KAHIT anong tawag ni Amelia kay Jonathan ay hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Hindi niya mapigilang hindi mataranta dahil sapilitan siyang pinapalayas ng mga pulis sa bahay ni Jonathan. "Attorney, anong ibig sabihin nito? Baka nakakalimutan mo kung sino ako? Anak ko si Jonathan Miranda. Hindi mo ito pwedeng gawin sa akin," wika niya sa kanilang family attorney. Nagwawala na siya sa galit. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Amelia. Kung ako sayo ay tawagan mo na lang ang anak mo at kayo ang mag-usap but for now, umalis na po muna kayo sa bahay na ito. Iyon ang gusto ni Jonathan," wika sa kanya ng abogado. "How dare you, attorney? Pagkatapos ng ginawa ng aking asawa sayo ay gaganituhin mo ako? Wala kang utang na loob!" bulyaw niyang nagwawala. "Kay Mayor Jonas ako may utang na loob

