Kelseay
Naglalakad na ako papunta sa bukid namin nang biglang may umagapay sa akin. Muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong basket, pero mabuti na lang at nasalo ito.
"Naku naman, bakit ka ba nanggugu---teka, Angelo?" nanlalaki ang mga mata ko nang mapagsino ito.
Oh my gosh! Siya nga, si Angelo!
"Hi Kels, nice to see you again," nakangiting bati niya sa akin. Kaagad ko siyang dinamba ng yakap.
I miss this guy so much!
"Woah! Masyado mo naman yata akong na-miss. Don’t worry, I missed you too, Kels," tumatawang sabi niya. Napabitiw ako sa pagkakayakap sa kanya saka hinampas siya.
"Grabe, limang taon na rin simula ng huli tayong nagkita! Kumusta ka na? Mukhang hiyang tayo sa Canada ah, lalo kang gumwapo," puri ko rito.
Noong high school pa lang, gwapo na siya, pero mas lumakas at lalo pang nagmature ngayon. Matangkad si Angelo, kulay tsokolate ang mata na binabagay ng mahahabang pilik-mata. Tanyag ang ilong niya at mala-rosas ang labi.
He has also this masculine body, broad chest and perfect biceps.
Shit! Ang hot niya pa rin hanggang ngayon!
Tumawa siya nang bahagya. "Well, aside sa gwapo pa rin, I’m actually holding our firm there. Noong tinuloy ko ang pag-aaral ko doon, pagka-graduate ko kaagad, sinabak na ako ni Dad sa company," anito saka nginitian ako. "Ikaw, kamusta ka na? I heard you graduated as Magna c*m Laude. Saan ka na nagtatrabaho ngayon? Are you still single?" Napanga-nga ako sa huling sinabi niya.
Jusko po! Naitanong pa!
Sunod-sunod akong kumurap saka napalunok.
"H-ha?" kunwaring tanong ko.
Napailing lang siya saka ni-pat ang ulo ko.
"Well, obviously you had a boyfriend, right? Sa ganda mong 'yan, I’m sure pila na ang manliligaw mo," aniya.
Muli akong napalunok saka humugot ng malalim na buntong-hininga.
"A-actually, I’m already married," napapangiwing sabi ko. Napamaang siya, tila pinoproseso ang sinabi ko.
"Tatawa na ba ako niyan, Kels? Hanggang ngayon palabiro ka pa rin pala," sabi niya saka tumawa.
Napailing ako saka pinakita ang kamay ko. Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ang singsing na suot ko.
"K-Kasal ka na talaga? Kelan pa? But Mom told me you weren’t entertaining suitors back then. I-I guess, uh, never mind. Congratulations then. Huli na pala ako," hindi makapaniwala ang sabi niya. May huli pa siyang naiusal, pero hindi ko na narinig iyon.
"Basta, mahabang istorya eh. Pupuntahan ko nga sila ngayon sa bukid. Magkasama sila ni Tatay doon," paliwanag ko.
Hindi ko lang alam kung tama ang nakikita ko sa mukha niya. Kitang-kita ang panghihinayang. Aaminin ko, naging crush ko si Angelo noon. No scratch that, still crush ko pa rin siya hanggang ngayon. Childhood best friends din kami.
Hindi ako nagkalakas ng loob na umamin noon. Hanggang sa nakaalis siya patungong Canada, akala ko nakalimutan ko na ang nararamdaman ko. But now, here he is, standing and looking at me. Muling umusbong ang nararamdaman ko noon, dati akala ko hindi na mababalik. Pero huli na, nakatali at kasal na ako sa sangganong manyakol na ‘yon.
"Hmm, I see. Pwede ba akong sumama? Gusto ko ring makilala ang maswerteng taong napakasalan mo. And of course, miss ko na rin si Tatay Isma," nakangiting sabi niya.
Ginantihan ko siya ng ngiti saka tumango. "Sige ba, tara. At habang naglalakad tayo, magkuwentuhan tayo."
Bago kami maglakad, kinuha niya ang basket na bitbit ko. He’s really a gentleman, kaya ko rin siya nagustuhan noon.
"So, gaano na kayo katagal kasal?" tanong niya.
"Actually, kahapon lang kami ikinasal," sagot ko.
"Really? I still can’t believe it. Saan kayo nagkakilala and how long you’ve been together?" sunod na tanong niya.
"A-Ano kasi, we’ve been secretly in a relationship for almost three years. Hindi ko lang nasabi kay Tatay kasi, you know, study first ang gusto niya." Kung puwede lang sigurong humaba ang ilong ko sa pagsisinungaling, sigurado akong abot-langit na iyon. Abot-langit talaga ang kaba ko kapag hindi nagsasabi ng totoo.
