Angelo
It's been five long years since the last time I saw her. Pero hindi pa rin iyon binago ang nararamdaman ko para kay Kelseay. I thought na sa muli naming pagkikita, may chance at lakas ng loob ako para umamin sa kanya. But it's too late, because she's already married.
Kaagad ko siyang pinuntahan pagkatapos ng family gathering namin, hoping na makita ko siya muli, and of course, to confess what I really felt back then.
Noong makita ko siya kanina habang naglalakad, gusto ko na siyang yakapin. I really missed her so much. Masaya ako na nakita ko ulit siya. Tama nga ang sinasabi nila: "Happiness can also be replaced by sadness." Dahil iyon mismo ang naramdaman ko nang malaman ko na kasal na pala siya.
"So, gaano na kayo katagal kasal?" tanong ko sa kanya nang hindi pinapahalata ang lungkot ko.
"Actually, kahapon lang kami ikinasal," sagot niya.
Huli na talaga ako. Wala na akong pag-asa dahil may iba nang nagmamay-ari sa kanya.
"Really? I still can't believe it. Saan kayo nagkakilala and how long you'd been together?" muling tanong ko, pilit na pinapasigla ang boses ko. But deep inside, my heart tore into pieces.
"A-Ano kasi, we're secretly in a relationship for almost three years. Hindi ko lang nasabi 'yon kay Tatay kasi, alam mo naman, study first ang gusto niya," pagku-kuwento niya. Sa sinabi niyang iyon, parang tinusok at sinaksak ang puso ko.
Natawa ako kunwari. "Ano pa nga ba ang maaasahan ko? You're still the Kelseay I knew back then. Wala kang ipinagbago. Maswerte ang asawa mo kung ganun. He had a beautiful, caring, and loving wife," nakangiting sabi ko.
Masuwerte talaga kung sino man siya. Maswerte siya kasi pinakasalan siya ng babaeng mahal ko.
Namula naman siya sa sinabi kong iyon. "Ikaw rin. Ikaw pa rin ang Angelo na kilala ko. Bolero ka pa rin hanggang ngayon," sabi niya habang napapailing. "Tungkol sa’yo naman ang pag-usapan natin. Ikaw, may girlfriend ka na ba?" She asked. I smiled bitterly saka napailing.
"Sad to say, but no. Me and my girlfriend just broke up weeks ago. Kaya nga umuwi na rin ako rito. Kung wala ka nga sanang asawa at hindi ka pa kasal, liligawan sana kita," sabi ko habang nakangiti.
Seryoso ako riyan!
Kaagad naman akong nakabawi saka tinignan siya. "Just kidding, Kels. Di ka na mabiro," natatawang sabi ko saka kinurot ang ilong niya.
Na-miss ko rin 'tong pagkurot sa ilong niya.
"Sira ka talaga. Don’t worry. Dadating din ang tamang babae para sa’yo. Look at you, paniguradong maraming nagkakandarapa sayo. You’re still young, Gelo. Malay mo, nasa tabi-tabi pala iyon," sabi niya saka tumawa.
"Naks, namiss kong tawagin mo akong ganyan, Kels," ani ko saka napangiti.
Di kalayuan ay natatanaw na namin sina Tatay Isma at ang sinasabi niyang asawa niya. Napako naman ang paningin ko doon. He seems familiar to me. I know him, but I forgot where I saw him. Napako rin ang paningin nito sa amin. Naglakad naman kami ni Kels papalapit sa kanila.
When we reached them, kaagad na bumaling sa amin si Tatay Isma. Nang makita niya ako, bahagyang nagulat siya, pero kaagad din namang lumiwanag ang mukha.
"Aba’y ikaw na ba iyan, Angelo? Kamusta ka na?" masayang wika ni Tatay.
"Tatay Isma! Long time no see. Okay naman po ako, pogi pa rin. Kayo po, kamusta?" bati ko saka niyakap siya.
"Malakas pa naman sa kalabaw, hijo. Mas lalo ka ngang pumogi," natatawang sabi ni Tatay. "Kailan ka ba dumating?"
"Kaninang madaling araw lang din, ‘Tay. Makisig pa rin kayo hanggang ngayon. Isa pa, mas lalo kayong bumata!" bumungisngis si Tatay. Tuwang-tuwa siya kapag sinasabihan ko siya ng ganoon.
Then suddenly, we heard Kelseay's husband coughing. Masama rin ang tingin niya sa akin.
"Ahm, excuse me," anito.
"Ay, siya nga pala. Hijo, eto si Mr. Buenaventura, ang asawa nitong si Kelseay. Mr. Buenaventura, si Angelo nga pala, kababata nitong asawa mo," pagpapakilala ni Tatay.
"So, ikaw pala ang asawa nitong si Kels. Angelo Salazar, pare. Nice to meet you," bati ko. Inilahad ko pa ang kamay ko, ngunit tinitigan lang niya ito.
Tss. What a pathetic jerk!
"Ako nga, Leandro Buenaventura. I’m Kelseay's husband. Pleased to meet you too. Hiramin ko lang muna itong asawa ko." May diin sa salita niya tungkol sa asawa.
Kaya pala pamilyar siya. He’s the heir of Buenaventura Group of Companies, one of the most successful empires in and outside the world.
Kaagad niyang hinila si Kels palayo sa amin.
I don't like him, to be honest. He doesn’t deserve Kels. I know him as a certified jerk. I wonder paano niya napasagot si Kels.
I guess he used his so-called pathetic moves to manipulate girls. That’s his forte anyway.
"I can't believe that Kels is now married to him. Hindi ko man lang nabalitaan, Tatay Isma," komento ko. Tinapik naman niya ang balikat ko.
"Pasensiya ka na, hijo. Alam mong ikaw ang manok ko noon. Pero naunahan ka na. Akala ko kasi ay hindi ka na babalik," paliwanag ni Tatay.
Nginitian ko lang siya saka tinapik sa balikat.
"Ayos lang, Tatay Isma. Kasalanan ko naman eh. Kung noon sana ako pumorma, nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Ngayon, pag-aari na siya ng iba." Pinilit ko pa ring ngumiti kahit papaano.
Ang sakit lang isipin talaga. Nakapanghihinayang. Kung sana, mas napaaga ang dating ko. Kung sana, noon pa man ay ipinagtapat ko na sa kanya ang nararamdaman ko.
At ngayon, huli na ako. Nakatali na siya sa iba at alam kong wala na akong pag-asa. Anong laban ko kung kasal na sila? Anong laban ng isang dating kaibigan lang?
Siyempre wala. Talo na ako at mas lalong dehado.
How I wish I was him. How I wish I’m the one you loved, Kels.
Sana ako na lang. Sana ako na lang siya. Sana ako na lang siya na pinakasalan mo.
Maybe, I will always be that coward guy back then. How ironic.