CHAPTER XXXI THREE YEARS AFTER… May mga pagkakataon sa buhay mo na mapapatanong ka nalang kung deserve mo ba ang lahat ng nangyayari sayo o kung dapat lang mangyari sayo ito. Pero kahit anong tanong mo pa o pagdududa ay lagi ka lang ibabalik ng Diyos sa sitwasyong ‘yon hanggang sa ma realize mo ang sagot sa tanong mo. Tatlong taon na mula ng mawala sa akin si Violet. Wala akong balita o kahit katiting man lang na ideya kung nasaan ito at kung anong nangyari dito. Sinubokan kung magtanong sa mga kaibigan niya pati ang kapatid niyang ni minsan ay hindi ko pa nakikilala ay kinausap ko. Pero ako nalang din ang napagod sa lagi nilang sagot sa akin na hindi nila alam. Naghire pa ako ng imbestigador para lang makasigurado. Halos araw-araw ko din silang sinusundan baka sakali

