Kinakabahan ako. Kinakabahan talaga ako.
Parang may naghahabulang daga sa dibdib ko at hindi ako mapalagay.
Tinignan ko si Bianca at nakita na nakatingin pala siya sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko. "What?"
"Kain na tayo." Aniya at umiwas na ng tingin. Bumaling siya kay Andrew. "Kain na, Andrew."
"Salamat." Narinig ko iyong boses ni Andrew na sumagot.
Hindi ako makatingin sa pwesto niya. Basta nakabaling lang ang tingin ko sa plato. Sa baso. Sa kung saan saan basta wag sa kanya.
Sign of the cross. Hindi lang para sa pasasalamat sa masarap na pagkaing nasa harap ko kundi dasal para matapos na ang pagkakataong ito. Then tahimik na akong kumain.
Napatingin ako sa braso ko at nakita ang bahadyang pagtataasan ng mga balahibo ko. Kinikilabutan ako ng sobra. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko silang dalawa na nakatitig sa akin.
"What?" Napalunok ako. "Bakit ba?"
"Puyat ka ba Rein? Nangangalum-mata ka, oh." Puna sa akin ni Bianca.
"Oo. Napuyat ako kaka-skype. Kausap ko si Renz." Sinimangutan ko siya.
"Tss." Umirap siya nang matalim sa akin.
Oo nga pala. Ayaw niya kay Renz. Ayaw na ayaw niya to the point na muntik na kaming mag-away sa phone dahil nagtatalo kaming dalawa. Gusto niyang hiwalayan ko Renz pero ayaw niyang sabihin kung bakit.
Tama ba yun? Ayaw na agad, eh, hindi pa nga niya ito nakikilala.
Huminga ako ng malalim. "Hindi ko pa rin alam kung bakit ayaw mo sa kanya." Pabulong lang iyon na sapat lang para marinig niya since magkatabi lang naman kami.
"Renz?"
Bigla akong napalingon sa gawi ni Andrew ng sabihin niya iyon. Nasalubong ko iyong malalim niyang pagtitig sa akin.
Kinabahan ako.
"Renz is her boyfriend." Ani Bianca.
"Renz Cruz. I bet you know him." Sabi ko na tumingin kay Andrew. Sinulyapan niya ako. "Isa siya sa contract professional photographer ng Elite at M.E. Entertainment."
Bahadyang tumiim ang bagang ni Andrew.
"Ganun ba siya kasikat para makilala ni Andrew?" Salubong ang kilay na ani Bianca.
"Well.... matagal na siya sa kumpanya. At isa siya sa pinaka magaling at sikat. I assume he knows him." Naiiritang sagot ko.
"Actually..." wika ni Andrew na ikinapalingon namin dito. "I think I've met him from several occassions."
Sinimangutan ko si Bianca. "See?"
Umismid lang si Bianca. "I still find him snob. Mukha siyang masungit and I don't like him."
"Panu mo nasabing masungit siya eh hindi mo pa naman siya nakikilala ng personal?" Naiinis akong tumingin uli kay Bianca.
"I just know. Kahit wag mo na syang ipakilala sa akin okay lang."
"How can you say that?" Mahigpit kong hinawakan ang mga kubyertos ko. Pigil ang galit. "Napaka-judgmental mo." Pairap akong umiwas ng tingin.
Binalingan ko na lang yung plato ko na may nagpupuyos na kalooban.
Ayokong mag-away kami dahil dito kaya iniiwasan kong mabanggit si Renz. Pero kapag naumpisahan na, wala na akong ibang magawa kundi ang manahimik at magngitngit.
Kaya kong ipagtanggol si Renz pero hindi ko kayang impluwensyahan ang paniniwala nang iba tungkol sa kanya. Pinoprotektahan ko na lang ang pagmamahal ko sa dahil sa dami ng naririnig kong tutol sa amin natatakot ako na baka ako ang maimpluwensyahan nila.
"I'm not judging him. I'm just telling you my opinion."
Mariin akong pumikit at napailing. Bumuntung hininga ako ng malalim.
"We can skip the topic." Narinig kong wika ni Andrew. "Miss Montes?"
Walang ganang nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Gusto ko sanang bumawi sa nangyari kahapon."
