Page 5 - As If

2512 Words
Page 5             As if   *****   "Have we met before?"   "Yes. We've met before. Not so long ago." Marahas siyang napabuga ng hangin at napa-frown tapos ay umiwas ng tingin.   Nagkatinginan kami nina Lance at Nami. They seemed confused just like me.   Naguilty naman ako.   Nakaka-guilty talaga ang sitwasyon na ganito. Naaalala niya ako at siya naman ay hindi ko naaalala. Sa kahit sinong tao o sitwasyon na nararanasan ko ang ganito. Nagi-guilty talaga ako.   Haist. I always forget even names. Kainis.   Tinitigan ko siya saglit. Saan ko ba siya nakita o nakilala? Gwapo naman siya. Paanong makakalimutan ko?   Tch. Bakit ako magu-guilty? Mukhang hindi naman kami close. Kita, kanina pa nga kami nagpapataasan ng ere.   Haist.   Still.   "I'm sorry kung hindi na kita naaalala."   Napabuga ako ng hangin. Ayoko ng palakihin ang issue kaya nag sorry na ako.   Hindi ko man kasalanan at dala lang ito ng health condition ko pero i always apologize sa gantong sitwasyon. Dati. I opt to pretend na okay-okay sa akin ang lahat. Pero mahirap pa ring magpanggap.   Bumuka ang kanyang labi para sumagot pero napahinto ng biglang tumunog ang cellphone ko. Naramdaman ko pa nga iyong pag-vibrate nito sa loob ng maliit kong sling bag.   Natigilan kaming lahat at tumingin sila sa akin na parang may kasalanan akong nagawa.   "Excuse." Wika ko sa lahat at agad na kinuha iyong phone. Bigla akong napangiti ng konti ng makita ang pangalan ng tumatawag.   I was just thinking about him at eto na at tumatawag na talaga.   "Excuse hah." Tumingin ako kina Lance na nakamata naman sa akin. Tumayo ako sa kinauupuan at tumalikod sa kanila. In-answer ko yung tawag.   Tyak na magagalit si Renz dahil ang tagal kong sumagot. Ganun kasi siya. Kaya inunahan ko na ---   "Hi Babe!" Masiglang bungad ko habang humahakbang papalabas ng area kung nasaan kami.   Napangiti ako.   "Antagal mong sumagot."   Huminto ako sa may pinakaitaas na baitang ng hagdan na naroon. "I know. Sorry." I frown.   Overview sa harap ko ang bahagi ng manggahan. Napakaganda ng lugar mula sa pwesto ko at medyo natuwa ako.   Narinig ko ang buntung hiningang ginawa niya.   "Sorry na po babe. Busy lang. Pagagalitan mo lang ba ko?" Lihim akong napabuga ng hangin.   Sometimes i get tired of this. Masyado niya akong binibeybi! Hindi na naman ako baby!   Gusto kong isipin na protective lang siya o kaya ay nag-aalala pero minsan ang OA lang.   "No. I miss you. Alam mo naman na nag-aalala ako kapag hindi ka nakakasagot agad sa tawag ko. I'm sorry, babe. Sorry."   And then this part. I sigh.   "Okay lang. Naiintindihan ko." Ngumiti ako ng pilit kahit wala naman siya sa harap ko. "So? Any good news? Pauwi ka na ba?"   "I still can't tell, babe." Medyo kumalma na yung boses niya.   Nalungkot naman ako. "Hmmm... okay." Hingang malalim ko.   "Miss mo na ako?"   "Syempre naman. Ikaw ba?" Pinaglaruan ko iyong isang paa ko. Para ko iyong ikinukuyakoy habang nakatayo.   "I miss you more, babe. So hows San Simon?"   "Ahm...." Nabanggit ko nga pala sa kanya ng last na tawag niya na nasa San Simon ako. "Maganda. So far. So good. Hindi pa ko nakakalibot but i'm sure na maganda itong lugar."   "Ingat ka hah."   "I will. Sana nandito ka." Napakagat labi ako.   "I'll soon will."   "Sige. Take your rest, babe. I'll be fine here."   "Yup. Stay in touch, babe. I love you."   "Okay. Bye."   Then una akong nag-end sa call.   Muli, huminga ako ng malalim at mariing pumikit.. Bakit kaya pakiramdam ko ang lungkot ko pa rin?   Namimiss ko lang siya. Tama. Namimiss ko lang siya kaya ganito. Haist.   Pagpihit kong pabalik sa bahay ay nagulat pa ako ng mabungaran sa harap ko ang isang malaking bulto ng tao. Napaatras ako at muntik ng ma-out of balance, buti hindi ako bumagsak kundi gugulong ako mula sa doon pababa. Nasa twenty steps din yata yung hagdan ah. Agad akong nag-angat ng tingin at nakilala ang mukha nito.   Iyong masungit s***h mayabang na driver.   Ano nga bang pangalan niya? Hindi ko pa pala alam.   Nagkatinginan kami. Lumunok ako.   Narinig ko iyong malakas na kabog ng dibdib ko. No. I'm not sure if its my heartbeat pero nakakapagtaka. Kinabahan ako na hindi ko alam kung bakit.   "Are you done?" Malamig niyang wika. Mukhang hindi talaga siya pleased na makilala ako kahit kilala na niya ako.   Ang gulo nun!   Natigilan ako. "Hah?" Pinagsalubungan ko siya ng mga kilay. "Oo naman."   "Ihahatid ko na kayo ni Lance pauwi." Mahinang boses niya.   Pero nanatili pa rin kami sa ganung pwesto. Patuloy na nagtititigan.   May ilang segundo yata kaming ganun at late na ng marealize ko.   Hindi ko napigilang hindi mag-blush. May gumagapang na kung anong kuryente sa ugat ko at pilit kong nilalabanan ang kakaibang pakiramdam na iyon sa loob loob. Why do he have this effect on me?   "Ahm.... O-okay na ba si Lance?" Tsk. Napalunok ako dahil sa pag-piyok ng boses. "Amm... si Lance na lang ang ihatid mo. Magba-bike na lang ako." Sabay iwas ng tingin.   "No. I need to make sure you'll get home safe." Madiin niyang wika.   Umiiwas ako ng puwesto. Patigilid akong humakbang pakaliwa para umiwas. "I'm fine. Si Lance iyong nasaktan. Baka kailangan na dalhin pa rin siya sa ospital?"   Huminga siya ng malalim. "Minor bruises lang ang nakuha niya. It is not even life threatening." Aniya sa matigas na tono.   Nilingon ko siya at napakunot noo. "Galit ka?"   "Why would i?" Pero marahas siyang napabuga ng hangin.   He's mad. I can tell.   Pinagsalubong ko muli ang aking mga kilay. "Ewan ko. Bakit nga ba?"   "Hindi ako galit. I'm just --" huminto din siya sa sinasabi. "Nevermind."   Napangiwi ako.   Sasabihin na lang nambibitin pa. Napairap tuloy ako.   "Sasabihan ko na si Lance." Umiwas ako ng tingin at humakbang paalis.   Ewan ko. Ang weird. Hindi ko matagalan ang presence niya eh.   Huminto ako at bahadya siyang nilingon. Nanatili siyang nakatayo doon, nakatalikod mula sa akin. Bagsak ang balikat at nakayuko.   What's with him? I can see his holding into something. Ano kaya yun?   Tsk.   Why do i care? I don't even know him. Was it essential to know?   May ilang oras lang at naihatid na rin akong pabalik sa bahay. Nauna akong ihatid kasi mas malapit nga iyong tinutuluyan ko. Malapit lang sa Hacienda Monreal. Hindi na sumama sa paghatid si Nami o yung Rei Lee.   Pagbaba ko ng sasakyan ay nasalubong ko agad si Bianca sa may gate. Paalis pa lang yata ito pero parang nag-aabang na talaga sa amin.   "O, anong nangyari? Kakaalis niyo pa lang ah?" Takang taka siyang nagtanong. Napabaling ang tingin niya kina Lance at dun sa kasama namin habang ibinababa nito iyong bike ko.   "Naaksidente si Lance." Mahinang ani ko. Sumimangot pa ako. It wasn't a good day, obviously. Hindi ko nagawa ang dapat kong gagawin. Nakaabala pa ako at nag-alala.   This vacation is uncontrollable.   "Yan na nga bang sabi ko!" Parang nanay siya kung maka-react. "Nasaktan ka ba?"   "Si Lance nga yung nasaktan."   Inilagay ni Lance iyong bike sa gilid nang gate.   "Lance okay ka lang?" Nag-aalalang tanong naman ni Bianca dito.   "Okay lang po." Ngiti ni Lance.   Tumayo ako sa tabi ni Bianca. Pag-angat ko ng tingin ay nasalubong ko agad iyong tingin nung lalake.   Lagi siyang nakatingin sa kin. Nakaka-alarma na. Para siyang stalker.   "At --" napatingin si Bianca dun sa lalakeng kasama namin.   Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.   "Andrew? Ikaw?"   Bigla akong napatingin kay Bianca ng sabihin iyon. Napaawang ang labi ko sa gulat at may mabilis na kuryenteng dumaloy sa ugat ko.   Andrew?   My heart jumped in place.   "You know him?" Hindi ko mapigilan ang pagtataka ko. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila.   Nagtataka ding tinignan ako ni Bianca. "Hindi mo ba siya nakilala?"   "Hi-hindi." Mahina kong wika.   "Kilala ko siya dahil naging kliyente ko siya. Pero hindi siya yung patient. Matinong matino naman siya." Sagot ni Bianca.   "Salamat naman at ganun pa ang tingin mo sa kin Doktora." Malamig na wika nung Andrew.   "Ahh..." kumunot ang noo ko at napatingin sa gawi ni Andrew. Medyo weird nga siya eh.   "Kanina pa kayo nagkita pero hindi mo man lang natanong?" Sita sa kin ni Bianca.   Lumingon ako at nginiwian siya. "Sorry. Makakalimutin eh."   Umiling si Bianca.   "Its okay, Bianca. Unfortunately, ako yung naka-aksidente kay Lance pero okay na. I just came here to make sure they'll be home safe." Ani Andrew.   Matiim ko lang na itinikom ang bibig ko. Ano pa bang sasabihin ko? Eh, sila na ang magkakilala. Ako na OP.   "Ah, ganun ba?" Tumango si Bianca.   "Anyway, i have to go. Ihahatid ko pa si Lance." Umatras na siya at mabilis na sumulyap muna sa akin bago bumalik sa kotse.   "Okay." Tango naman ni Bianca at ngumiti.   "Ate. Sorry." Si Lance. Lumapit siya sa kin.   Pilit akong ngumiti. "Okay lang. Mukhang sa ibang araw na lang natin ituloy ang plano."   "Oo nga po. Sorry po talaga."   Pilit akong ngumiti at tinapik siya sa balikat. "Okay lang. Sige na. Uwi ka na at magpahinga."   Saglit pa ay nakaalis na sila. Nanatili naman kami ni Bianca sa may tapat ng gate at nakatingin sa daan kahit wala na sa tanaw namin iyong sasakyan.   "Sino yung Andrew?" Nakatingin ako sa malayo.   The name was familiar but i don't know.   "Siya? ANDREW ESCANER."   Napasinghap ako sa gulat then agad napalingon. "ESCANER? Escaner yun?!"   "Oo. Di mo naaalala kasi." Tinalikuran niya ako at pumasok na sa bahay.   Sinundan ko siya ng tingin. "Hindi nga? SERIOUS?"   *****   Buong gabi kong hindi tinantanan ng tanong si Bianca. I was all curious.   Bakit nandito ang isang Escaner?   Bakit magkakilala sila ni Bianca?   Who is this Andrew Escaner?   Maraming naglalarong tanong sa isip ko and somehow ay ipinaliwanag sa kin ni Bianca ang ilang bagay.   Nalaman ko lang na ang M.E. Construction pala ang may hawak sa project ng Dreamscape Residences. Si Andrew Escaner ang bagong COO ng ME Construction na under ng ME Group of Companies. It was the pioneer company. Aside pa roon ay owner din sila ng nasabing properties. Ang yaman talaga nila. They can make an empire soon.   I am also under the company. Elite is under ME Group of Companies. So meaning, higher boss ko yung Andrew Escaner bukod sa apo siya nang may-ari nang kumpanya.   Okay. Right.   Siya din ang Second Heir ng mga Escaner so hindi siya biro-birong tao. At talaga?! Sinungitan ko pa siya nang ganun?!   Napabuntung hininga ako ng malalim at mahaba.   Bakit pa ang tactless ko nitong mga nagdaang araw? Imbis na marelax ay nai-stress pa yata ako? Haist.   Akala ko pa naman ay makakalayo na muna ako sa anino nang Elite at ng M.E. but i guess not? May Escaner heir din pala sa lugar na ito.   Gosh!   Malaki naman ang Pilipinas ah. Wala na bang ibang place for them?   Was that my opinion to say?   Humalukipkip ako habang nakaupo sa ibabaw ng kama.   "Well, wala naman akong atraso sa kanya di ba? Why would i worry?" Tumango tangong wika ko sa sarili. "Tama. Hindi dapat ako nagpapa-apekto. I just need to be casual around him. No other than that." Tango uli. I released a long deep sigh bago umaayos na at nahiga para matulog.   *****   HINDI siguro umaandar ang alarm clock ko.   Naka-set kasi iyon ng 6:30 am. Pero 7:00 am na ng umaga ngayon. Ngayon lang ako nagising.   Anong nangyayari?   