"J-Janine?" gulat na tanong ni Tatang Julio nang mapagbuksan niya ako ng pinto. "T-Tuloy ka, hija." Tumuloy nga ako at kaagad na nilibot ng tingin ang bahay nila. Wala pa rin itong pinagbago. Walang sahig. Lupa lang kaagad ang natatapakan. Wala ring bintana. Punit-punit na sako lang ang naging takip. May isang kwarto. Magkasama na ang sala, kusina, at dining area nila. Kaagad na dumako ang mga mata ko sa isang picture frame na nakasabit sa dingding. Naikuyom ko ang mga palad sa pagpipigil na maiyak. "Sigurado akong matutuwa si Justine kapag nakita ka niya ngayon," saad ni Tatang Julio. "Lalo na naka-uniform ka pa." Mapait akong napangiti. Nilingon ko si Tatang Julio. "Kumusta po kayo, Tatang? Pasensya na po kayo at ngayon lang ulit ako nakadalaw." "Ayos lang iyon, ano ka ba," nakangit