Natigilan ako. "Ba-babawi saan?"
"Sa nangyari. I asked Lance na ako na lang ang mag-to-tour sa yo sa bayan ng San Simon. Okay naman sa kanya."
Nanlaki ang mga mata ko. "Hah?!"
"Naikot ko na naman ang buong bayan so i can be help."
"A-ano?" Naguluhan naman ako. Tumingin ako kay Bianca na nakikinig lang. Then kay Andrew uli. "Wag na lang."
"O, ba't ayaw mo bigla? Di ba gusto mong mag-ikot sa bayan?" Ani Bianca.
Gusto ko nga. Pero...
Napangiwi ako.
"Kaya ko na yun." Aniko sa dalawa at pilit na ngumiti. "Makakaabala pa ako."
"Okay lang." Si Andrew iyong sumagot.
"Naku wag na! 'Di ba busy kayo sa trabaho? Sa Dreamscape? Okay lang kung hindi ako masamahan ni Lance. May ibang pagkakataon pa naman. Ako na lang ang bahala sa sarili ko. I'm fine. Really."
"I insist Miss Montes." Nagsalubong ang mga paningin namin bigla.
Sandali akong natigilan. Bakit ba ganito siya makatingin?
"No." Madiin kong wika.
"Com'on Rein. Nagmamagandang loob na nga si Andrew na samahan ka. Ayaw mo pa? Mabo-bored ka lang kung mag-isa kang namamasyal." Ani Bianca.
"Okay lang. I'm used to be alone."
"No one wants to be alone." Narinig kong wika ni Andrew.
Napalingon ako sa kanya.
"Gusto ko lang makatulong Miss Montes. I know i've been rude to you yesterday. Sana mabigyan mo ako ng chance para makabawi." Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Nahiya naman ako.
This is Andrew Escaner asking me sincerely. Hindi ko alam kung bakit, but pakiramdam ko may something.
Tumingin ako kay Bianca. "Kasama ka."
"Ugh!" Muntik ng masamid si Bianca.
*****
HINDI KO man gusto pero natutuwa na rin ako kahit papaano na makakagala ako sa San Simon. Napilitan na din si Bianca na sumama sa akin. No choice kasi siya.
No choice nga ba?
Napabuga ako ng hangin at nagsalubong ang mga kilay. Hindi ko alam ang dahilan pero bakit parang naiinis ako.
Naiinis ako. As in, inis na inis.
"Ahahaha.... magaling akong umakyat ng puno noong bata pa ako. We used to do that back on our province kasama ang mga pinsan ko. Ikaw din pala." Ang lutong ng tawa ni Bianca habang nakaupo sa may harap ng Land Rover. Nasa may passenger seat siya at ako, well, heto, sa likod nilang dalawa.
Lihim akong umismid sa sinabing iyon ni Bianca. "Magaling umakyat ng puno ng aratiles." Mahinang mahina kong bulong. Sabay irap sa hangin.
Oh, gosh!! Ano bang nangyayari sa akin?! Ang iritable ko.
"Oo. At palagi akong napapagalitan." Sagot ni Andrew. Nasa kalsada ang tingin niya kaya hindi ko knowing ang face reaction niya. Si Bianca kasi nakaside view ng upo at nakatingin sa gawi ni Andrew.
Natigilan naman ako.
May something sa dalawang ito. Something fishy. Humahalimuyak sa kalansahan.
Bigla akong nilingon ni Bianca. "Okay ka lang Rein?"
Medyo nabigla ako pero nakabawi naman agad. "Okay lang. Okay na okay." Hindi ko itinago ang pagkairita ko. Mababasa naman niya iyon. Umiwas na lang ako ng tingin.
Oh! Nandito pala ako. I exist! Akala ko invisible na ko eh. Tsk.
Gusto ko na ngang umuwi.
Napabaling tuloy ako ng tingin sa may labas ng sasakyan. Nasa property na kami ng Hacienda Monreal.
Matapos ang ilang sandaling pananahimik.
Tsk. Ako lang yung tahimik at sila hindi naman.
"Curious lang ako." Hindi ko na napigilang magsalita. Tumingin ako sa gawi ni Andrew kahit nakatalikod naman siya sa akin. "Paanong naging related ang mga Escaner sa mga Monreal?"
