“Hindi kapani-paniwala. Ngunit ang katotohanan ay isa sa mga bagay na mahirap tanggapin,” ani Tito. “Hindi ba, Avie?” Putangina. Hindi ako nakakilos o kahit tumango man lang. Nanunubig ang mga mata ko at napapaawang ang mga labi. Napatitig ako sa picture na Dad na nakaframe sa harapan. He had an affair? God, no. . . “Noong una, hindi din ako naniwala. Kahit pa noong mga panahong iyon napapansin ko ang pag-iba ng kilos ng asawa ko. Kuya Alwin was the same sibling I had known but he became more attentive on us. Nangangamusta. Ngunit may iba na pa lang nangyayari. May iba na pala siyang balak.” “You aren’t saying these things para siraan ang Dad sa akin, Tito?’ “Mas gugustuhin kong sabihin sa ‘yo na nagsisinungaling lang ako. Hi