Nasasanay na yata ang katawan ko sa mabagal na takbo ng buhay probinsya samantalang nakakailang araw pa lang ako dito.   Nang bumangon ako mula sa kama ay nakadama ako ng panunuyo nang lalamunan. Hindi ako masyadong nag-aalala sa mga kilos ko sa loob ng bahay. Kami lang naman ang narito ni Bianca eh.   Lumabas na muna ako ng room. Naka-one piece cotton pajama naman ako na may malaking mukha ni Spongebob. Favorite syempre. Hanggang tuhod ang haba nito. Katulad lang nang nakasanayan ko sa bahay namin sa Manila. Komportable kasi ang tela nito at hindi mainit. Saka, wala naman akong dapat ikabahala kasi puro babae naman kami sa bahay.   Katulad dito. Kami lang ni Bianca ang magkasama.   Nakapikit ang isang mata at humihikab pa akong naglakad papunta sa may kusina nang bahay. Dinaanan ko lang iyong empty na salas at dining area. Connected kasi iyong dalawang area, walang divider na naghihiwalay, malaking space lang.   I think gising na si Bianca at nasa somewhere nang bahay.   Maaga kasi yun kung gumising.   Deretso sa kusina. Kumuha ako ng mataas na baso at maiinom sa loob nang isang medium size na refrigerator. Panay pa rin ang hikab ko and half open ang nga mata.   Refreshing ang sarap nang water sa lugar na ito. Hindi ko maikumpara sa ibang lugar.   Pupungas pungas pa ako ng mga mata habang papalabas nang kusina after. Nasa isang kamay ko pa rin iyong baso na may tubig. Uminom muli ako habang naglalakad at pagtungtong ko sa salas napahinto ako.   Eto ba yung moment na .... lulunukin ko na sana iyong water na nasa bunganga ko. Tapos natigilan. Nanlaki ang mga mata at ---   Sht!!   Iyong water sa bunganga ko, imbis na mabuga ko sa gulat ay nalunok ko ng deretso, nagkasamid samid ako.   "UGH!" Napasapo ako sa dibdib ko sa biglaang reaksyon. Sumakit ang lalamunan ko at sunod sunod akong napa-ubo.   "Hey! Are you okay?!" Humakbang siya palapit sa pwesto ko pero agad akong nag-angat ang kamay to gesture na wag siyang lumapit. Napahinto naman siya sa paglapit half way.   Shet! What the hell ----?   Huminga ako ng malalim. Napatakip ng bibig. Nang makabawi ako mula sa pagkabigla ay agad akong nag-angat ng tinginat nakita itong nakahalukipkip sa kinatatayuan. Matiim na nakatitig sa akin.   Napalunok ako at nang mag-connect ang mga mata namin at isa isang nabuhay ang mga paru-paro sa sikmura ko.   "Ikaw?! A-anong ginagawa mo dito?" Bulalas ko habang nakatingin sa mga mata niya.   Hindi ko mai-describe ang kulay niyon. Parang black or brown. Malayo kasi. Kapag malapitan kaya anong makikita ko?   Tumaas ang isang kilay niya pero wala siyang sinagot sa tanong ko.   I saw how he stared and scanned me. Slowly.   Dahan dahan nanlaki ang mga mata ko.   Pinasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa then mula paa hanggang ulo. Tapos ay napa-frown siya na parang sobrang nadis-appoint sa nakita.   Laglag panga ko.   Potek!!   I gasp in horror!   Bigla kong pina-cross ang mga braso ko sa tapat nang aking dibdib at namula ang buong mukha nang sobrang sobra. Wala kaya akong suot na bra!   "HOW DARE YOU!?" Sigaw ko sa kanya.   Umarko ang makakapal niyang kilay. Dalawang kilay. Then, nakita ko ang bahadyang pag-arko ng sulok nang labi niya. Inangat niya ang kanyang isang kamay at inilagay ang hintuturo sa ibabaw ng ibabang labi.   He smiles. No. Its an evil smirk.   Pakshet!   Tila nayanig ang buong sistema ko at gumapang ang napakakakilabot na kuryente sa katawan. Mula sa dulo ng daliri ko pataas at nagbigay ng matinding init sa mga cheekbones ko.   "PERVERT!! DON'T LOOK!!"   Bigla akong napatakbo sa pabalik sa kwarto pero narinig ko iyong huli niyang sinabi bago ako nakalayo at lalo iyong nagpa-init ng ulo ko.   "As if may makikita?"   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD