Kabanata 8

962 Words
Tagatak ang pawis na naglalandas mula sa katawan ni Leandro. Magiliw naman itong tinatanaw ng mag-ama habang abala pa rin sa pag-igib ng tubig. Mahigit dalawang drum na ang napupuno niya. Batid niya ang pagod dahil sa paulit-ulit na pagpapabalik-balik. "Kailan niyo po ba balak pahirapan iyan, Tatay? Alam mo namang hindi sanay iyan sa ganitong trabaho," tanong ni Kelseay sa ama. Tila tuwang-tuwa ito sa nakikita niyang ginagawa ng manugang niyang hilaw. "Alam mo, anak, hindi na ako mangangamba pagdating ng araw na mawala ako. Nakikita ko ang dedikasyon ng asawa mong iyan," turan nito, na siyang ikinalunok niya ng sunod-sunod. Nariyan pa rin ang guilt sa sarili niya. Sa buong buhay niya, noon lang siya naglihim sa Tatay niya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang totoo, pero pinangungunahan siya ng takot. Ayaw niyang iba ang maisip ng Tatay niya. Mahal na mahal niya ito, at tanging ito na lang ang natitira sa kanya. Hindi niya kayang magalit ito sa kanya. "'Tay, hindi niyo po kailangang sabihin ang bagay na iyan. Marami pa akong gustong patunayan at ibigay sa inyo. Huwag kang mawawala sa akin, Tatay. Hindi ko kaya, hindi ko kakayanin," aniya. "Hindi pa ako mawawala, anak. Naniniguro lang ako. Kampante ako na mabibigyan ka niya ng magandang buhay," muling saad nito. "Tatay, paano kung may nagawa akong kasalanan?" pasimpleng tanong niya. Narinig niya namang bumuntong-hininga ang matanda. "Kung ano mang kasalanan iyan, pinapatawad na kita," anito. "H-Hindi ka po magagalit? Paano kung malaking-malaking kasalanan iyon? Mapapatawad niyo ba ako?" dagdag niya. Kaagad siyang hinawakan nito sa magkabilang balikat saka hinarap sa kanya. "Hinding-hindi ako magagalit sa’yo, anak. Walang magulang ang kayang magtanim ng galit sa kanilang anak. Kahit gaano pa kalaking kasalanan iyon, walang magbabago. Mas hihigit at mangingibabaw ang pagiging ama ko sa’yo. Iyan ang lagi mong tatandaan." Parang maiiyak siya sa sinabi nito. Tila hinaplos ang puso niya. Wala na talaga siyang ihihiling dito. Napakapalad niya at ito ang naging ama niya. May busilak na kalooban at napakabuting puso. Pero pagdating sa kanya, napaka-istrikto nito. Na marapat lang naman dahil nag-iisang anak lang siya nito. "Masyadong madrama na tayo dito, ‘Tay. Ayoko pong maging drama actress. Papasok po muna ako sa loob at ihahanda ko lang ang hapag-kainan," aniya saka iniwan ito. Muli niyang tinanaw si Leandro, na ngayo’y nakatingin din pala sa kanya. Kaagad siya nitong kinindatan, napairap naman siya saka pumasok sa loob. Nilapitan naman ni Mang Ismael ang manugang. Malapad ang ngisi niya saka tinapik ang binata. "Bilisan mo na riyan at mag-aagahan na tayo. Ayos ka lang ba, o baka pagod ka na?" tanong nito. "Well, I’m perfectly fine, Dad. Besides, nag-eenjoy din ako. Parang nag-eehersisyo lang ako sa ginagawa ko. Mas lalong lalaki ang muscles ko nito," pagmamalaki niya, saka ipinakita ang naglalakihang muscles habang nakangisi. "Aba’y mainam iyan. Maghanda ka na rin dahil pagkatapos nating mag-agahan, isasama kita sa bukid. Tutulungan mo akong mag-araro, maliwanag?" Tila nawala ang malaking ngisi nito at napalitan ng seryosong ekspresyon. "Seriously, Dad?" hindi makapaniwala ang tanong ni Leandro. "Sa tingin mo ba nagbibiro lang ako, Mr. Buenaventura? Kung sa tingin mo ay ayaw mo, katulad ng sinabi ko, ireklamo mo sa Human Rights," sarkastikong sagot ng matanda. 'Agh! It’s like torture to me! aniya sa isip. Bumuntong-hininga nalang siya saka bagsak ang mga balikat at tumango. "Sabi ko nga, seryoso ka, Dad. I’ll finish this first then," pilit na nginitian niya ito. Tumalima na rin ang matanda saka pumasok sa loob. Kaagad namang tinapos ni Leandro ang kanyang ginagawa. Humahangos siya saka pumasok sa bahay. Nadatnan niya ang mag-ama na nakaupo na, may nakahain na rin sa mesa, kaya umupo na rin siya. Tila kumalam ang sikmura niya sa naamoy na mabangong pagkain. Tahimik na kumain sila. Sunod-sunod siyang sumubo na parang gutom na gutom. Nang matapos sila, nagpahinga muna siya saglit. Ilang minuto pa, may bitbit na ang matanda ng gamit nito. Kaagad siyang napatayo saka inagaw ang mga gamit nito. Inabutan din siya nito ng sombrerong pang-magsasaka, saka sila nagpaalam kay Kelseay. "Mauna na kami, anak. Sumunod ka na lang mamaya pagkatapos mo rito," bilin ng ama. Sunod-sunod naman itong napatango. "Mag-iingat po kayo, Tatay, saka wag magpagod masyado," bilin din niya. Bumaling siya kay Leandro at nginitian ng malapad. "Don't worry, sweetheart. I’ll take care of myself too. Specially, hindi ako magpapakapagod." Matamis ang ngiti niya rito. Tinaasan lang siya nito ng kilay. "May sinabi ba ako?" anito. Napamaang na lang siya. Tinapik ng matanda ang balikat niya. Nauna na itong tumalikod. Bago siya sumunod, mabilisang halik ang iginawad niya sa dalaga. Gulat naman itong napatingin sa kanya. Bago pa man makareact, kaagad na rin siyang tumalikod at sinundan ang matanda. Rinig niya pa ang paghihisterical ni Kelseay bago siya lumabas. "Animal kang sangganong manyakol ka, bwisit!" sigaw nito. Napailing nalang siya at pinagpatuloy ang paglalakad. Ilang minuto rin ang inabot bago marating ang bukid na sinasakahan nito. Medyo malapit lang ito sa bahay kaya hindi siya nahirapan. Tumigil sila sa maliit na kubo na gawa sa papag at nipa. Doon nila inilatag ang mga gamit. Nakita niyang nagtungo si Mang Ismael sa puno ng mangga kung saan nakatali ang isang kalabaw. Kaagad siyang pinasunod. Inayos nila ang ararong gagamitin. Medyo malawak ang bukirin, at sa tantiya niya, aabot ng dalawa at kalahating ektarya. Napapalunok siya habang nililibot ang paningin sa kabuuan. 'Kahapon taga-sibak ng kahoy. Kanina naman taga-igib ng tubig, and now, isang magsasaka. What an exciting life! aniya sa isip. In-explain nito sa kanya ang gagawin. Itinuro kung paano ang tamang pag-araro, isa-isa niyang idini-demonstrate. Nang makuha niya iyon, siya naman ang nag-araro. Tumatama ang init ng araw sa balat niya, pero kinalaunan, nag-eenjoy na siya sa ginagawa. Lalo na at napapaamo niya ang mismong kalabaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD