Page 3 - Suitor

2393 Words
Page 3             Suitor   *****   Katulad nga ng inaasahan ko.   "Huy! REIN MONTESA?! REIN!"   Huminto ako sa paglalakad at lumingon. In instance hindi ko napigilang hindi matawa.   "Pusang gala ka talaga!" Humihingal siyang huminto, may mga limang hakbang siguro ang layo namin sa isa't isa.   Tinawanan ko na talaga siya. "Anyare Bianca?! Dalian mo naman." Pabirong sigaw ko sa kanya.   Nakayuko siya at nakatukod ang mga kamay sa tuhod. Tagaktak ang pawis sa noo niya at todo hingal.   Hinihingal na rin ako sa paglalakad. Napaka-init naman kasi at ang tanging dala namin na panangga sa sikat ng araw ay sombrero. Kaya pala medyo nangitim na si Bianca.   Humakbang na akong papalapit sa kanya. "Pahinga na tayo."   Nagtaas siya ng tingin at ngumiwi. "Talaga? Ngayon mo lang naisip sabihin yan? Nakakainis ka."   Natawa ako ng mahina. "Ako pa kasi ang hinamon mo sa lakaran? Like, gawain ko na yun since bata pa ko."   "Oo. Ikaw na. Ikaw na nga." Humakbang siya papunta sa gilid ng daan kung saan may isang malaking puno at may malaking lilim. Naupo siya sa isang nakausling malaking ugat noon at nagpamaypay. May bitbit kasi siyang malaking pamaypay. "Pamatay ang init!" Bulalas niya pa.   Naiiling na nangiti na lang ako. Lumingon ako sa paligid at napansin iyong kahoy na railing sa kabilang gilid ng daan. Lumapit ako dun at tinignan kung anong meron.   Nasa mataas na lugar na pala kami. Napa-inhale ako ng maraming hangin.   Ang ganda ng scenery. Tanaw na tanaw ko ang kapatagan ng San Simon. Iyong magaganda at malalawak na luntiang mga palayan. Napangiti ako.   "Lahat ng naaabot ng tanaw mo, sa akin yan."   Bigla akong napalingon at nasalubong ko agad ang mukha ni Bianca. Nakangisi.   "Haha. Kalokohan mo!" Natawa na naman ako.   "Hahaha.... ang ganda di ba? Meron ba nyan sa ibang bansa?"   Nginitian ko siya. "Meron naman. Minsan nakakahigit sa iba. Pero lahat ng lugar na bago pa lang sa paningin ay maganda." Agad kong inangat ang nakasukbit na DSLR sa leeg ko. Maliit lang iyon, hindi iyong kasing high tech ng kay Renz. Pero tinuruan niya ako kung paanong kumuha ng mga magagandang pictures. Pang sarili ko lang.   "Pero iba pa rin talaga pag sariling bansa mo ang ini-explore mo di ba? Aminin."   "Oo. Oo na." Nakangising sagot ko. Kumuha ako ng ilang pictures at napahinto. Napatingin ako sa isang bahagi ng San Simon. "Ano yung meron dun?" Saka ko ituro iyong nakaagaw ng pansin ko na lugar.   Sinundan naman ng tingin ni Bianca iyong itinuturo ko. Kumunot noo pa siya at nagtakip ng mata kasi nakakasilaw iyong liwanag. "Oh?"   "Yung malaking building? Building ba yun o bahay? Can't tell." Kunot noo ko.   "Ah! Yun ba?" Ngumiti siya. "Yung clubhouse ng Dreamscape Residence yan. Bagong subdivision. Nadaan mo yan nung papunta dito."   "Ang lawak naman nyan." Totoo. Ang lawak ng sakop ng lugar kasi tanaw ko iyong mga mataas na bakod na niyon ay may bahagi pa nga na matataas at makapal pa yung mga puno. "Mayaman siguro may-ari niyan."   "Hul!" Mabilis na bulalas ni Bianca. "Ano naman kung mayaman? Lahat ng nasa real estate business ngayon ay yumayaman."   "Sabi ko lang. Kilala mo ba kung sino ang may ari nun?"   "At bakit?" Salubong kilay.   "Wala." Kibit balikat ko.   Bigla niya akong hinampas sa balikat. "Hanggang dito magpapaka-paparazzi ka. Tigilan mo yan! Nandito ka para magrelax at i-enjoy ang lugar. Pagagalitan ako ng Mama mo nyan eh."   Sumimangot ako. "Hindi naman ah."   "Iniisip mo pa lang alam ko na. Ikaw pa. Workaholic ka masyado." Sabay ismid.   "Ako lang ba? Kaya ba nandito ka rin sa magandang place na toh at nag-bo-volunteer work. Like, sino kaya ang mas workaholic sa atin dalawa?!" Mahina ko siyang itinulak sa balikat.   "Ah!" React siya kaagad. "Gumaganti ka?!"   "Ay! Hindi. Hindi." Iling ko saka tumatawang umatras palayo sa kanya.   "Huy!"   "Ayokong lumapit sa yo. Sinasaktan mo ko." Nakalabing ani ko at tumalikod na para maglakad uli.   "Sinaktan ba kita? Ikaw nga yung nanulak." Nilingon ko siya saglit at nakita na naiiling na siyang nakasunod sa kin. Natawa na lang ako.   *****   Isang maliit na community ng mga katutubo ang naabutan namin sa itaas ng bundok na nilakad namin. Sulit naman dahil sinalubong kami ng mainit na welcome ng mga tao doon. Pati iyong team na sinasabi ni Bianca, natuwa nung makita kami. Hindi lang naman ang mag-explore ang ginawa ko. Tumulong din naman ako sa kanila at nakakatuwa talaga na makatulong sa iba. Kahit strangers. Kahit hindi ko naman ito trabaho. At nakaka-inspire talaga ang mga smiles at pasalamat ng mga taong kahit hindi mo personal na nakausap ay na-appreciate ang tulong mo.   Bow.   Bagsak kami pareho ni Bianca pagka-uwi sa bahay. Kaya ang sarap nang tulog ko nang gabi na.   Maganda na sana.   "You lie to me."   Saka sinundan ng mahihinang hikbi.   Napasinghap ako sa kadiliman. Wala akong makita na anuman maliban sa dilim. Kailan pa naging visible ang dilim? Hindi ko maintindihan.   "You just used me." Iyong boses uli ng babae. Punong puno ng hinanakit at sakit ang tono niya. Parang ang tindi ng paninisi niya sa kung sino man ang sinasabihan niya nun.   I felt shivers in my veins. Tumulay iyon hanggang sa dulo ng mga daliri ko. Nakakakilabot.   Patuloy siya sa paghikbi. Mahihinang hikbi na pabigat ng pabigat sa kalooban.   "I hate you! I hate all of you! Lahat kayo! Lahat kayo niloko niyo kong lahat. Niloko niyo ko!"   BIGLA akong napabalikwas ng upo.   Hingal na hingal ako at naninikip ang dibdib. Suminghap ako ng malalim at napasapo sa dibdib kong kay bilis ng pagkabog.   What the hell is that?!   Napahawak ako sa noo ko at saka ko nadama iyong gabutil ko na pawis. Anlamig.   Marahas akong napabuga ng hangin.   Paweird ng pa-weird ang mga panaginip ko. Pasama din ng pasama.   Sino naman kaya ang babaeng umiiyak na iyon? Sino naman ang kaaway niya? O ano yung tinutukoy niya?   Niloko? Sinong niloko?   Pabagsak akong nahiga. Nakatihaya't nakatingin sa kisame. Ipinatong ko ang braso ko sa noo ko at bumuntung hininga ng malalim.   "Kailangan ko na yata ng psychiatrist." Mariin akong pumikit.   Dahil doon ay naging mababaw na ang tulog ko. Kaya naman, nag-aagaw pa ang dilim at liwanag sa labas ay bumangon na ako mula sa higaan. Hindi na ako makakatulog.   Tahimik akong lumabas ng silid at ng bahay. Sa may back door ako dumaan. Nakakita ako ng isang kawayang papag sa may likod bahay, nasa ilalim iyon ng isang malaking punong bunga. Ito siguro ang nagbibigay lilim sa papag kapag katirikan na ang araw. Naupo ako roon. Pa-indian seat at tumingin lang sa kabuuan ng bahay.   And then, it sink in me.   "Haist. Mabuti pa talagang may trabaho." Bulong ko na lang sa hangin.   I've been working all my life. Mukhang mas mahihirapan akong magadjust kung ganitong tatambay lang ako.   Kaya lang.....   Wala talaga akong maisip na gawin sa lugar na ito. Matutulog, kakain at gagala lang ba ako dito? Seriously? Hindi productive.   Huminga ako ng malalim.   "Hindi ako makakatiis sa lugar na ito."   I need to do something. Like, anything.   Umalis ako sa pwesto ko at bumalik sa loob ng bahay. Kinuha ko lang ang laptop na gamit ko at bumaba uli at bumalik sa pwesto ko kanina.   Sabog na ang liwanag sa paligid. Medyo uminit na rin.   