Page 34 Protect ***** Mabigat na napabuga ako ng hangin at deretsong lumabas ng room at nagpunta sa CR. Inilock ko ang pinto at binuksan ang gripo para hayaan ang tubig na umaagos. Huminga ako ng malalim. Kumapit sa edges ng sink sa may harap ng malaking salamin at tinignan ang sarili kong repleksyon. God?! What is happening to me? Parang tumanda ang itsura ko ng may ilang taon. Haggard, stress, tired. Hindi pa rin nagpapakita si Renz sa mga kapatid niya. Ayaw pa kasi niya kahit pinipilit ko naman siya. After ng office hour ay pinupuntahan ko si Renz sa hotel na pinag-i-stay-an nito. Dinadalhan ko siya ng makakain. Tapos ay deretso naman ako sa ospital para i-check ang lagay ng Mama niya. Ngayon ko lang narealize na nakaka-stress ang

