PAKIRAMDAM ni Eunice ay nabunutan siya ng tinik nang makaharap niya ang ina-inahan ni Jonathan. Lahat ay nasabi niya rito at aaminin niya. Natuwa siya sa pagtatanggol sa kanya ni Jonathan kanina. “Ako na ang humihingi ng tawad sa ginagawa nilang panggugulo sayo. Hinding-hindi ko na papayagan pa na guluhin ka nila dahil ako ang kanilang makakalaban,” wika sa kanya ni Jonathan. Alam niyang mahal nito ang kinilala nitong ina-inahan at kitang-kita niya kanina ang sakit sa mga mata ni Jonathan habang umiiyak ito. “Kung alam na ng Mama Amelia mo kung saan ako nakatira ay hindi niya dapat makita si Tito Jonas at Nanay Salud. Tiyak na malaking gulo ito. Hanggat hindi pa natin alam kung sino ang may pakana sa aksidente ng Papa mo ay hindi pa pwedeng malaman ng Mama Amelia mo na buhay ang ama mo

