CHAPTER XXX VIOLET MASANGSANG Ilang tawag sa telepono at mga email pa ang natanggap ko matapos makaalis nila Duke kasama si Ethan at Blake. Ayaw sana akong iwan ni Blake pero mas lalong lumalala ang mga problema kapag kasama ko sila. Hindi man sinasadya pero mas lalong nadidiin ang pangalan ko sa gulong ito. Masakit mang tanggapin pero nakakasira daw ako ng relasyong una palang naman talaga ay sira na. Mahirap lang din tanggapin na ang mga taong naninira sayo ay hindi rin naman malilinis na tao. Napangiwi ako nang marinig ang masakit sa tengang boses ni Kuya. Kanina pa kasi ito tawag ng tawag kaya hindi ko na pwedeng hindi pansinin pa. Dahil ang sermon niya ngayon ay baka maging ilang sesyon na ng misa. "Violeta! I've been calling you since yesterday. Papatayin mo ba si Momm

