Page 4 - I know you

2422 Words
Page 4             I know you   *****   Kinabukasan.   "Are you sure okay ka na?" Nakasunod sa akin si Bianca habang nakaalalay naman ako sa bisikletang hawak ko. Nasa labas na ng gate si Lance at naghihintay sa akin.   "I'm sure okay." Bahadya ko siyang nilingon. "Safe naman ang San Simon di ba?"   "Oo nga." Tango niya.   Ngumiti ako. "Hi Lance." Bati ko ng nakalabas na kami ni Bianca ng gate.   "Good morning po." Nakangiting bati ni Lance.   "Lance bantayan mo si Rein." Agad na bilin ni Bianca.   Tinapunan ko ito ng masamang tingin. "Masyado ka."   "I'm just worried. Lapitin ka kasi ng disgrasya."   "Oh, sorry naman at pinag-aalala kita masyado." Simangot ko.   "Oo totoo yan." Ismid ni Bianca.   "Okay lang po doktora. Safe po ang San Simon. Saka, dadaanan po namin iyong isa ko pang kaibigan para may kasama pa po kami." Nakangiting wika ni Lance.   "Naku Lance, wag kang matakot dyan kay Bianca. OA lang talaga yan." Iling ko.   Wala na rin namang nagawa si Bianca. Hindi din kasi siya pwedeng sumama sa pupuntahan ko dahil may iba siyang lakad. Sabi niya.   "Saan ba nakatira ang kaibigan mo, Lance?" Medyo mabagal lang ang pagbibisekleta namin ni Lance. Hindi sementado ang daan pero patag na lupa naman. May ilang lubak na part pero okay lang. Magkasabay kami sa pagba-bike.   "Malapit lang po dito. Pero ngayon po kasi nasa Hacienda siya kaya doon po tayo dadaan."   "Hacienda? May hacienda dito?"   "Opo. Yung Hacienda Monreal. Matandang hacienda na po iyon. Sila po ang kilalang pamilya dito. Sila din yung namamalakad ng nag-iisang school dito."   "Ahh...." tango ko. Hindi ko in-expect na meron pa pala sa lugar na ito ng ganun. Iyong Hacienda Luisita lang naman ang kilala ko.   "Yung mga mangga po na dinala ko sa inyo. Sa hacienda po yun galing. Masarap po yun di ba?"   "Oo nga. Sobra."   "Liko po tayo dito." Aniya saka nagmaniobra na paliko. Nakasunod naman ako sa kanya at nakita iyong malaking arch sa itaas. Gawa sa bato ang arch at may nakasulat na malaking Monreal.   Grabe. Feeling ko nagta-travel back in time ako nito. Throwback ang peg.   Unang sumalubong sa bungad iyong matataas na puno sa magkabilang gilid ng daan.   Hindi nga ito malayo sa tinutuluyan namin ni Bianca. Ilang kanto lang ang pagitan at hindi ko talaga ito inaasahan.   Magkakaroon na rin ang San Simon ng exclusive na subdivision. Mukhang magandang lugar nga ito for residence.   Mababait pa ang mga tao.   "Siguradong mag-eenjoy po kayo sa pamamasyal dito, Ate Rein." Nakangiting wika ni Lance. Nauuna siya sa akin at medyo nilingon ako ng tingin.   "Oo naman." Iyong mga mata ko ay abala sa pagligid sa tanawin. "Sino ba yung friend mo na pupuntahan natin?"   "Bestfriend ko po. Nakatira po siya malapit sa hacienda. Nagtatrabaho po kasi ang mama niya sa manggahan."   "Ah." Ngumiti ako. "Girl friend ba yan?"   "Hah?!" Nagulat ito. "Hindi ko po girlfriend." Agad itong pinamulahan ng mukha.   Natawa ako. "I mean, girl na friend."   "Ah... tama po." Tawang mahina niya.   Magsasalita pa sana ako kasi nag-eenjoy na kong kulitin siya at sa view ng paligid. Nae-enjoy ko yung simoy ng malamig na hangin at mahihinang huni ng mga ibon.na masarap pakinggan sa pandinig.   Biglang....   May sumulpot na malaking sasakyan sa intersection ng daan sa side ni Lance at ang bilis na lang ng mga sumunod na nangyari.   Hindi ko din namalayan na may paparating pala na kotse kasi natatago ito sa mga matataas na puno. Bigla akong napapreno at muntik nang matumba sa gilid ng daan habang si Lance ay tuluyang sumemplang mula sa bisikleta at bumagsak sa lupa.   Ang bilis lang ang nangyari. Isang kurap lang. One moment, maayos pa kaming nagba-bike then namalayan ko na lang na may aksidente na.   Huminto naman agad iyong itim na kotse na nakita kong pick-up truck style. Ako naman, nagpanic na.   "Oh GOD?!" Mabilis akong huminto at bumaba, ibinagsak ko iyong bike at patakbong dinaluhan si Lance. "Lance?! Okay ka lang?!"   "Ate Rein?" Marahan itong tumayo at inalalayan ko naman siya.   Napansin ko agad iyong gasgas sa siko at tuhod niya.   "May sugat ka! Oh my God! May masakit ba hah?! Are you okay?" Sinipat ko siya ng tingin habang nakahawak sa braso niya. Tin-check ko rin ang ulo at noo niya kung may injury. "Magsalita ka Lance?"   Tsk. Mukhang tama si Bianca. Takaw disgrasya nga ako.   Napangiwi ako ng sobra.   "Okay lang po. Okay lang." Pilit na ngumiti si Lance kahit halata naman sa mukha na may iniinda itong sakit.   "Okay lang ba kayo?"   Sabay kaming napalingon ni Lance nang marinig ang baritonong boses na iyon.   Automatic. Natigilan ako at natulala. Biglang may kung anong bagay na kumirot at bumundol sa dibdib ko pero saglit lang. Napasinghap ako at bahadyang napaawang ang labi sa gulat.   Hindi ito ang panahon para matulala pero --- nakakatulala talaga ang nakikita ko.   How can i describe him?   Para siyang Greek God na nasa lupa, iyong face features niya, very exceptional. Matangos ang ilong, makapal na kilay, kissable lips. Marami na akong nameet na gwapo pero ibang iba ang dating niya. Nalaglag yata ang puso ko.   Oopps! Pulutin Rein. Taken na yan.   Lihim akong napasinghap habang nakatingin sa kanya hanggang sa makalapit na ito ng husto sa amin.   Umatras ako ng isang beses.   Aminin ko man o hindi. Ang lakas ng appeal niya. Feeling ko nga masarap siyang yumakap.   Napakislot ako.   Yumakap Rein?! Seriously?   Nagkatinginan kami at agad kumalabog ang puso ko.   Nag-init ang mga pisngi ko at napaiwas ng mga mata.   Nakatingin din siya sa akin. Matagal. Hindi ko maipaliwanag ang tingin niya kasi napakalalim niyon. Matiim na titig na para bang kilala niya ako o kilala ko siya.   "Anong nangyari?"   Saka ko lang napansin iyong isang binatang nasa likod nito. Papalapit din.   Nahimasmasan ako bigla.   Huminga ako ng malalim at bumaling ng tingin sa unang lumapit sa amin. Yung gwapong lalake. "Ikaw ang driver?"   "Yes." Malamig niyang sagot. Matiim pa rin siyang nakatitig sa akin. Gusto ko na tuloy magpakain sa lupa dahil sa paraan ng pagtitig niya.   Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan kung bakit.   "Hindi ka ba marunong mag-drive?" Pinilit kong langkapan ng galit ang tono. Kahit ang hirap. Nakakatulala kasi ang ka-gwapuhan niya. Ang tangkad pa. Nagmukha tuloy akong duwendeng nakatingala sa kapre. Nakakaintimidate.   "I wouldn't be on the driver seat if i don't drive." Bahadyang dumilim ang mukha niya.   Oh! Iningeles niya ako?! Di rin antipatiko ang isang ito.   "Well, malay ko ba?! At malay ko ba kung sa pinanggalingan mo, barumbado kang magdrive. Hindi mo alam ang nangyari? Muntik mo ng mapahamak ang kasama ko!"   "Mabagal lang ang takbo ko. It was an accident. Hindi ko naman napansin na may dadaan."   Bahadya akong natigilan. Kung sabagay. Kami rin, hindi namin napansin. Pero bakit naman ako magpapasindak sa kanya? Matangkad lang siya.   Pinag-taasan ko siya ng isang kilay. "So? Kasalanan pa namin?!"   Napapiksi siya at halatang pigil ang inis o galit.   Oh, well! Siya pa galit!   "I said it was an accident." Aniya na halos hindi naglalayo ang mga ngipin habang nagsasalita. "It wasn't anyones fault."   "Ate Rein. Oo nga. Aksidente lang naman po yun. Okay na." Ani Lance.   Nilingon ko si Lance at nakita na assuring look na sinasabi sa aking okay lang siya. Pero hindi ako okay.   Aba! Naunahan na ko ng ere ng lalakeng ito eh! Hindi dapat ganun. Ako man ang mali o siya man. Dapat apology pa rin muna. Nasa'n na ang chivalry sa mundo?   Muli kong tinignan ng masama iyong lalake. "Kahit aksidente pa yun. He should atleast apologize first."   "I'm sorry." Pinagsalubungan niya ako ng makakapal niyang kilay. "Yun lang ba ang kailangan mo para mapatawad ako?"   Napamaang ako. Natulala at kinilabutan.   Bakit parang may kakaibang feeling iyong sinabi niya? May laman ba? Ah, ewan! Nakakainis talaga!   Lumunok ako at marahas na napabuga ng hangin. "Magso-sorry ka rin naman pala! Pero hindi ka dapat sa kin magsorry. Hindi naman ako ang nasaktan dito."   "Sabi mo magsorry ako then ayaw mong tanggapin?" He sarcastically sighs.   "Alam mo! Yung sorry mo, pilit! Kung ganyan ka din naman pala magsorry better pang hindi mo ginawa!"   "What?!" Bulalas nito.   Tinalikuran ko ito at bumaling kay Lance. "Tara na Lance. Sa ibang araw na lang natin gawin ang gagawin natin. Mas importanteng madala kita sa ospital."   "Ate Rein?!" Biglang bulalas ni Lance.   "Wait!" Narinig kong pigil nung lalake atsaka ako hinawakan sa wrist para mapigilang makaalis.   Mabilis na dumaloy sa ugat ko ang isang nakakakilabot na kuryente. Mula sa palapulsuhan kong hawak niya paakyat sa mukha ko. Napasinghap ako at tumingin sa kanya. Agad ding nagkonek ang mga mata namin.   "I'm sorry, okay. It's my fault." Tumingin siya kay Lance na may sincere look. "I'm sorry."   "O-okay lang po." Alanganing sagot ni Lance. Parang ito pa ang nahiya.   "Bitiwan mo nga ako!" Marahas kong hinila mula sa kanya ang kamay ko at tinitigan siya ng masama. Napaatras ako.   Ano ba yung nangyari?   Dama ko iyong pag-init ng pisngi ko. Bakit kaya?   "Sorry." Aniya ng muling tumitig sa akin. Huminga siya ng malalim. "Here. Let me make it up to you. To both of you, i mean."   "Malayo pa po ang ospital dito. Mas maganda kung sa hacienda na lang muna tayo dumeretso para mabigyan siya ng first aide." Anang kasama nito.   Tumingin ako dito at napakunot noo. He look authorative kahit bata pa siya.   "Ah, salamat po Sir Rei sa offer. Pero okay naman po ako." Ani Lance. Liningon ko ito at ngumiti siya sa kin. "Okay lang po talaga ako Ate Rein."   "You don't look okay to me." Iling ko.   And I am not okay also.   Isinampa na lang namin sa pick up truck iyong mga bike na dala namin at doon na rin kami sumakay. Napabilis tuloy ang dating namin sa pinaka main house sa loob ng hacienda.   Nang dumating kami sa mansyon ay sakto naman na may dalagang papalabas mula doon. Na-agaw nito ang pansin ko, ewan ko kung bakit. Kaya lang nung makita nito kami na bumaba mula sa pick up ay natigilan ito at agad sumalubong sa amin.   "Lance? Anong nangyari?" Sumalubong agad ito kay Lance.   Bahadyang tumaas ang kilay ko.   Malamang, eto na yung bestfriend na sinasabi ni Lance.   She is simply beautiful. Simpleng simple lang talaga ang ayos at itsura.   "Okay lang ako, Nami." Nakangiting ani Lance dito.   "Sa loob na tayo." Narinig kong wika nung kaninang tinawag na Sir Rei ni Lance. Lumingon lang ako.   He must be the owner's son or something. Hindi ko pa alam.   Nang mapabaling ang tingin ko sa driver nung sasakyan ay sumama na naman ang mukha ko.   He was looking at me intently.   Inirapan ko nga.   "Nami, paki-ready ng first aide kit." Ani Rei in authorative tone.   Medyo nagulat iyong girl pero nakabawi din naman agad. "Sige po Sir."   NAKATINGIN LANG ako habang maingat na ginagamot ni Nami iyong mga sugat ni Lance. Ang cute nilang tignan, sa totoo lang. Namiss ko tuloy si Renz.   