Page 36 - Gone

3246 Words

Page 36                 Gone   *****   Sandali kaming nanatiling tahimik na nakatingin sa isa't isa. Hindi ko mahanap ang salita para sabihin sa kanya. Gusto ko na lang sana siyang sabihan na umalis pero alam kong hindi siya makikinig.   "I know you're tired now. Halika na." Mahinahon niyang wika. Lumapit siya at umakyat ng ilang baitang papunta sa kinauupuan ako.   Tatayo na sana ako pero mabilis naman siyang yumuko sa harap ko at binuhat ako.   Napatili ako sa gulat. "Woah!! ANDREW?!"   Walang babala niya akong binuhat nang pa-bridal style. Mahigpit akong napakapit sa kanyang leeg at suminghap ng marahas.   "Napakagaan mo, Rein. Kumakain ka ba?" Nakangising aniya. Parang wala lang talaga sa kanya ang bigat ko. Though I know na magaan lang talaga ako but still..

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD