MATUTULOG na sana si Eunice nang bigla siyang lapitan ni Liam. Katatapos niya lang maligo. “Mama, can I ask you a favor? Sana po mapagbigyan mo ako,” pakiusap nito sa kanya. Napakunot noo siya. Kahit kinakabahan siya sa request nito ay tinanong niya pa rin kung ano ang gusto nito. Ngumiti muna ito sa kanya at nagpacute na nakaugalian na nitong gawin kapag may hinihinging pabor. Sino ba namang ina ang makatatanggi kapag nagpapacute na ang anak mapagbigyan lang ng hiling. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti dahil ganoon rin si Jonathan sa kanya kapag may gustong hilingin. Bahagya niyang ginulo ang buhok ng anak. Hindi niya alam na ang hiling pala ng anak ay ang magtabi silang tatlo sa iisang kama. Ayaw sanang pumayag pero wala siyang magawa dahil nakapangako na siya. Napansin niya si