Ganito din kasi si Renz. Sweet at maalaga. Maalalahanin at sobrang protective. Minsan napapaisip na lang ako kung bakit siya ganun. Para bang laging may kinakabahala. Siguro ganun siya magmahal.   Haist.   I never question his work. Nang sabihin niyang kailangan muna niyang naiwan sa ibang bansa, I accepted it coolly. Siya nga yung medyo aligaga sa pag-uwi ko na hindi siya kasama.   I wanted a mature relationship with him. Knowing na nanggaling din naman siya sa as matagal na relasyon, inaasahan ko na mas malawak ang pang-unawa niya sa relasyon. But it was different.   Parang may hinahanap ako na ewan.   "Classmate din ba kayo?" Tanong ko habang nakamasid sa kanila.   Nakaupo ako sa harap ng mahabang mesa at nakapatong ang mga siko roon. Nasa kabilang side naman sila. Si Rei, as I heard Lance called him, ay nakaupo din may dalawang pagitan ng upuan mula sa akin at iyong lalakeng driver naman ng kotse ay nakatayo sa gilid sa may side nina Lance. Nakabaling ang mukha nito sa pwesto ko.   May ilang beses ko nga siyang nahuling nakatingin sa kin.   Hindi pala. Mukhang nakatingin lang siya sa akin.... the whole time.   Tsk. Nakakakaba. Gusto ko ng dukutin ang mga mata niya kasi nakaka-ilang na talaga siyang tumitig. Ano bang kasalanan ko sa kanya? Parang pulis siyang nakamasid sa akin at nag-aabang sa kung anong gagawin ko.   Potek! Bakit ba naiirita ako sa kanya?   Iniiwasan ko na lang na mapatingin uli sa pwesto nito.   "Hindi po kami classmate. Mas matanda po ako kesa kay Nami." Sagot ni Lance.   Napatango ako. "Ah. I see. Magkababata kayo?"   "Opo." Tango ni Lance.   "Wow! Ang sweet niyo namang magfriends." Nginitian ko sila na parang nanunukso.   "Si Ate Rein! Yan ka na naman, ah." Nakatawang iling ni Lance. Si Nami naman ay nablush pero hindi nagsalita.   Oh, this is young love. Natawa na lang ako. "Wala naman akong sinasabi ah."   "Ang hilig mo ring gumawa ng issue."   Gulat akong napatingin sa nagsalita at nawala ang ngiti ko.   It was him. Iyong driver ng car kanina. He was still looking at me at ngayon ay sobrang lalim ng titig niya.   "I'm not making issues. Tinatanong ko lang sila eh." Matigas kong sagot. Naiinis na kasi ako. Kanina pa.   "Dahil nako-curious ka? Isa iyon sa nature ng trabaho mo di ba? Kayong mga writer? Ang maghanap ng issue sa buhay ng ibang tao?"   Wow! Parang tsismosa lang ang dating. Ganun ba ang tingin niya sa mga journalist na tulad ko?   "Writer ka Ate Rein?" Sina Lance iyong nagulat.   "Yes and no. I'm a journalist." Pilit akong ngumiti at mahinang tumango ko sa kanila. "Pero hindi ako yung tipong naggagawa ng chismis. I write by facts."   Tinapunan ko nga ng matalim na tingin iyong lalake.   Pasalamat siya matangkad siya!   Wait lang. Panu niya nalaman ang trabaho ko?   "How did you know....?"   Ngumisi siya at agad sinansala ang sinasabi ko. "Rein Montes. Travel and Article writer from Elite Magazine. She also has one published book under the sister company of Elite and still now one of best selling book author." Deretsong wika nung lalake.   Nagulat ako. Nagulat din sina Lance at Nami.   How does he know me? Hindi naman ako ganun kasikat ah. Siguro sa pangalan pwede pa.   Tumaas ang kilay ko sa pagtataka. "You know me?"   "I know you very well." Pailalim niya akong tinitigan. "So damn well."   Napasinghap ako. "Panu nangyari yun? Who are you?" Kilala niya ako. Ibig sabihin ay kanina niya pa ako kilala. "Have we met before?"   "Yes. We've met before. Not so long ago." Marahas siyang napabuga ng hangin at napa-frown tapos ay umiwas ng tingin.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD