Kabanata 3

865 Words
Leandro Hindi ko alam kung bakit ako napasok sa sitwasyong ‘to. Pero hangga’t hindi ko pa nakukuha kay Tanda ang mana ko, titiisin ko muna ang ganitong pakikipagsapalaran. Never in my entire life did I imagine myself chopping wood. Sino ba mag-aakala na ang nag-iisang tagapagmana ng Buenaventura Group of Companies ay magiging tagasibak lang ng kahoy? Shit. Karma hits me real hard. Ito ang napala ko sa biglaang paghila ng isang babae para pakasalan. At ngayon, heto ako, may hawak na palakol habang nakatutok sa malaking troso na kailangan kong hatiin. “Aba, ano pang hinihintay mo, Mr. Buenaventura? Naglalakad ang oras. Sibak na!” utos ni Dad. Fuck. Ang hirap pakinggan kapag tinatawag ko siyang “Dad.” “Y-Yeah. Sisikapin ko po, Dad,” sabi ko agad bago ko inamba ang palakol. Pag-hampas ko pa lang, ramdam ko nang parang mababali ang braso ko. Ganito pala kahirap? “Hindi ganyan ang tamang pagsibak! Masisira ang palakol ko sa ginagawa mo!” sigaw ni Dad. “Tatay naman! Ano ba'ng alam niyan sa pagsibak?” kontra ni Kelseay na nakaupo lang sa isang natumbang punongkahoy. “Aba’y noong kabataan ko, bago ko pa napakasalan ang Nanay mo, marunong na akong magsibak! Hindi porket anak-mayaman ‘yang napangasawa mo ay hindi ko na p’wedeng pagtrabahuhin. Dinagit ka nga niya nang walang pasabi, ang magsibak pa kaya?” mahabang litanya ni Dad. “Yeah, it’s fine. Easy cheesecake,” sagot ko pa, sabay hampas ulit. “Cheesecake!” sigaw ko nang mabiyak ang troso. Tumango si Dad, si Kelseay naman ay nakangiwing nakatitig sa akin. “Mainam! Bilisan mo pa dahil marami ka pang sisibakin! Ayoko ng lalampa-lampa!” “Hey, can you get me some cold water?” sabi ko kay Kelseay. Umirap siya bago padabog na tumayo. “Wala kaming mineral water. Magtiis ka sa tubig-poso,” sagot niya. Napakunot-noo ako. “What’s tubig-poso?” “Aruy! Tubig-poso lang hindi mo alam? Saang planeta ka ba ipinanganak?” natatawang tanong ni Dad. “Sorry, Dad. I never heard that before. Nasanay kasi ako sa mineral water.” “P’wes, masasanay ka na simula ngayon,” aniya. “Anak, ikuha mo na siya.” Gusto ko pang magreklamo pero pinandilatan lang ako. Tsk. Sana iba na lang ang napakasalan ko para hindi ganito kahirap ang buhay ko. Gusto ko pang hanapin si Maureen at itanong kung bakit niya ako ginhost sa mismong wedding day namin. Mainit na at pawisan ako, kaya hinubad ko ang shirt ko. Ilang segundo pa lang, may narinig akong matinis na tili. “Arujusko! Ang aga ng biyaya ng langit!” tili ng babaeng nakasampa sa bakod. Halos kagatin niya ang labi niya sa pagtitig sa akin. “Hoy, Lucresia!” sigaw ni Dad. “Ke-aga-aga nag-aakyat-bakod ka na!” “Tiyo naman! Lucy, hindi Lucresia!” sagot nito habang hindi pa rin lumalayo ang tingin sa akin. “At saka sino itong gwapong papa na ito? In fairness, ang yummy!” “Naku, tigilan mo ‘yan! Kasal na ‘yan sa pinsan mo!” sabi ni Dad. “Ano iyon, Tiyo?” naguguluhan pang tanong nito. Napabuntong-hininga na lamang ako. “Dad is right. I’m Kelseay’s husband,” sabi ko. Nanlaki ang mata niya at nahulog sa bakod. Saktong lumabas si Kelseay kaya napasighap siya nang makita akong topless. Ngumisi ako. Para siyang napatigil ang mundo. “Enjoying the view?” tanong ko bago ko ininom ang tubig at sinadyang ibuhos sa katawan ko. Para siyang na-freeze sa pwesto. Kelseay My goodness, Lord. Bakit ganito? Bakit parang may sariling buhay ang mata ko? Bakit ang sexy niya tingnan?! Parang nag-slow motion ang lahat, at napatulala ako. ‘Ano ba ‘to? Bakit biglang bumibilis ang t***k ng puso ko? Bakit parang kulang ang hangin?!’ Sheyt na malagkit. Hindi pwede ‘to! Hindi ako dapat ma-akit ng sanggano na ‘to! Tumikhim ako para magising ang sarili ko. “A-Ano ba kasi ginagawa mong manyak ka? Magdamit ka nga! Nakaka-estress ka tingnan! Maraming taong makakakita sa’yo!” sermon ko. Bigla naman akong tinulak ni Lucy. “Bruha ka, Pinsan! Ano 'tong nababalitaan ko na kinasal kana raw?! At kailan ka nagka-nobyo, ha?!” sunod-sunod na litanya nito. Pero natigilan ako nang marealize kong nakadikit ang mga kamay ko sa dibdib ni Leandro. Oh. My. Lord. Ang birhen kong mga kamay… naging makasalanan na. “Mamaya mo na ‘ko manyakin, asawa ko. Remember our honeymoon?” bulong ng hinayupak. Para akong nakuryente, kaya mabilis akong umatras. “I-Ikaw ‘yung manyak!” sigaw ko. “Itigil niyo nga iyang mga harutan niyo!” sigaw ni Tatay. Napasinghap ako. Nandito pa nga pala siya! “Yeah,” dagdag pa ni Leandro. “Mamaya na kita sisingilin sa kama. Sisiguraduhin kong magiging mainit ang gabi natin mamaya.” Halos kapusin ako ng hangin sa sinabi niya. Maniningil? Painitin ang gabi? Sira ulo ba siya?! Never. Hindi niya makukuha ang perlas ng silanganan ko! Ido-double lock ko pa! Lumapit bigla si Lucy. Matalim ang tingin. “Masyadong dominante pala itong asawa mo. Say goodbye to your precious pearl.” Nanindig lahat ng balahibo ko, maging 'yung nasa ilalim... ng batok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD