Kelseay
Napakagat ako sa mga kuko ko habang tinitingnan si Tatay na nakatayo sa harapan namin ng sangganong ito. Prente lang itong nakadekwatro sa mahabang upuang kahoy, habang si Tatay ay taas-baba ang kilay sa kakatingin sa amin.
“’T-tay…” mahina kong tawag. Bigla siyang napahampas sa mesa kaya rinig na rinig ang lagitnit nito. Napa-siksik ako sa tabi ng sanggano habang pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Kilala ko si Tatay. Kapag nagalit, wild kung wild.
“Ano ulit ang pangalan mo?” tanong ni Tatay. Pang-apat na beses niya na sigurong tinanong iyon mula nang dumating kami.
“Leandro Buenaventura, sir,” sagot ng sanggano, walang ka-abog-abog. Nagtitigan pa sila ni Tatay, at sunod-sunod naman akong napalunok nang ilapit ni Tatay ang mukha niya.
“Ganyan ba dapat ang tawag mo sa tatay ng asawa mo?” seryosong tanong ni Tatay.
“Tatay!” sita ko.
“Hindi ikaw ang kausap ko, KJ,” singhal niya sabay lingon sa akin. Alam kong galit na siya kapag tinawag niya ako sa palayaw kong iyon na pinaiksing Kelseay Jade.
“Sorry, Dad,” ngising sabi ng sanggano.
Dad? Kailan pa naging Dad si Tatay nito?
“Ilang taon na kayong magkasintahan nitong anak ko?” tanong ni Tatay.
“We’ve been secretly in a relationship for almost three years, Dad,” pagmamayabang nitong gagong ito. Iyon ang napagkasunduan naming script.
NBSB ako buong buhay ko, tapos three years daw kaminglihim na magkarelasyon?? Pang-FAMAS ang actingan ng isang ’to. Ngunit hindi naman namin puwedeng sabihin kay Tatay ang totoo. Na wala pang limang oras kaming magkakilala at bigla lang niya akong hinila at pinakasala'y baka atakihin sa puso si Tatay. Kaya ayan, napilitan akong magsinungaling.
“Isinesekreto niyo pa talaga sa akin? At ikaw KJ! Kailan ka pa natutong maglihim?” binalingan niya ako.
“S-sorry po, ’Tay…” napayuko ako.
“Nandiyan na ’yan, wala na tayong magagawa. Ang akin lang, ni hindi ko man lang naihatid ang anak ko sa altar. Iyon lang ang pinapangarap ko.” Mahabang litanya ni Tatay. Napakonsensiya ako. Kung buhay si Nanay, malamang kinurot na ako no'n sa singit.
“Pasensiya na ho, Dad. Biglaan din po,” pagsingit ng sanggano. “Mamamatay na kasi ang Lolo ko at kailangan niya akong makitang nag-asawa.”
Napairap ako sa loob-loob ko. Grabe! Buhay na buhay pa nga ang Lolo niya, pinatay niya agad.
“Isang tanong, isang sagot lang,” seryoso ni Tatay. “Mahal mo ba ang anak ko?”
Hindi kaagat nakasagot ito nakasagot kaya panandaliang umalis si Tatay. Pinandilatan ko naman siya ng mata. “Umayos ka kung gusto mong makalabas ng buhay.”
Pagbalik ni Tatay mula kusina, muntik na akong mawalan ng ulirat sa hawak niya.
“It—Itak?” bulong ko. Napamura si Leandro.
“s**t…”
“T-tay… a-anong gagawin mo d’yan?” nanginginig kong tanong.
Ngumisi lang si Tatay at itinaas pa ang itak. Kumikintab. Halatang bagong hasa.
“Uulitin ko. Mahal mo ba ang anak ko?”
Naramdaman ko ang biglang paghawak niya sa kamay ko.
“M-mahal ko po,” kinakabahan niyang sagot.
“Hindi ko marinig,” ani Tatay.
“Tatay naman!” pigil ko.
“Tinatanong ko lang. Ano, Mr. Buenaventura? Mahal mo ba ang anak ko?”
“Mahal ko po siya, Dad!” sagot niya, halos nanginginig.
“Gaano kamahal?” tanong ulit ni Tatay sabay lapit ng itak sa mukha ng sanggano.
“D-Damn… masyado yatang matalim ’yan, Dad…”
“Tatay! Baka masugatan yan!” pagpigil ko.
“Hindi pa naman dumadampi, ah,” walang pakialam niyang sagot.
Matalim muli ang tinging iginawad niya sa kawawang Leandro.
“Huling tanong. Gaano mo kamahal ang anak ko?”
“I love her since the day I met her. I love her, I swear. Mamatay man si Tanda!” mabilis na sagot niya.
Mukhang kumbinsido si Tatay kaya inilayo nito ang itak.
“Mainam kung ganoon,”ani Tatay. “Pero kailangan ka munang may mapatunayan. Kapag nakapasa ka sa mga pagsubok na ibibigay ko, buong puso kong ipapaubaya sa iyo ang anak ko. At saka niyo makukuha ang basbas ko.”
Tumayo si Leandro. “I’ll do my best, Dad.”
“Tingnan natin. Simula ngayon, dito muna kayo titira sa poder ko. Kailangan mong sumailalim sa lahat ng pagsubok. Bukas ang una: magsibak ka ng kahoy.”
Sabay kaming napanganga.
Napabulong naman si Leandro, sakto sa pandinig ko. “s**t… bakit ba ako napasok dito? Ako, magsisibak ng kahoy? What the f**k…”