Page 33 Stay ***** NAGPAALAM na lang ako sa lahat na sumama ang pakiramdam ko para makaalis nang maaga sa trabaho pero alam ni Kris kung ano ang dahilan ko. I need to see Renz. Iyong mga sinabi sa akin ni Kris sa may restaurant ng hotel, it bothered me so much. Sa bahay nina Renz ako nagpahatid sa taxi. Pagbaba ko pa lang ay nasalubong ko na agad si Niña. Nagulat pa nga ito nang makita ako. "Ate Rein?" Tumitig siya sa akin. "Niña." I looked at her. Nakita ko ang bitbit niyang malaking bag at mukhang paalis siya. "Saan ka papunta?" "Sa ospital Ate." Sagot niya. Tapos ay namula ang mukha niya at naluha ang mga mata. "Anong nangyari?" Lumapit ako at yinakap siya. Nagsimula na siyang umiyak. Sinamahan ko si Niña sa ospital