Natawa siya sa sinabi ko. "Ano pa nga ba ang maaasahan ko? You’re still the Kelseay I knew back then. Wala kang ipinagbago. Maswerte ang asawa mo kung ganun. He had a beautiful, caring, and loving wife," puri niya. Medyo namula ako ng light.
"Ikaw rin. Ikaw pa rin ang Angelo na kilala ko. Bolero ka pa rin hanggang ngayon," napapailing na sabi ko. "Tungkol sa’yo naman. May girlfriend ka na ba?"
Nagkibit-balikat siya. "Sad to say, but no. Me and my girlfriend just broke up weeks ago. Kaya nga umuwi ako rito. Kung wala ka nga sanang asawa at hindi ka pa kasal, liligawan sana kita." Napamaang ako sa sinabi niya. Tila kinuryente ako at hindi makagalaw. Bigla ko narinig ang tawa niya.
"Just kidding, Kels. Di ka na mabiro," tatawa-tawang sabi niya saka kinurot ang ilong ko.
"Sira ka talaga. Don’t worry. Dadating din ang tamang babae para sa’yo. Look at you, paniguradong maraming nagkakandarapa sayo. You’re still young, Gelo. Malay mo, nasa tabi-tabi pala ‘yan," ani ko saka sinundan ng tawa.
"Naks, namiss kong tawagin mo akong ganyan, Kels," anito habang malawak ang ngiti.
Mula sa kinatatayuan namin, tanaw na tanaw namin sina Tatay at ang sangganong manyakol.
Napalunok ako nang makita itong nakahubad habang nag-aararo.
Jusko! Tirik na tirik ang araw, pero nakahubad? Sanggano nga talaga.
Nagsalubong ang mga mata namin kaya napahinto ito sa ginagawa. Napadako ang tingin nito sa kasama ko saka kumunot ang noo niya. Nagpatuloy lang kami ni Angelo hanggang sa marating namin ang maliit na kubo.
Gulat si Tatay nang makita si Angelo. Kaagad nitong ibinaba ang sombrero saka nilapitan kami.
"Aba’y ikaw na ba iyan, Angelo? Kamusta ka na?" masayang wika ni Tatay.
"Tatay Isma! Long time no see. Okay naman po ako, pogi pa rin. Kayo po, kamusta?" bati ni Angelo saka niyakap si Tatay. Masayang nagyakapan ang dalawa, at napapangiti na lang ako habang tinitignan sila.
"Malakas pa naman sa kalabaw, hijo. Mas lalo ka ngang pumogi." Natatawang sabi ni Tatay. "Kailan ka ba dumating?"
"Kaninang madaling araw lang din, ‘Tay. Makisig pa rin kayo hanggang ngayon. Isa pa, mas lalo kayong bumata!" Bumungisngis naman si Tatay.
Nakarinig kami ng pag-ubo. Nasa tabi na rin namin ang sanggano na masama ang timpla ng mukha.
"Ahm, excuse me," anito, mukhang sinadya ang ginawa.
"Ay, siya nga pala. Hijo, eto si Mr. Buenaventura, ang asawa nitong si Kelseay. Mr. Buenaventura, si Angelo nga pala, kababata nitong asawa mo," pagpapakilala ni Tatay.
"So, ikaw pala ang asawa nitong si Kels. Angelo Salazar, pare. Nice to meet you," bati ni Gelo. Inilahad pa nito ang kamay, ngunit tinitigan lang ito ng sanggano.
"Ako nga, Leandro Buenaventura. I’m Kelseay’s husband. Pleased to meet you too. Hiramin ko lang muna itong asawa ko." Diniinan niya talaga ang salitang asawa. Kaagad niya akong hinila palayo.
"Hey, anong attitude ‘yon, huh?" singhal ko sa kanya.
"Kels, huh, who’s that jerk? May I remind you, Mrs. Buenaventura, that you’re already married, so don’t talk to other guys. Understood?" sermon niya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Aba’t kaibigan ko naman siya ah. Saka wala ka nang pake kung sino ang kausapin ko," katwiran ko.
"Aist, don’t you get it? I don’t effin care if he’s your friend. Ayoko sa kanya," ani ulit niya.
"Inaano ka ba niya, ah? Tsaka ano bang problema mo?" inis na tanong ko.
"Tss. Just do what I said! Nothing more, nothing less. Got that?"
"Ayoko nga! Kakausapin ko siya tapos. Wala kang pake, got that?" panggagaya ko sa huling linya niya.
"Agh! Hard-headed girl. Don’t you get it?" reklamo niya.
Inis ko namang tiningnan siya. Binalingan ko sina Gelo at Tatay, tinanguan naman ako nito.
"Titingin pa eh!" inis na ring bulyaw niya.
"Ano ngang problema mo?"
"Damn it, sweetheart! I’m jealous!" himutok niya. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.
What the heck!