"Malayong pinsan." Sagot ni Andrew na hindi lumingon sa akin.
"Ahh..." umatras naman ako. Okay. Wala na akong sinabi.
"Malayong pinsan?" Si Bianca. "Paano?"
"Don Nicanor Monreal is my Grandfather's cousin. So his my grandfather also." Nakita ko ang ginawang mabilis na pagsulyap ni Andrew kay Bianca.
Napangiwi ako.
Ba't ganun?
Ni hindi nga niya ako sinulyapan kahit sa may salamin lang nung nagtanong ako. Pero si Bianca --- really?
Nakakasama ng loob. Tch. This is pissing me off. Sakalin ko kaya ito, once lang!
"Ganun pala." Tango naman ni Bianca at tumingin sa akin. "Alam mo na Rein."
Pinanlakihan ko ito ng mga mata. "Anong alam ko na?"
Hah?! Naguluhan ako.
"Alam mo na, as in alam mo na ang sagot sa tanong mo kanina. Ano ka ba Rein? Wala sa sarili?"
Hindi na ako nakaimik. Bahadyang napaawang ang labi ko sa gulat pero mas pinili ko na lang na manahimik.
Ako?! Ako pa wala sa sarili? Eh, parang non-existing identity nga ako dito? Ako pa? Ako pa talaga ang wala sa sarili?!
Gosh! Malapit na akong maubusan ng pasensya kay Bianca. Konti na lang, bingo na toh!
Haist. Buntung hininga. Kalma lang Rein. Kalma.
Nang marating namin ang malawak na manggahan ng Hacienda Monreal. Medyo nawala naman iyong inis ko. Konti lang. Since kasama ko pa rin silang dalawa.
Tss. Dapat hindi ako paapekto sa dalawang ito. Eh, ano naman kung nakaka-igehan sila. May Renz naman ako.
Ayun nga lang. Nasa malayo.
"Magandang umaga po Sir Andrew."
"Good morning."
Makailang ulit ko iyong narinig. Lahat ng makakasalubong namin na mga tauhan sa manggahan ay binabati ng ganun si Andrew. Siguro matagal na siyang nag-i-stay dito.
Wae?! Di halata.
Sa ganda at puti ng kutis niya. Well-built na katawan. Hindi siya mukhang probinsiyano kundi pang-model ng magazines. Anlakas ng appeal. Titig pa lang kikiligin ka na. I wonder kung anong pakiramdam kapag ngumiti na siya. Iyong totoong ngiti at hindi smirk o ngisi. Di kaya magta-tumbling ako sa tuwa?
Hala ka!!
Natigilan ako.
Talaga?! Bakit ganito ako mag-isip? Nagtataksil na ba ako? Oemgee!!
Gising Rein?! Gising?!
"Huy REIN?!"
Lumingon ako at napakurap nang mga mata.
"REIN?!"
Saka ko lang napansin na nasa harap ko na si Bianca.
"Hah?!" Saka ako natauhan. "Ahh ---"
Lumihis ang tingin ko mula sa mukha ni Bianca deretso sa lalakeng nakatayo sa hindi kalayuan sa bandang likod niya lang. Nagsalubong ang mga mata namin at agad akong pinamulahan nang mukha. As in, pulang pula.
Suminghap ako at ayun na naman ang malakas na pagtambol ng dibdib ko.
OmyGod!
"Ano bang nangyayari sa yo Rein? Kanina ka pa tulaley?" Kunot noong ai Bianca.
Hindi kumalas ng titig si Andrew kaya ako na yung umiwas nang tingin.
Sana kainin na ko ng lupa. Nakakahiya na talaga ang pinag-gagawa ko.
"Hi-hindi ako tulala. May iniisip lang."
"Sa akin ka pa talaga naglihim hah." Sarcastic na ani Bianca.
"I'm fine. May naisip lang ako bigla." Bumaling ako ng tingin sa ibang dereksyon. "Mukhang maganda dito." Sabi ko para maiba na yung topic tapos ay humakbang na ako paiwas. Nanginig ang tuhod ko sa unang hakbang. Pero nagpatuloy ako.
Why am I shaking?
*****