Maybe i could write something. Matagal ng kinakalawang ang isip ko eh. Kailangan ng linisin ng konti. Maybe I can give it a second thought. That serialization offer.   Nakatitig ako sa screen ng laptop habang nag-o-open iyon.   Ano kaya? Hmmm...   Nag-iisip pa sana ako ng biglang may narinig akong boses mula sa unahan ng bahay.   Natigilan ako at kumunot noo.   Parang may taong tumatawag.   Agad akong tumayo at lakad-takbong pumunta sa harap ng bahay. Sa may gate naabutan ko ang isang batang lalake. Mababa lang naman iyong gate kaya kita ko na iyong bata.   Nang lapitan ko ito. Narealize ko na hindi na pala ito bata. Binata na pala. Halos mas matangkad na nga siya sa kin.   Hindi. Maliit lang talaga ako sa height. Tsk.   "Hi. Ano yun?" Mataman kong tinitigan iyong binatilyo.   Lumingon naman ito agad sa akin at ngumiti. "Good morning po."   "Good morning." Tipid akong ngumiti. "May kailangan ka?"   "Ahm... may ipinabibigay lang po sa nakatira dito." Agad nitong inangat ang kamay. May hawak siyang malaking asul na supot. Halatang marami at mabigat ang laman nun dahil nakaalalay pa ito sa ilalim ng dala. "Eto po."   Kumunot noo ako at binuksan iyong mababang gate. Lumapit ako sa binata at sinilip iyong laman nung plastic habang in-open naman nito iyon.   Hinog na mangga ang nakita ko. Madaming hinog na mangga.   "Sa min lahat yan?"   "Opo. Ipina-aabot lang."   Tinignan ko siya. "Nino?"   "Hindi ko po alam eh. Basta nautusan lang po ako." Bahadya itong nag-iwas ng tingin.   Humalukipkip ako. "Sorry hah. Hindi ko matatanggap yan kung hindi mo sasabihin kung kanino galing."   "Hah?!" Gulat na react nito.   "Serious." Pinakita ko pa sa mukha na serious talaga ako.   "Ah, hi-hindi ko po talaga alam. Si Nanay ang nag-utos sa akin eh. Yun lang po ang ibinilin niya." Kita ko na bahadya itong namutla at napalunok.   "Nanay mo?"   "Iyong nagluluto po dito sa inyo." Anito na pilit na ngumiti.   Naalala ko bigla. "Ahhh." Ngumiti ako. "Ayun naman pala. Dapat sinabi mo agad." Kinuha ko na yung dala nito. "Sorry hah. Kinabahan ka ba?"   Tumango naman siya.   "Sorry." Ngiti ko. "Salamat hah. Salamat din kay Nanay mo."   "Wala po yun." Pero halatang kinakabahan pa rin.   Huminga ako ng malalim. "Sorry. Ano nga palang pangalan mo?"   "La-lance po."   "Lance. Sorry talaga. Medyo praning lang ako kung minsan. Salamat din dito. Medyo mabigat pala." Ibinaba ko muna iyong plastic.   "Okay na po. Okay lang po yun." Napakamot siya ng batok at nahihiyang ngumiti.   Ngumiti ako sa kanya. "Matagal ka na bang nakatira dito Lance?"   "Opo. Ba-bakit po?"   "E di alam mo na ang magagandang places dito? Tama ba?"   "Syempre po. Dito po 'ko pinanganak at lumaki. Marami pong magagandang lugar na pwede niyong puntahan dito." Ngiti niya.   "So alam mo iyong mga pasikot sikot sa mga daan dito?" Ngumiti ako ng malapad.   "Opo. Alam ko naman po."   "Good. Pwede ba kitang hingan ng favor?"   "Ano po yun?" Tumitig siya sa kin.   "Baka pwede mo naman akong i-tour sa bayan niyo? Okay lang ba?" Ngumiti ako ng matamis hoping na mapapa-payag ko siya. Nabuburyo kasi ako sa bahay lang. Makati ang paa ko. Sa totoo lang. Gusto ko siyang mapapayag eh.   "Ah... yun lang po ba? Sige po." Tumatangong ngiti niya.   Nagulat pa ako dahil hindi ko in-expect na ganun kabilis siyang papayag. Ang swerte ko naman!!   "Ayy!! Thank you ah. Salamat." Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko sa kanya. "Ako pala si Rein. Ate Rein na lang."   Agad naman iyong tinanggap ni Lance. "Lance po, Ate Rein."   "Nice meeting you Lance."   *****   "Mangga? Saan galing?" Bungad ni Bianca sa akin pagkagising nito. Nasa kusina na kami at ako na ang nag-volunteer sa sarili ko na magluto.   Marunong ako pero hindi expert.   "Pinadala daw nung tagaluto mo." Nasa harap na ko ng hapag kainan at siya naman ay naupo na rin. May hawak akong isang mangga at pinag-intirisan ko na ang tamis nun. "Ansarap nito. Promise."   "Hindi ka pa rin nagbabago." Iling niya sa akin. Iyong mukha niya, nakangiwi.   Tumitig naman ako sa kanya. "Panung hindi nagbabago?"   "Hindi ka pa rin nagbabago. Mahilig ka pa rin sa libre. Ahaha.." sabay tawa.   Sinimangutan ko siya at umirap sa hangin. "Ay! Ewan!"   "Kinuha mo naman kasi agad."   "Syempre. Blessings ito. Sapalagay mo, araw araw bang may magpapadala sa yo ng fruits kahit wala kang sakit? Hindi noh. Ang tawag ko dito, pagiging praktikal."   "Ang tawag ko dyan, katakawan." Tawa niya uli.   Inismiran ko siya. "Gumaganti ka ba?"   "Gumaganti saan?" Ngumisi siya.   "Dahil mas maganda pa rin ako sa yo hanggang ngayon. Kahit noon."   "Oh! Shut up!"   Natawa ako ng malakas.   "Pero hindi nga? Wala bang sinabi? Basta binigay lang?"   "Wala naman." Biglang may pumasok na bagay sa isip ko. "Sandali. Bakit? May inaasahan ka ba na magbibigay nito?"   "Hah?!" Gulat na expression niya.   Napangisi ako. "Siguro may manliligaw ka dito. Di ba sa mga province kapag nanliligaw ang mga lalake nagpapadala sila ng mga ganito? Fruits, vegetables o kaya manok. Meron pa yung pagsisilbi. O kaya harana. Ohw! Ang sweet nun girl." Gumana na naman ang pagka-hopeless romantic ko. Tsk.   "Grabe. Malala ka na talaga." Umiling siya sa akin. "Malala na ang pagka-hopeless romantic mo. Grabe."   Muntik ko ng mabuga iyong nginunguya ko sa pagkasamid. Nanlaki ang mga mata ko at tumitig sa kanya.   Seriously? Basang basa niya ako.   Natawa naman siya sa akin ng sobra. "Ang epic mo talaga Rein. Kaya love na love kitang pasyente eh."   "Aha! Talaga? I don't know to you." Sabay irap uli.   Tinawanan lang niya ako. Sobrang tawa halos mamilipit sa tyan.   "Tawa pa more." Wika ko. "Natanong ko lang yung pangalan nung naghatid. Kinausap ko din siya kung pwede niya akong i-tour sa buong San Simon."   "Oh?!" Humihingal siya sa kakatawa at nung narinig ang sinabi ko ay biglang huminto at tumitig sa akin. "Kinuha mo siyang tour guide?"   "Kilala mo ba yun?"   "Eh kung anak yun ni Aling Nita e di si Lance yun. Isa na lang naman ang anak ni Aling Nita."   "Child abuse ka? Pumapatol ka na sa bata?"   "Pusang gala ka! Anong akala mo sa kin? Desperada?! Sabunutan kita dyan."   Natawa naman ako.   "Ikaw yata yung desperate eh. Kinuha mong tour guide si Lance. Bakit?"   "Ah! Mas joke yun." Ngisi ko. "Kasi gusto kong maglibot sa San Simon. Kailangan ko ng mag-ga-guide sa akin. Hindi mo naman ako pwedeng samahan kasi nga may volunteer work ka. Angalan naman, hatiin mo ang katawan mo para sa akin?"   "As if gagawin ko yun." Ngisi niya.   "As expected." Ismid ko.   "Hindi nga?"   "Oo nga."   "Serious ka hah."   "Bakit? May problema ba dun?" Kinunutan ko siya ng noo.   Umiling siya. "Wala naman."   Tumitig ako sa kanya. Pininingkit ko ang mata ko at ngumisi. "Iniiba mo na yung topic. Siguro totoong may manliligaw ka rito?"   "Wow hah!" Tawang pagak niya.   "Yung totoo."   "Wala nga." Madiin niyang wika. Tumayo siya sa kinauupuan. "Dyan ka na nga muna at ng lubayan mo ko."   Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa salas. Nakita ko na hawak na niya ang cellphone niya at nagti-text. Nangiti ako.   "Di raw suitor!" Nang-aasar kong tawa kaya lang hindi na niya ko narinig.   *****   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD